Sunday, January 13, 2013

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 55

Kabanata 55
Kasabay ng pagsisisi ni Arturo ay ang paglabas ng mga lihim ng nakalipas at ang mga bagay na nag-uugnay sa kanilang mga Pierro, mga Saavedra at kay Henry. Ang lolo ni Henry ang tunay na may-ari ng Lucia ngunit napunta ito sa mga lolo nila Gen at Edward. Lalo pang tumindi ang mga kasalanan nila kay Henry ng iutos ni Arturo na ipapatay ito. Sa ngayon ay kumikilos na rin si Henry sa tulong ni Carlotta upang maghiganti at ipadukot ang mga may kaugnayan sa kaguluhang ito at kabilang doon si Gen. Tuloy pa rin ang paglabas labas nila Gen at Leon kahit sila ay nakabalik na sa Pilipinas, isang bagay na hindi ikinatutuwa ni Edward at magiging dahilan ng kanyang pagiging mainitin ang ulo kay Leon. Natunton na ni Carlotta si Emy at umamin dito siya si Amina. Hindi aaminin sa kanya ng dalaga na si Leon ang nawawala niyang anak.


Marami naman ang mga ibinunyag na lihim ngayon, kahit na hindi naman na talaga lihim ang mga ito at alam na rin halos lahat ng mga manonood. Mabilis na ang daloy ngayon ng mga pangyayari dahil patapos na nga ang palabas kaya nagiging kapanapanabik na ang lahat. Ang pinakanakaaantig naman sa damdamin sa kabanatang ito ay ang pag-aayos ng mag-amang Arturo at Edward, kahit tila ba huli na ang pagsisising ito ng matanda. Nakakaawa rin si Carlotta ngunit mabuti na rin nga yun sa kanya dahil kasalanan din naman niya ang pagsunog sa bahay ni Emy, kahit hindi naman talaga nakasalalay dito ang pagkikita nilang muli na mag-ina. Tungkol naman sa patuloy na pagtatagpo ni Leon at Gen, hindi maiwasan na isisi rin sa kanilang dalawa ang mga pangyayari. Kung hindi sila naging mapagparaya noon, wala dapat silang suliranin sa ngayon.

“Anong gagawin mo, Sophia, kapag pinapapili ka na ng pagkakataon. Kung ang bumubuhay sa akin ay ang papatay sa akin?” –Edward

Episode 55
Along with Arturo’s guilt trip comes the revelation of more secrets from the past and the connections that link them Pierro’s, Saavedra’s, and Henry. Henry’s grandfather was the true owner of Lucia, but the land was transferred to the grandfathers of Gen and Edward. What further intensified their sins was when Arturo asked Henry to be killed. For now, Henry is on the go with Carlotta’s help to seek retribution and have everyone connected to this fiasco kidnapped, Gen being one of them. Meanwhile, Gen and Leon continue to go out together despite being back in the Philippines, something that Edward is not very happy about and which causes him to vent his anger on Leon. Carlotta has finally tracked down Emy at admits to her that she is Amina. Emy will not admit that Leon is Carlotta’s missing child.

And so the secrets start to come out all at once, even when they could no longer be considered as secrets because almost everything has already been made known to the audience. The plot development is hastened because the show is ending after all and for that everything is starting to pick up and get more exciting. What is the most touching in this episode, though, is the reconciliation between father and son, Arturo and Edward, even if it seems as though it is already too late for the old man to be having regrets at this rate. I pity Carlotta, but she deserves this setback because it is her fault anyway for burning down Emy’s house, even though her eventual meeting with her lost kid does not really depend on this. As for Gen and Leon’s continuous dates, it cannot be avoided for them to take the blame for it. If they did not take the high road before, they would not really be having this problem now.

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Film Review

Film Review

Film Review

Film Review