Kabanata 47
Dali-daling
tutungo si Gen sa Davao upang ayusin ang suliranin sa nasunog na pagawaan.
Sasamahan siya ni Edward dahil ang pansariling sasakyan panghimpapawid nito ang
kanilang gagamitin. Lingid sa kanilang kaalaman ay si Carlotta ang nag-utos na
pasabugin ang pagawaan. Dahil din sa kanyang kagagawan ay makakabalik si
Sabrina sa Ropa kung saan gugulatin nito ang pamangkin sa pamamagitan ng
pagpasok sa isang pagpupulong kung saan ipaaalam nito sa lahat ang kanyang
pagbabalik. Mahuhuli ni Leon si Emy at Mang Epong na aalis dapat papuntang
Maynila upang hanapin ang kanyang ina. Ikaiinis ito ng binata ngunit sa payo na
rin ng kaibigan na si Fred, hahayaan na nito ang dalawa at pagbibigyan gawa na
rin ng araw araw na pangungulit ng mga ito. Sasabihan ni Sophia si Edward na
muling gawin ang lahat upang maging sila ulit ni Gen, ngunit sasagot ito na
hindi niya nais masira kung anuman ang kasalukuyang mayroon sila, ang kanilang
pagkakaibigan na pipiliin niyang pangalagaan sa ngayon.