Sunday, January 6, 2013

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 47

Kabanata 47
Dali-daling tutungo si Gen sa Davao upang ayusin ang suliranin sa nasunog na pagawaan. Sasamahan siya ni Edward dahil ang pansariling sasakyan panghimpapawid nito ang kanilang gagamitin. Lingid sa kanilang kaalaman ay si Carlotta ang nag-utos na pasabugin ang pagawaan. Dahil din sa kanyang kagagawan ay makakabalik si Sabrina sa Ropa kung saan gugulatin nito ang pamangkin sa pamamagitan ng pagpasok sa isang pagpupulong kung saan ipaaalam nito sa lahat ang kanyang pagbabalik. Mahuhuli ni Leon si Emy at Mang Epong na aalis dapat papuntang Maynila upang hanapin ang kanyang ina. Ikaiinis ito ng binata ngunit sa payo na rin ng kaibigan na si Fred, hahayaan na nito ang dalawa at pagbibigyan gawa na rin ng araw araw na pangungulit ng mga ito. Sasabihan ni Sophia si Edward na muling gawin ang lahat upang maging sila ulit ni Gen, ngunit sasagot ito na hindi niya nais masira kung anuman ang kasalukuyang mayroon sila, ang kanilang pagkakaibigan na pipiliin niyang pangalagaan sa ngayon.

Ang ikli na naman ng kabanatang ito na ang maaring dahilan ay ang Bagong Taon. Wala gaanong mahahalagang pangyayari bukod sa pagbabalik ni Sabrina sa Ropa, na maari namang ipinakita na sa kabanata kagabi. Ang nakakatawa lamang ay ang paghihinuha nila Gen at Harry na nanalo sa Lotto si Sabrina kaya niya nabiling muli ang karamihan ng puhunan ng Ropa. Sana naman ay hindi umabot hanggang sa huli ang pagbubunyag ng katotohanan na si Carlotta ang may gawa ng lahat ng kababalaghan sa palabas na ito. Sa takbo naman ng mga pangyayari ay mukhang hindi naman ito ang kalalabasan ng lahat. Maigi kung alam agad nilang lahat kung sinu-sino ang kaaway nila, at paikutin na lamang sa magandang paglalahad ng mga susunod na kabanata ang daloy ng mga kaganapan.

“Nanalo ang mommy mo sa lotto?” –Gen

Episode 47
Gen will head to Davao at once to fix the problem with the factory that burned down. Edward will accompany her because it is his personal plane that they would use to get there. Unbeknownst to the, Carlotta was the one who had explosives planted in the factory. It is also because of her that Sabrina is back in Ropa, where the latter would surprise her niece by crashing a closed door meeting and announcing her return to everyone. Leon will catch Emy and Mang Epong en route to Manila to search for his mother. This would annoy the young lad, but following his friend Fred’s advice, he would just let the two do what they want to do, because they just would not stop bugging him. Sophia advises Edward to do everything to win Gen back, but he would say that he does not want to ruin what they currently have, which is their friendship that he would choose to nurture for now.

This episode was short once again, and it might be because of the New Year. There seems to be no important event aside from Sabrina’s return to Ropa, which could have been shown in yesterday’s episode anyway. What is funny, though, is how Gen and Harry speculate that Sabrina won the lottery, for which she was able to get back most of Ropa’s capital. Hopefully, the revelation that Carlotta is behind all the drama in this show would not take that long, although from the way things are going, it looks as though it is not how it would turn out to be. It would be better if they know at once who their enemy is, and then just rely on a good narrative of the next episodes and as well as a good plot.

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Theater Review

Theater Review

Film Review

Film Review