♣♣♣/♣♣♣♣♣
Ang baklang paroloristang si Brigido o mas kilala ng kanyang mga ka-barangay bilang BREE ay suma-sideline sa barangay hall bilang receptionist kaya naman siya ang unang-unang naging punong abala sa paghahanap ng mga nawawala. Mukhang supernatural ang datingan ng mga pangyayari. Ang siste, bigla na lang nawawala ang mga tao na tila ba nage-evaporate gaya ng nangyari kay Sonia na isa sa mga nag-report kay Bree. Sinamahan niya ito sa bahay ng nawawala nilang ka-barangay na aktibista na si Corazon. Pagpasok sa bahay ay nakaramdam na lang si Bree ng ubod na lamig na tila ba naka-aircon at biglang sa isang iglap ay wala na si Sonia. Sa pagpapatuloy ng misteryo, magkukumpulan ang mga taga-Barangay Talong Punay sa kulto ni Baby Gerl, isang naulilang bata na lumaking may mga naririnig na boses na sa kanyang palagay ay galing sa mga anghel. Mahahanap pa kaya nila Bree ang mga nawawalang ka-barangay?
Ang dilemma ko talaga dito sa Ang Nawawalang Barangay is hindi ko alam kung leisure reading lang o seseryosohin ko ba. Parang nanggagago lang kasi si Chuckberry. So in the end in-enjoy ko na lang and effective naman. Maraming instances na tawang tawa ko. For example, bentang benta sa akin yung cult leader tapos ang pangalan Baby Gerl (pronounced Baby Jerl). Bwiset. HAHAHA. Tapos since bakla yung bida, baklang bakla rin ang pagkaka-narrate kaya fun, and nasakyan ko rin naman yung kanal humor. Not to mention the absurdity of it all. I mean, kulto na ang leader e styled as fictional Nicki Minaj (Kinkee Balaj) rapping bible verses. LOL.
Yun nga lang, this brings us back to that debate. Ang literature ba dapat may greater meaning o social relevance or pwedeng for entertainment lang talaga? Sa kaso kasi nitong Ang Nawawalang Baranggay meron naman nabigyang pansin din, gaya ng local patronage politics, in this case sa Malabon. Di ko alam kung gaano ka true to life yung sa nobela kasi di naman ako taga doon pero we get the idea. And syempre since bading yung bida nandiyan din ang theme ng queer identity in contemporary Metro Manila. Yun nga lang, hindi rin kasi talaga nag deep dive si Chuckberry sa mga issue na yun. Surface level lang talaga.
Pati yung love story half-baked. I was expecting Clyde to be on the side ng antagonists pero nawala na lang siya bigla sa istorya. O baka nawala rin siya gaya nung iba? Pati yung pagkawala ng mga tao mismo hindi rin naman na-explain maigi. Mystery lang talaga siya. Siyempre ang explanation nung kulto apocalyptic pero on the scientific side? Hindi mo rin tuloy alam kung symbolism lang ba siya for real life societal ills like tokhang or desaparesidos na nare-red tag. Narrative ba ito about climate change? Hindi ko rin alam.
Apparently mukhang genre talaga ni Chuckberry itong mga ganitong may supernatural slant. I found out na may libro rin pala siya na zombie apocalypse ang theme entitled MARS, MAY ZOMBIE. So siguro nag-eenjoy lang talaga siya sa mga ganitong kwento. Enjoy naman as is, may kulang lang talaga kung hahanapan mo ng bigger social relevance. Or ikaw na mismo maghahanap kasi kung meron man hindi explicit ang exposition. In any case, naalala ko Zsa Zsa Zaturnnah dito kasi parehong small barangay ang setting and bakla ang bida.
Anyway ang takeaway ko na lang siguro talaga rito e yung appeal ng demagogues at mga lider ng kulto na talagang kinakapitan ng mga tao sa oras ng kagipitan even though it doesn’t make much sense. Mind boggling lalo na kung nakapagtapos ka sa magandang unibersidad at bullshit lang para sa yo ang mga ganitong bagay. Ang realization na lang din siguro is yung place of privilege in observing such social phenomena, na hindi lahat may background na kagaya mo kaya sa mga ganyang tipo ng kulto sila kumakapit. Caricaturish lang ang presentation dito sa Ang Nawawalang Barangay pero ang dami rin naman kasi talagang ganyan sa totoong buhay. With that realization di mo na malaman kung matatawa ka ba o maiinis.


0 creature(s) gave a damn:
Post a Comment