Sunday, January 13, 2013

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 52

Kabanata 52
Sa kanilang pagpunta sa Tokyo, hindi alam ni Gen na kasama pala nila si Leon, na magiging dahilan ng pagkakailangan nilang dalawa. Matapos ang pagpapakilala kay Ginoong Yamamoto at sa asawa nito at maiiwan pa si Edward upang ayusin ang ilan pang mga bagay na dapat ayusin upang maituloy na ang pagpapatayo ng Meraviglie. Dahil wala namang nakakaalam na usapan lamang nilang dalawa ang pagpapakasal, sa isang silid lamang tutuloy sina Edward at Gen. Aaminin sa kanya ni Edward na mahal pa rin siya nito at gagawin lahat upang maibalik ang dating pagtingin ni Gen sa kanya. Mukha namang hindi na ito mangyayari pa dahil andiyan na ulit si Leon at hindi maiwasang ipakita ni Gen na mahal pa rin niya talaga ito. Samantala, iniwan na rin si Carlotta ni Ava matapos malaman nito na pinalayas ng ate ang kanilang ama. Galit din siya sa ama ngunit natatakot siya sa kung ano ang maaring gawin ni Carlotta kahit pa ipinangako nito sa kanya na wala siyang masamang hangarin sa kapatid.

Kahapon lamang ay hinahanap ko kung nasaan si Ava. Heto at lumabas na nga rin siya sa wakas. Nakatutuwang makita ang mga asaran nila ni Harry ngunit dahil hindi na rin magtatagal ay matatapos na rin ang palabas na ito, nakakainis isipin na hindi na rin mapaglalaanan ng panahon ang kung anumang maaring mabuong pagtitinginan sa kanilang dalawa. Nakasasawa na rin kasi ang paligoy-ligoy ni Gen at Leon pati na rin ang paghihiganti ni Carlotta kaya’t naghahanap na rin ang mga tao ng iba pang maaring pagtuunan ng pansin. Nakakaawa rin si Edward. Kung tutuusin, hindi naman siya ang tipo ng lalaki na walang saysay. Magkakandarapa pa nga ang mga babae sa kanya, subalit ganoon talaga siguro ang buhay. Magandang pagpapakita ito na hindi lahat sa daigdig ay maari mong makuha, kahit sino ka pa.

“Gen minus Edward equals Gen plus Leon” –Sabrina

Episode 52
Gen is not aware that Leon would be with them in their trip to Tokyo, which becomes a reason for awkwardness between the two of them. After the presentation with Mr. Yamamoto and his wife, Edward gets left behind to fix some more details for the construction of Meraviglie to finally take place. Since no one is aware that the two of them have a special arrangement, Edward and Gen are billeted in the same room. Edward admits that he is still in love with her and vows to make Gen fall in love with him again. It seems, though, that this would no longer be the case now that Leon is back and Gen could not help but show that she still loves him. Meanwhile, Ava leaves Carlotta too after finding out that she threw their father out of the house. He is also furious with her father but she is afraid of what Carlotta is capable of doing despite the promise that she would do her no harm.

I was just looking for Ava yesterday and here she is, appearing at last. It is fun seeing her banter with Harry, but since the show is nearing its run, it pains to think that this subplot would no longer receive any attention anyway, along with whatever potential story that comes with it. It is just that, it gets tiring watching Gen and Leon beat around the bush, as well as Carlotta and all her revenge subplots, and so everyone is trying to find another aspect that they could focus on. As for Edward, what a pity! He is not that bad a guy after all. In fact, a lot of girls would vie for his attention, but maybe that is just how life goes. It is good to show that you could not really get everything in this world, regardless of who you are.

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Theater Review

Theater Review

Film Review

Film Review