♣♣♣/♣♣♣♣♣
Ang baklang paroloristang si Brigido o mas kilala ng kanyang mga ka-barangay bilang BREE ay suma-sideline sa barangay hall bilang receptionist kaya naman siya ang unang-unang naging punong abala sa paghahanap ng mga nawawala. Mukhang supernatural ang datingan ng mga pangyayari. Ang siste, bigla na lang nawawala ang mga tao na tila ba nage-evaporate gaya ng nangyari kay Sonia na isa sa mga nag-report kay Bree. Sinamahan niya ito sa bahay ng nawawala nilang ka-barangay na aktibista na si Corazon. Pagpasok sa bahay ay nakaramdam na lang si Bree ng ubod na lamig na tila ba naka-aircon at biglang sa isang iglap ay wala na si Sonia. Sa pagpapatuloy ng misteryo, magkukumpulan ang mga taga-Barangay Talong Punay sa kulto ni Baby Gerl, isang naulilang bata na lumaking may mga naririnig na boses na sa kanyang palagay ay galing sa mga anghel. Mahahanap pa kaya nila Bree ang mga nawawalang ka-barangay?




















