Sunday, January 6, 2013

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 48

Kabanata 48
Patuloy pa rin ang mga pagtatalo sa pagitan ng magkakamag-anak. Nagtatalo ang mag-ate na Edward at Carlotta tungkol sa Lucia, na nais pa rin bilhin ni Edward upang maging lupa na tatayuan ng Meraviglie. Bukod dito, nais din niyang bilhin ang nasabing lupa upang makatulong kay Gen. Lalapit naman si Gen sa kanya upang idulog ang suliranin ukol sa pamunuan ng Ropa, na unti-unti nang nakukuha ni Sabrina dahil nabili na rin nito ang bahagi ng puhunan na pinanghahawakan ng kapatid na si Natalia, matapos itong takutin na ibubunyag ang kanyang lihim hinggil sa pakiki-apid nito sa isang mambabatas noong siya ay bata pa. Bukod sa pagbubunyag na ito, mapagaalaman naman na si Emy at ang batang nagngangalang Biloy na hinahanap ni Carlotta ay iisa.

Nakakagulat na paminsan-minsan na nga lang lumabas si Natalia at may maibibunyag pang ganitong lihim ukol sa kanya. Sa mahabang panahon, lagi lamang siya lumalabas bilang alalay ni Sabrina at ni Gen. Kung tutuusin, wala nga siyang naibabahaging mahalaga sa daloy ng mga pangyayari. Ngayon lamang siya nagkaroon ng ambag sa mga bagay-bagay na pipilit kay Gen na gumalaw na di lubos na sang-ayon sa kanyang mga nais talagang gawin. Mabuti naman at umuusad na rin ang mga pangyayari at mukhang unti-unti nang nagkakaroon ng linaw ang mga bagay bagay.

“40 million? Wow naman Gen nahiya naman yung savings ko diyan” –Trina

Episode 48
Arguments continue to prevail among relatives. Siblings Edward and Carlotta are fighting over Lucia, which Edward wants to buy so he could build Meraviglie on it. Aside from this, he also wants to buy the land to help Gen. Gen, on the other hand, would approach him to ask for help regarding her problem with Ropa’s management, which is slowly being usurped by Sabrina because she has also bought part of the capital owned by Natalia, after blackmailing her sister over an affair she had with a politician way back when. Aside from this revelation, it is also made known that Emy and the child called Biloy whom Carlotta is looking for are actually one and the same.

It is surprising how Natalia comes out once in a blue moon and such a secret is then revealed about her. She has, for a long time, served as a de facto assistant to her sister Sabrina and to Gen. She actually bears no significance when it comes to the story and it is only now that her character is contributing something crucial to the turn of events which would force Gen to do something not in line with what she really wants to do. It is just a good thing that the plot is advancing now and it seems as though things are starting to get clearer bit by bit.

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Film Review

Film Review

Film Review

Film Review