♣♣♣/♣♣♣♣♣
Makalipas ang sampung taon ay mabibigyan tayo ng bagong kaalaman tungkol sa kasalukuyang buhay ni Resty. Ngayon ay dalawampu’t anim na taong gulang na ang binata at naninirahan sa pangunahing lungsod sa kanilang lalawigan kung saan siya iniwan ng kanyang inang si Aling Tonya. Mabibighani si Resty sa ganda ng kasamahan na nagngangalang Renata subalit mayroon na itong kasintahan at sila ay malapit nang mag-isang dibdib. Sa pag-alis ng dalaga upang lumipat sa Maynila ay magpapasya si Resty na lumuwas na rin upang makipagsapalaran kahit na hindi tugma ang pananaw ng kanyang ina at lola. Sa Maynila ay mararanasan ni Resty ang hirap ng buhay manggagawa pati na rin ang kasawian sa pag-ibig. Mamumulat naman din siya sa mga di pangkaraniwang pamamaraan upang kumita ng salapi habang nakikitira sa barong-barong ng kanyang amang si Mang Ador kasama ang kanyang kapatid na si Totoy at ang ina nitong si Aling Daisy.




















