♣♣♣♣/♣♣♣♣♣
Labing-anim na taong gulang si Gilberto “Galo” Manansala at nakikitira sa kapatid na babae ng kanyang inang pumanaw na. Iniwan na rin ng ama si Galo upang sumama sa ibang babae. Hindi man masaya ang binata sa kasalukuyan niyang kalagayan, hindi naman niya maikaiila na malaki ang tulong nito sa kanya dahil kahit paano ay nakapag-aaral siya sa Maynila kahit na tila ba ginagawa siyang katulong sa bahay ng mga pinsan niya. Matapos ang dami ng pinagkakaabalahan sa paaralan ay magkakaroon si Galo ng panahon na lumuwas sa Tarmanes upang dalawin ang kanyang lola na ayon sa mga natanggap niyang sulat ay palala na ng palala ang lagay ng kalusugan. Ang sasalubong sa kanyang pagdating ay dalawang batang hindi niya mamukhaan at isang bahay na puno ng mga nililok na mga tauhan at sinasambang panginoon mula sa pananampalataya na hindi rin naman niya kilala. Doon din niya makikilala si Mama Susan at ang kanyang mga kaibigan.











.jpg)
