Sunday, January 13, 2013

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 54

Kabanata 54
Aaminin ni Gen kay Leon na usapan lamang ang pakikipag-isang dibdib niya kay Edward at hindi niya talaga ito mahal. Sa una ay magtataka ang binata kung bakit ito sinasabi sa kanya ni Gen subalit magpapasya rin ito sa wakas na gagawin ang lahat upang hindi na siya pakawalan at maghihintay sila hanggang matapos ang pangako sa mga taong pinangakuan bago nila habulin ang kanilang kaligayahan. Sa kabila nito ay babalaan pa rin ni Edward si Leon kahit na malinaw sa kanilang dalawa na ipaglalaban na ni Leon ang kanyang nararamdaman sa pagkakataong ito. Uuwi si Emy sa Agusan dahil pinasunog ni Carlotta ang bahay niya. Pasusundan siya nito upang matunton ang kinaroroonan ni Leon, at pati na rin ng nawawalang anak ni Carlotta.

Isa ito sa mga pinakamagandang kabanata ng palabas dahil sa mga usapan sa pagitan ng tatlo na tila ba tumutukoy sa isang bagay ngunit iba naman ang tunay na pinatatamaan. Ang isa pang magandang kaganapan dito ay kung paano ang naging takbo ng mga pangyayari, na ngayon ay wala nang paligoy-ligoy pa sa pagitan nina Gen at Leon. Alam naman nila talaga noon pa kung ano ang kanilang nais, ngunit ngayon lamang nila ito kinilala at paninindigan. Sa ngayon ay malinaw na nga na nalalapit na ang pagtatapos, at mukhang akma lamang ang lima o anim pang kabanata upang lutasin lahat ng natitirang suliranin upang mabigyan ng matinong katapusan ang lahat.

 “Lalo na kapag gipit na yung sitwasyon, di ba? Kaya para gumaling at mawala yung sakit mo, lunukin mo kahit ano. Kahit sapilitan. Para lang gumaling ka” –Leon

Episode 54
Gen admits to Leon that her marriage to Edward is just an arrangement and that she does not really love him. At first, Leon could not fathom why Gen is telling him this, but he would eventually decide to do everything to not lose her again this time, and that they will wait until their promises to everyone have been fulfilled before they finally pursue their happiness. On the contrary, Edward would still warn Leon to stay away, even if it is clear to both of them that Leon would be fighting for what he thinks is right this time around. Emy returns to Agusan because Carlotta had her house burnt down. She would then be tracked down in order to find out where Leon, and in effect Carlotta’s missing child are.

This is one of the most beautiful episodes of the series because of the layered dialogue among the three which seem to refer to one thing but actually alludes to something else. Another cool aspect is how the flow of events turned out to be, that now there is no more beating around the bush for both Gen and Leon. They have always known what they really want, but it is only now that they have finally come to recognize it and fight for it. For now it is clear that the show is almost ending, and it looks like five or six episodes more would be more than apt to resolve all remaining issues and give everything a good conclusion.

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Theater Review

Theater Review

Film Review

Film Review