Friday, August 29, 2025

Narkokristo, 1896

♣♣♣♣/♣♣♣♣♣

1896. Panahon ng Kastila. Ang Pilipinas ay malapit nang makalaya sa kamay ng mga dayuhang mananakop ngunit kailangan munang dumanak ang dugo upang ito ay makamit. Payak ang pamumuhay ni Isaak na nakatira sa isang kubo kasama ang kanyang mga magulang na sila Tata Selo at Aling Oropia. Sila ay mga mag-iitik na ang pangunahing suki ay ang mag-asawang Kastila na nakatira sa malaking bahay at may kaibigang manggagamot na dumadalaw galing Alemanya. Sinasama si Isaak ng kaibigang si Domeng sa malaking bahay na iyon kung saan marami silang matutuklasang likim. Hawak naman sa leeg ni Padre Blas si Domeng dahil nasa mga kamay nito nakasalalay ang tadhana ng kanyang kapatid na si Francisca. Gaya ng sa iba pang mga Pilipino, matindi at hindi makatao ang pinapataw na buwis ng pamahalaan at simbahan subalit lahat ng panggigipit ay may katapusan. Gawa na tayong lahat ay sa abo nanggaling, sa abo rin tayo lahat babalik.

Tuesday, August 26, 2025

Isang Milyong Piso

♣♣♣♣/♣♣♣♣♣

Maghihiwalay ng landas ang magkasintahang Jose at Selya sa pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig kung saan sasali si Jose sa himagsikan laban sa mga Hapon. Doon ay maililigtas niya ang buhay ng isang Amerikano na pawang bilanggo rin ng mga kalaban. Matapos magpagaling ang dalawa ay babalik na sa kanyang bansa ang Amerikano ngunit masugid na tatanungin ang bagong kaibigan kung paano siya makatatanaw ng utang na loob. Pabirong sasabihin ni Jose na bigyan siya ng isang milyong piso kung sakaling yumaman ang kaibigan. Hindi naman kaaya-aya ang naghihintay na kapalaran ni Jose pagbalik sa Bulakan lalo pa ngayon na napinsala na ang kanyang bisig at kakayahan na maghanap-buhay. Ipapasok siya ng mga pinsan sa mga gawaing hindi naaayon sa batas at dito ibubuhos ng binata ang lakas at panahon matapos malaman na si Selya ay nililigawan na ng isang Major Alfredo Lozano na higit na makapagbibigay sa kanya ng maginhawang buhay.

Monday, August 25, 2025

Ang Larong Nagwakas Sa Atin

♣♣♣♣♣/♣♣♣♣♣

Magmula ng lumipat galing Quezon City patungong Las Piñas ay sa laro na ng Chess umiikot ang daigdig ni Dennis Manansala kahit na wala gaanong pagkakataon upang laruin niya ito dahil tila ba hindi ito ganoon kasikat bilang laro sa bago niyang paaralan. Magbabago ang lahat nang mapasama ito sa taunang palaro ng paaralan kung saan mapipilitan sumali si Esther Pamintuan na tinguriang pinakamatalino sa kanilang buong pangkat. Mula sa pagiging walang alam sa laro ay magiging bihasa si Esther sa tulong na rin ni Dennis sa loob ng apat na taon na kanilang ilalagi sa kanilang paaralan. Habang umiigting ang kanilang pagkakalulong sa laro ay titindi rin ang kanilang pagtitinginan sa isa’t-isa. Maraming pagkakataon na ito ay makabubuti subalit mayroon ding mga panahon na ito ay makasasama sa kanilang dalawa hanggang sa umabot na nga ang lahat sa huling laro na siyang magiging tuldok ng kanilang apat na taon sa High School at magwawakas sa kanila.

Sunday, August 24, 2025

Into the Woods (Theatre Group Asia)

♣♣♣♣/♣♣♣♣♣

A childless Baker (Nyoy Volante) and his Wife (Mikkie Bradshaw-Volante) are visited by the Witch (Lea Salonga) from next door with a confession. The reason they can’t have children is because she cursed them along with their house. She offers them a deal which involves collecting ingredients for a spell that will make her young and beautiful again: a cape as red as blood donned by Little Red (Teetin Villanueva); a cow as white as milk owned by Jack (Nic Chien), who is now being asked by his Mother (Eugene Domingo) to sell it at the market; hair as yellow as corn, maybe from Rapunzel’s (Joreen Bautista) long locks; and a golden shoe worn by Cinderella (Arielle Jacobs). Each and every one of them has a wish and sees that wish being granted, which makes them happy for a while… until they’re not. And then comes an enraged Giant widow out for vengeance.

Monday, August 18, 2025

Together

♣♣♣♣/♣♣♣♣♣

Teacher Millie Wilson (Alison Brie) and aspiring musician Tim Brassington (Dave Franco) have been together as a couple for a decade now and all that is left for them to do is get hitched. However, Tim has his doubts. He still decides to move in with her to an area a few hours away from the city so she can accept a teaching job at a smaller school. The two are welcomed by her co-teacher Jamie McCabe (Damon Herriman), who Tim suspects is interested in Millie. The house is great and the area is surrounded by nature. One afternoon they decide to go trekking and get lost as what started out as nice weather becomes a mini storm. Tim falls down a sinkhole and Millie is dragged down with him as her attempts to help fail. Trapped for half a day down there, they let the storm pass and drink from the mini pond. Strange things start to happen afterwards.

Tuesday, August 12, 2025

Canal de la Reina

♣♣♣♣/♣♣♣♣♣

Ikagugulat ni Caridad ang kanyang daratnan sa Canal de la Reina pati na rin ang kinahinatnan nito, ang pook na kinalakihan niya at ng kanyang kapatid. Ipinamana sa kanya ng kanilang mga magulang ang lupa. Kasama ang asawang si Salvador at ang mga anak na sina Leni at Junior, magbabalik si Caridad upang tignan ang lupa na dapat ay nasa pangalan niya, subalit ang bubulaga sa kanya ay ang pagsalubong sa kanila ni Nyora Tentay na magsasabing siya ang may-ari ng lupa at ng bahay na nakatayo roon. Ipinagbili raw ito ng mga katiwala nila Caridad at may hawak siyang titulo. Isang matinding laban sa hukuman ang susunod na magaganap kung saan maglalaban ang dalawang panig upang maibigay ang lupa sa tunay na may-ari. Ngunit dahil maliit ang daigdig na ginagalawan, hindi rin inaasahan na may mga landas na magtatagpo mula sa magkabilang panig. Sino kaya ang magtatagumpay sa huli na magiging totoong tagapangalaga ng lupang pinag-aagawan?

Monday, August 11, 2025

Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat

♣♣♣♣♣/♣♣♣♣♣

Magkasama na nangungupahan ang magkaibang Dodong at Buldan sa isang pook malapit sa Dreamland. Walang matinong hanapbuhay ang dalawa at kadalasan ay nandurukot lang upang makaraos. Ang kasintahan ni Dodong na si Che ay namamahala naman ng isang pook aliwan kung saan nagkikita ang mga naghahanap ng aliw at mga babaeng naglalako ng laman. Pagbabantaan ang buhay ni Che dahil sa panibugho ng isang suki niya na may hawak na kapangyarihan at ibibintang ito sa kasintahan. Si Butsok naman ang panganay ng mag-asawang Delfin at Marife. Magsasabay-sabay ang kanilang mga kasawiang-palad sa buhay sa pagsulpot ng mga bangkay ng mga bakla na mapapag-alamang kinikitil ang buhay ng isang di pa kilalang may galit sa kanilang uri. Habang abala ang mga kinauukulan sa paghahanap sa salarin, patuloy ang buhay sa paligid ng Dreamland kung saan matatagpuan ang mga nasa laylayan ng lipunan, isang kahig isang tuka at pinaglalaruan lang ng mga nasa kapangyarihan.

Friday, August 8, 2025

Weapons

♣♣♣♣♣/♣♣♣♣♣

Elementary school teacher Justine Gandy (Julia Garner) finds herself in hot water when all of the students in her class, save one, disappear in a strange fashion. All of them wake up one night at 2:17 AM and exit the front door of their homes, running into the night with arms spread, never to be seen again. Archer Graff (Josh Brolin), father of one of the children, tries to pin the blame on the teacher but finds out meaningful clues on his own after analyzing several CCTV footage. Alex Lilly (Cary Christopher), the only child not to disappear, is transferred to a different group but is constantly pursued by Justine, much to school principal Marcus’ (Benedict Wong) disapproval. Despite reassurance from her old flame and now police officer Paul Morgan (Alden Ehrenreich) that investigation is in full swing, Justine takes matters into her own hands and launches her own investigation starting at Alex’s house, where she discovers some weird things.

Thursday, August 7, 2025

Materialists

♣♣♣♣/♣♣♣♣♣

Lucy (Dakota Johnson) has made a name for herself as one of the most sought-after matchmakers in the industry, holding the record in her company for nine matches that eventually led to marriage. At the wedding reception of her latest match she meets the groom’s brother, which is what they refer to in the industry as a unicorn. Harry (Pedro Pascal) is tall, good looking, working in finance as well as being born rich and still rich. She attempts to recruit him but he is persistent in wanting to date HER instead. She reluctantly agrees and is wowed by the opulence on display even though she can’t fully commit because she stumbles upon her ex with whom she is still in love. John (Chris Evans) hasn’t really changed since they broke up due to him being broke. Nowadays he moonlights as a server in a catering company while pursuing his dreams as a theater actor.

Wednesday, August 6, 2025

Freakier Friday

♣♣♣♣/♣♣♣♣♣

Anna Coleman (Lindsay Lohan) is back after two decades, this time as a single mother to teenage Harper (Julia Butters) who is always in loggerheads with her high school classmate Lily Davies (Sophia Hammons), a British transferee whose single dad Eric (Manny Jacinto) just opened a restaurant in Los Angeles. Meanwhile, Tess (Jamie Lee Curtis) is now a book author and struggling to launch her own podcast while dealing with the onset of old age. An altercation between the two teenagers land them, and their parents, at the principal’s office where sparks fly and a relationship is formed. Half a year later, Anna and Eric are getting married and arch-enemies Harper and Lily are about to become stepsisters. When a twist of fate leads to a switching of bodies between Anna and Harper and Lily and Tess, the two teenagers, now in adult bodies, realize that they can sabotage the wedding by using Anna’s ex Jake (Chad Michael Murray).

Tuesday, August 5, 2025

P77

♣♣♣♣/♣♣♣♣♣

Luna Caceres (Barbie Forteza) makes a living by cleaning graves at a local cemetery, her constant companion being her asthmatic younger brother Jonas (Euwenn Mikaell). Their mother Natalia (Rosanna Roces) disappears from time to time, her excuse being that of finding side jobs to make ends meet. One day she comes back with documents that will permit her daughter to work onboard a cruise ship. Hesitant at first, Luna eventually agrees, videocalling her brother regularly when time and signal would permit. When Jonas calls one day and has an asthma attack after finding out that his inhaler has run out, Luna is forced to witness her brother fighting for his life over the phone. She decides to come back and take care of him full time. In the absence of a steady source of income, she finds a temp job as cleaner at a posh 7th floor penthouse of a luxury condo, where she starts being haunted by malevolent entities.

Friday, August 1, 2025

Luha ng Buwaya

♣♣♣♣/♣♣♣♣♣

Ang bayan ng Sampilong ay pinaghaharian ng mag-asawang Don Severo at Doña Leona Grande na nagmamay-ari ng mga lupain kung saan nagsasaka ang mga manggagawa. Mayroon ding pook doon na tinatawag na Tambakan na pinamamahayan naman ng mga mahihirap na walang mga sariling tahanan. Isa sa mga ito ay si Andres at ang asawang si Sedes na lumipat doon mula sa Maynila matapos lumisan ang mga Hapon. Si Mestrong Bandong naman ay tumatayong pansamantalang tagapangasiwa ng paaralan sapagkat siya isang guro. Ang pag-ibig niya ay iaalay sa marikit na dalagang si Pina na pinagnanasahan naman ng kanang-kamay ng mga Grande na si Dislaw na kanilang inuutusan upang sikilin ang mga manggagawa. Sa gitna ng pagmamalupit ng mag-asawa ay matutuklasan ni Andres na may habol ang kanyang mga kanunu-nunuan sa lupain ng mga Grande dahil kinamkam lamang ito ng lolo ni Leona na Kastila. Handa na ba silang makipag-agawan ng lupa?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Theater Review