Thursday, December 27, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 44

Kabanata 44
Hindi ka man maniwala, umabot hanggang kabanatang ito ang walang humpay na pagngalngal, yakapan, at pagbabahagi ng malulungkot na karanasan nila Carlotta at Henry. Kaya naman pag-uwi ni Carlotta sa bahay ay malaking pagkakamali ng kanyang ama na salubungin ang kanyang galit sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanya sa pagpapatakbo ng kanilang kabuhayan. Bakas na bakas sa mga mata ni Carlotta ang galit, at pagsasalitaan nito ang ama, na siyang matutunghayan ni Edward. Malalaman din niya sa unang pagkakataon na may isa pa palang anak si Carlotta, at pagkatapos ay sisisihin ang sarili dahil hindi niya alam at siya ang naging dahilan ng pagkakalayo ng mag-ina. Ipagdiriwang naman nila Gen ang kaarawan ng yumao niyang ama, at hindi magiging lubos ang kasiyahan kung walang sabunutan. Susugurin ni Sabrina ang pamangkin at magpapalakasan ang dalawa, ngunit lugi si Sabrina dahil maraming kakampi si Gen. Hihingi naman ng tulong si Mang Epong kay Emy na panghimasukan ang buhay ni Leon, sa pamamagitan ng paghahanap sa mga tunay na magulang nito.

Salamat naman at nakabalik na rin si Sabrina. Kung dati-rati ay nakakainis siya, ngayon naman ay natutuwa na talaga ako sa kanya. Alam naman natin na gagamitin lang siya ng mga tao sa paligid niya ngunit tama nang nakakatuwa ang mga pinaggagagawa niya upang malibang ako. At dahil mukhang makikipagsabwatan siya kay Carlotta, umaasa ako na darami pa lalo ang kanyang labas. Hindi naman pala alam ni Edward na may anak si Carlotta. Kung sana ay kausapin lamang niya ng masinsinan ang kapatid, maaring maging magkakampi pa sila. Lumabas nga pala muli si Natalia sa kabanatang ito, at mahaba-haba rin ang naging pakikipag-usap niya kay Gen. Gayunpaman, mukhang wala pa rin talaga siyang dulot at nananatiling palamuti lamang. Magugulat ang lahat kung may pasabog din si Natalia. Kung hindi, huwag na nga lang siyang labas ng labas. Wala naman siyang naitutulong sa pag-usad ng mga pangyayari, sa totoo lang.

“Maaring nade-decline ang mga credit cards ko and maybe my bags and shoes are second-hand right now pero excuse me! My kotse pa rin ako!” –Sabrina

Episode 44
Believe it or now, Carlotta and Henry’s endless crying, power hugging, and sharing of sad stories reached even this episode. That is why when Carlotta gets home her father makes a huge mistake by attempting to nag her about the family business. Her rage is very much obvious in her eyes, and she would then scold daddy, which will be witnessed by Edward. He will also find out for the first time that Carlotta has another child, and then would blame himself for not knowing and unwittingly leading to the separation between the two. Gen and the office folks celebrate her departed father’s birthday, and the celebration would not be complete without some good old fashioned hair-pulling. Sabrina will attack Gen and the two engage in a battle of brute strength, but Sabrina is on a disadvantage because Gen has many sidekicks. Mang Epong asks Emy’s help in another attempt to meddle with Leon’s life, by finding his biological parents.

Let us all rejoice for Aunt Sabrina is back! If before I was a bit annoyed by her mere presence, now I am very much amused. We all know that she would only be used and controlled by the people around her but it is already enough that she is doing a lot of crazy stuff along the way to entertain me. And since it is highly probable that she would be in cahoots with Carlotta, I am hopeful that she will be having more appearances. Edward does not know that Carlotta had a child. If only he would talk to her about it, perhaps they would even end up as allies. By the way, Natalia also appears in this episode! And she gets to recite a few lines with Gen! Even so, I think she still remains as some sort of onscreen decoration without a raison d’être. Would we not all be surprised if she had her own explosive secret to reveal? If not, then maybe she should just stop appearing altogether. She does not even contribute anything to the development of the plot!

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Film Review

Film Review

Film Review

Film Review