Saturday, April 28, 2007

Thou Shall Not Wear Foundation on a Job Interview

Abril 22– 28
Thou Shall Not Wear Foundation on a Job Interview

Soundtrack of the Week
  1. We’re All in This Together [HSM OST]
  2. You’re Still You [GROBAN]
  3. Imprescindible [BEYONCé]
  4. Perhaps Love [GOONG OST]
  5. My Humps [ALANIS]
Movie of the Week: Pan’s Labyrinth
  • Young girl seeks refuge in her own make-believe world in Franco’s fascist Spain. Like Jessica Zafra says in her blog, fascism has no weapons against the imagination. Very well said.
  • You have to see this film. IMHO this is the best film Mexico has ever produced. Guillermo del Toro, the director of this film, was also the director of Hellboy and its sequel. Magaling siya sa mga fantasy films.
  • EL CAPITAN is EVIL.
  • Del Toro knows how to fuse reality with fantasy and he does it well. In this film the distinction between the two is blurred, the viewer is left to think and believe what s/he wants to believe is real.
  • The fantasy scenes are... fantasy but when you finally realize what they symbolize you will begin to believe that the fantasy scenes are even more real than the real scenes themselves.
  • If Abigail Breslin can have an Oscar nomination for Little Miss Sunshine, I don’t understand why Ivana Baquero wasn’t even nominated, ang galing umarte nung bata. O kaya kung hindi siya, at least si Maribel Verdú man lang, she’s so brilliant in this film you will eventually forget that she was once the sexmate of Gael and Diego in Y Tu Mama Tambien. Ang mga scenes niya ang may pinakamaraming adrenaline rush lalo na nung nabuking siya ni El Capitan tiyaka nung hinahabol na siya sa hills.
  • The story will move you and the cast is very effective. The effects are ok naman, kapani paniwala. Since civil war ang setting may makikita kang binabaril ng harap harapan at paulit ulit, mga sinasaksak, at walang kaarte arte yun ipapakita talaga kung saan tumama yung bala and stuff kaya tatamaan ka rin habang nanonood. Yung fantasy world ni Ofelia maganda yung connection sa real events na nangyayari sa story
  • Ito lang ata ang film na napanood ko na hindi lang for fun ang special effects (Well sabi nila may social relevance daw ang LOTR but for me it’s just another fantasy movie set in another world) Ito kasi maire relate mo dun sa story set in the real world yung story set in the fantasy world. Nakakaaliw kapag nakikita mo yung connection at nakukuha mo yung gusto ipahiwatig ng direktor.
  • Ang arte mamatay ng mga characters dito, pagka baril maglalakad pa ng kunti o kaya hahawakan yung part na tinamaan ng bala tiyaka mamamatay.
  • Ganda ng ending ni Ofelia, sad pero tagos sa puso, brilliant storytelling.
Nag apply na naman ako sa isang Call Center ngayong linggo na ito at dahil wala naman akong maikwento, ito na lang ang ikekwento ko, lol. Selected excerpts lang for every applicant, can’t recall everything. Italics are comments...

Contestant Number One: Female, late 20’s, married
Q: You have a daughter, how is she like? A: My seven year old daughter speaks English as well because we practice speaking English at home... Hire the daughter as well!

VERDICT: Passed. Fluent in English, hisband is working in the company.

Contestant Number Two: Female, early 20’s, single
Q: If asked to pick a day, what will you choose? A: Sunday. Q: Why Sunday, what do you do on Sundays? A: On Sunday I will go to province in Batangas because mother and I sell fish in market. Her English accent is weird and her grammar is weirder Q: I think you misunderstood my question. I’m interested in what you habitually do on Sundays, your hobbies? A: My cousins and I go to mall because my cousins are kids and we play on the floor. Okay... naglulupasay sila sa floor?

VERDICT: Failed. Makes me wonder, if the government will just invest in a better high school English curriculum for the provinces then they could be the main supplier of human resources in call centers, which in turn would be relocated there. That way, degree holders would in a way be persuaded to find a job in their real fields or if they still want call centers, they will be forced to go to the provinces, less humans in Metro Manila! Yahoo...

Contestant Number Four: Male, early 20’s, single
Q: How are you feeling today? A: I feel a little bit dizzy. Q: Why? A: I don’t know. Q: Would you like some candy? A: No, I’m okay. Q: Pick a color. A: My favorite color is green but I will pick black. Q: Why black? A: Because black is the color of formality. Q: Why is black the color of formality? Leche caught offguard! A: Uhm... I don’t know, because black is formal. Duh, begging the question... Black is the color of boredom, and I am a boring person. Q: Are you bored? A: I am bored and boring. Q: Maybe you need someone by your side so your life won’t be boring. Shet, is this a weekday edition of The Buzz? A: Haha! Q: Are you happy? Dr. Phil? Oprah? A: Well that depends on how you define happiness, right now I have no urgent desire whatsoever to be happy.

VERDICT: Passed. A little conceited but American accent plausible.

Contestant Number Seven: Admitted Bi Male, early 20’s, unknown
Q: How long will you stay in the company? A: I will stay long because of emotional reasons, there are a lot of bisexuals in this company and I think I will like it here. Na windang ako sa sagot na ito, hija pilit ang British accent mo.

VERDICT: Passed. Lucky, actually admitted that transfer is due to incurring a lot of tardiness in former company, not a very good sales pitch.

Contestant Number Nine: Allegedly Male, early 20’s, in a relationship
Q: Are you wearing foundation? A: Yes. Q: Are you straight or bi? Okay, this initial interview is getting weirder by the minute A: I’m not gay, I have a girlfriend. Q: Are you sure? A: Yes. Q: Ok, maybe my gaydar is just not working properly today. What do you like most about your girlfriend? A: I like that she loves me even if I look gay. Touching, you should have cried, baka naawa sa yo.

VERDICT: Failed. Kawawa ito, pinagtawanan siya ng ibang applicants.

Mahaba pa dapat, wala nang space e. Isang linggo na naman ang natapos! =p

Wednesday, April 25, 2007

Dukutan Niyo Ako

Abril 15– 21
Dukutan Niyo Ako

Soundtrack of the Week
  1. What I’ve Been Looking For [HSM OST]
  2. Breaking Free [HSM OST]
  3. My Humps [ALANIS]
  4. Perhaps Love [GOONG OST]
  5. Stick to the Status Quo [HSM OST]
Movie of the Week: Unfaithful
  • Boring suburban family life + an affair
  • Another one of those thrillers na walang serial killers (may killer pero hindi serial...) at multu multuhan. It has that “Notes on a Scandal” feel.
  • Ang galing ni Diane Lane dito, now I know why she got nominated for an Oscar. Her performance in the train scene was awesome, naipakita niya through her facial expressions yung inner struggle ng character niya. Ang galing galing, you really see her character being torn apart.
  • Weird lang but that snowglobe scene between Richard Gere and Olivier Martinez reminded me of the nurse in Silent Hill 1, hehehe, horror.
  • Ang ganda ng pagkaka juxtapose ng mga scenes lalo na yung dinner + body discovery scene. Ang galing ng direktor nito. I just find the technique quite unique to movies of this genre, juxtaposing two different scenes. You know the director is trying to tell you something and you get the message.
  • Maganda rin yung effects sa start ng movie, mahangin yung background tapos ang fadeout nung names ng cast and crew parang nililipad din at nagbe blend sa background, ganda.
  • Ang pagkakaiba lang ng alternate ending sa DVD is that Richard Gere’s character went inside the police station. May closure kumbaga.
  • Love this movie because it shows how a simple decision such as choosing to ride a cab or not could prevent a series of very complicated events.
Nadukutan Ako: First day ng summer classes, nagdala ako ng 4,000, yung 1,000 e baon ko hanggang katapusan ng April tapos yung 3,000 ibibili ko dapat ng French book and CDs. Nung nasa bandang Philcoa na ang jeep kinalabit ako ng mama na katabi ko, tinuro niya yung wallet ko nasa upuan daw. Nasa upuan nga. Hindi ko naramdaman na nalaglag sa bulsa ko. Dali daling bumaba ang mama. Binuksan ko agad ang wallet ko. Ang nandun ay yung perang dala dala ko talaga (around 200) tiyaka 1,000 pesos. Windang ako. Actually hindi ko pinaghinalaan agad yung mama. Inisip ko kung saan napunta yung 3,000, baka hindi ko talaga nadala. Kung kinuha ng mama, bakit hindi niya kinuha lahat? Kung nalaglag yung 3,000 bakit hindi sumama yung 1,000? Yung mga ganung ka ek ek an. Mabilis nawala ang mama kaya di na rin ako bumaba. Nag SM North na lang ako at kumain sa Sbarro. I therefore conclude na kinuha ng mama yung 3,000. Pero wala akong nararamdaman na galit o inis sa kanya. Sana lang hindi niya ipang a addict yun kasi part nun ay OT ko nung Holy Week. Since hindi naman ako nagpenitensiya nung Holy Week, iyan na siguro ang kapalit. Quits.

PBB Season 2: Could somebody please enter the PBB house and kick Wendy’s insecure ass out of there? Pati foreigner harap harapang pinagmamalditahan: http://www.youtube.com/watch?v=AuVCPZh8d_U&NR=1 (Take note of 00:47) siyempre hindi yan pinakita sa primetime nung Sunday dahil medyo favorite lang nitong ABS si Wendy at santa pa ang portrayal sa kanya. Primetime = Wendy, Uplate = Wendy, pati ba naman Pag Alis ni Bruce = Wendy?! I actually admired Rachel McAdams in Mean Girls. She was playing a role and she did it well. The problem is that Wendy is NOT playing a role. What you see is her real self (at least sa Youtube clips, sa TV kasi ine edit e), shiny plastic. Pag aartistahin niyo ba to? Utang na loob. Ito naman ang clip nung pagpasok ni Bruce sa BB Slovenia: http://www.youtube.com/watch?v=mnEi9U9RrAk di ata yan ipapakita rito e.

Pacquiao: Natalo si Jorge Solis sa 8th round pero siyempre alam niyo na yun. Ang nakakapeste rito e yung motorcade pag uwi. Parang naka aspalto ang pagkakapal ng mukha nung anak ni Atienza ha, ang sarap niyang ipalapa sa isang pamilya ng rabid Rottweillers. WTF ginawa talagang kampanya at nagsabit pa talaga ng mga posters niya sa motorcade. At siyempre yung isang boxer na kasama ni Pacquiao na nanalo rin e iniwan nila sa airport at inilagay sa likod ng motorcade. Siyempre naman di ba kailangan nasa harap yung anak ni Atienza kahit motorcade yun ng mga Pinoy Boxers na nanalo. Di bale, matatalo ka naman ni Mayor Lim kumag ka. Ang kapal talaga ng mukha mo nakakairita ka. Ikaw naman Pacquiao kakantahan na lang kita ng Stick to the Status Quo (HSM OST), anong gagawin mo sa kongreso, makikipagsapakan? Tsk tsk tsk.

Work: Kaya pala nawala sa opisina lahat ng Spanish agents, na pirate pala ng kabilang kumpanya. Hanep ang benefits, triple ng sweldo ko ang base pay, may libreng celfone, may Php500 load a week, may food at transportation allowance. Hindi ko sila masisisi kasi kabuhayan nila yun, as a rational person siyempre dun ka dapat sa mas magandang benefits. Na tempt tuloy ako mag full time. Iniisip ko kasi, oo made delay na naman ako ng one year kaso kamusta naman pag graduate ko in 2 years obese na ang passbook ko. Kaso drinamahan na ako ng tatay ko. Naisip ko tuloy na napaka selfish ko kung gagawin ko yun. How could I rob my father of the bragging rights na napagtapos niya ang anak niya ng kolehiyo, di ba? Naisip ko na karapatan ng bawat tatay yun at wala akong karapatan na tanggalin yun sa kanya. So, part time until graduation <-- Final verdict.

Academics: Nagsimula na ang summer. Bakit ba ang daming may hindi magandang opinyon tungkol sa STS e maganda naman yung subject? Nakakaaliw yung bagong format kasi seminar type na, iba ibang lectures at lecturer araw araw. Kumuha kayo ng STS pag summer kasi masaya, kaya lang muntik na ako ma frostbite isang beses dahil umupo ako sa tabi ng aircon, lol. Happy.

Languages: Suggestion sa mga serious language learners: Mag invest sa DVDs na may foreign language audio. Panoorin ang English version tapos yung foreign language version the next day. May idea na kayo sa conversation kaya maiintindihan niyo yung foreign language audio. For Spanish/Portuguese try High School Musical and Unfaithful. IMHO, very effective. =)

Saturday, April 14, 2007

It’s Raining 2.0’s!

Abril 8– 14
It’s Raining 2.0’s!

Soundtrack of the Week
  1. Over It [MCPHEE]
  2. Perhaps Love [GOONG OST]
  3. My Humps [ALANIS]
  4. Kembot [AMBER]
  5. Sexyback [TIMBERLAKE]
Movie of the Week: High School Musical
  • Basketball team captain and transferee audition for the lead roles in a high school musical getting different reactions from friends and cliques...
  • Well what do you expect, it’s a TV Movie. Di siya comparable sa mga Hollyqood musicals obviously pero maganda ang pagkakagawa kasi para siyang Broadway musical na isinalin lang sa TV with matching dance performances... Maganda naman ang palabas.
  • Yung kontrabidang babaeng blonde na kamukha ni Ashley Simpson ang nakakaaliw ang mga lines dito e, mga tipong: Evaporate tall guy! sabay I’d rather stick pins in my eyes tiyaka yung She loves pi. Tawa rin ako ng tawa dun sa pahabol sa huli na This cookies are genius! Ang babaw ko...
  • As a musical, not that impressive for me but as yet another American teen movie with a high school setting, ok siya. Nakakaaliw ang movie kasi talagang halo halo ang makikita mong characters, may black, white, Latino, Asian. Reklamo ko lang sana isa dun sa mga main cast ay Asian kasi si Efron ay White, si Hudgens ay Latina tapos yung sidekicks nila Black. Dapat Asian na lang si Sharpey at yung kapatid niya... hehehe.
  • Ang kulit din nung drama teacher na kamukha ni Meryl Streep.
  • Ang corny nung Encore Edition DVD, ang boring ng mga extra features.
  • Magugustuhan niyo naman ito lalo na kung nami miss niyo na ang high school and since maraming kantahan at sayawan, nakakaaliw panoorin.
Languages: Matapos ma addict sa PERHAPS LOVE na soundtrack ng Princess Hours e parang gusto kong madaliin ang pag aaral ng Korean pero di ko magawa. Kaso mahirap para sa mga language learners na kagaya ko (I rely heavily on the written word, hindi e effect sa akin ang Pimsleur Method, kailangan nakikita ko para tumatak sa utak ko) ang mag aral ng isang language na iba ang script (Han’Gul at Cyrillic) dahil nado double language barrier ako. Yes I know how to read them pero kapag pinagsama sama mo na sila natataranta ako. And when I finally master the script and kasunod naman is: What the hell does this mean?! Ayoko pa naman ng nagpapaka addict sa isang foreign language song na di ko alam kung ano ang sinasabi. Niregaluhan ko rin ang kapatid ko ng Teach Yourself Japanese na may CD for his birthday. Ibinigay ko kahapon (Feb. 28 pa birthday niya, lol). Nung pakinggan ko yung CD dun ko lang na realize, if Japanese is the Spanish of the east (5 vowels only, crispylicious pronunciation) then Korean is definitely the French of the East (vowel sounds present in both, nasals, liaisons). Gusto ko matuto ng Korean and fast! But how will I do it? Dilemma...

Princess Hours: Ang extra ni Rachel Ann Go, ngayon ko lang din nalaman na pag ginawan siya ng evolution chart ganito ang itsura: Rachel Ann > Cheena > Pining. Tapos na sa ABS-CBN, hindi ko na nabalikan ang pirated DVD ko, nandun pa lang ako sa bumisita si Prince William (shet ang layo pa) Mas gusto ko pa rin ang MY GIRL pero ok rin ito. Addict sa PERHAPS LOVE, hehehe...

Academics: Habang nagse surf sa net gamit ang cubicle PC sa office (na bawal, hahaha, pasaway) napadaan ako sa CRS at napansin ko na nadagdagan na ang nag iisang grade ko kay Sir Morada na 2.5 Apat yung dumagdag, nataranta ako. Nakakuha ako ng tatlong 2.0 at isang 2.25, yung grade ko sa Bio1 hindi pa dumarating, na traffic siguro. IN short pasado ako! Nung wala pang classcards binabalik balikan ko pa yung Grades Viewing sa CRS kasi alam mo naman ang CRS napaka efficient, baka nagkamali lang pero may classcards na ako, pasado nga! Bwahahaha... This is a double-edged sword. For the next semester I could either: A. Underperform again since this sem proved that underperforming can still get me a GWA that is really not that low; OR B. Redeem myself and be back with a vengeance, lol. Abangan ang susunod na kabanata. Ironic that I got the lowest grade for the subject that I liked the most. Nahihiya ako na naka 2.0 ako kay Ma’m Casambre, feeling ko hindi ako deserving talaga. Hindi na lang talaga ako magpapakita sa kanya this sem, nahihiya ako. Gaya nga ng favorite line ni Sir Morada: “Irony of ironies.” This is my worst sem in terms of academic performance pero pinaka enjoy kasi nahanap ko na ang mga ka blockmates ko na 2004 ang mga class number (shet ang tanda ko na). Enjoy silang kasama... =)

Work: SURVIVOR ang drama sa trabaho ngayon. Apat ang nag resign ng sabay sabay. Nagkakairingan ang mga supervisors ng US at Pinas. Hindi ko alam kung maraming nagre resign dahil: A. Baka magsasara na ang call center na ito? B. Panget ang benefits ng full-time sa company (isa pa lang ata ang part-time na nag resign) or C. Boring ang trabaho (Hello wala namang clamor tungkol dito, the job IS boring). Hindi na kami 24 hours, the shifts should fall between 6PM and 11AM. Di ko alam kung magsasara ba. Kung mawawalan man ako ng trabaho ok lang naman, it’s not as if I need it (sustentado ako ng mga magulang ko) but let’s face it, who does not want BIGGER savings? May part-time Spanish opening akong nakita sa JobsDB kaso sa Alabang naman (Tapos na ang Alabang Boy days ko, Makati Boy na ako, lol) Abangan din ang susunod na kabanata.

CRS: Lagi kong uulitin, gaya ni Corazon, dapat kalbuhin din ng sampung barberong lasing ang nagpauso ng bagong online registration system. Ngayon ko lang nalaman na enjoy palang titigan ang mga salitang PROBLEM LOADING PAGE sa PC monitor ng halos limang oras para lang makapagprint ng lecheng papel na meron naman din pala sa AS 101 habang namamaos si Katharine McPhee sa kanyang 659,895th rendition ng carrier single niya sa Youtube. Dati rin pagkatatak ng self advising stamp magpapa assess ka lang tapos bayad na pero ngayon may pa check check pa online kung match ang subjects. Kamusta naman e 5 horas nga bago makapag print ng papel via your system tapos magche check pa? Kung gusto niyo ng formal formalan na sistema ayusin niyo ang pagi implement ano, ginawa niyo pa kaming guinea pig mga hinayupak kayo.

Saturday, April 7, 2007

The Evil Term Papers Have Died, Time to Pray!

Abril 1– 7
The Evil Term Papers Have Died, Time to Pray!

Soundtrack of the Week
  1. Kembot [AMBER] <-- Last SONG and DANCE syndrome!!!
  2. Sexyback [TIMBERLAKE]
  3. Imprescindible [BEYONCé]
  4. Ang Cute ng Ina Mo [MAKISIG]
  5. Move [JHUD/BEYONCé/ANIKA]
Movie of the Week: Ang Cute ng Ina Mo
  • Daughter feeling she was abandoned by her mom comes back to the Philippines to ruin the chances of her parents coming back together.
  • Ok yung movie. If you are going to watch it and compare it with Ang Tanging Ina, you will not enjoy the film kasi obvious naman na hindi na mapapantayan ni Ai Ai or ng Star Cinema ang success ng movie na yun in terms of Box Office returns and famous Filipino movies spoofs. So kung panonoorin mo yung movie, judge it based on its own merits, not vis-a-vis Ang Tanging Ina.
  • Nakakatawa yung film, hindi siya kagaya ng ibang comedy flicks na pinakita na lahat sa trailer yung funny parts, marami pang natira for the movie itself. Ang kulit nung place names na may special meaning. Favorite ko yung QUIAPO = Quiet U, I Am Pissed Off! Pwede naman sa mga nag break yung IRAN = Ikaw Rin Ang Nawalan! Hehehe, ang dami nito sa movie.
  • Ok pa rin naman sila Ai Ai, Simang (Eugene Domingo) at John Lapuz. Nakakatawa pa rin sila kahit paano at siyempre for me si Simang pa rin ang pinakanakakatawa, kinareer yung Aussie accent niya, hehehe.
  • Akala ko magkakalat at magpapa cute lang si Luis dito, he proved me wrong. Though he didn’t get his mom’s acting abilities, nakuha naman niya ang pagka komedyante ng tatay niya, that is if you find Edu funny, I honestly think he is, hehehe. In short hindi siya nagkalat (Lucky).
  • Si Anne Curtis ang nagpa cute dito pero di naman niya kasalanan kasi wala masyadong comedy scenes na binigay sa kanya. Ang cute ni Anne kapag nago Aussie accent! Sa Australia talaga siya lumaki di ba? Cute, hehehe.
  • Ang kulit din nung foreigner na asawa ni Ai Ai, saan kaya nila nadampot yun? Game na game siya tiyaka hindi siya nagmukhang extra dahil nga game na game siya makipag utuan sa mga Pinoy cast, di gaya nung ibang mga foreigners na kinukuha for Pinoy movies na nagmumukha talagang extra kasi di sila maka relate.
  • Ang kulit nung special effects sa Badminton game nila.
  • Huwag niyo asahan masyado yung story kasi alam niyo naman comedy ito, simple story lang na ginawang complicated, yun na yun.
  • Marami ring pop culture references, aliw yung references dun sa Maging Sino Ka Man at Super Inggo.
  • Extra naman si Makisig dito, hehehe, wala na kasing labas.
  • Worth watching naman, not waste of money for me.
Accents Galore: Dahil sa pagkakapanood ko ng Ang Cute ng Ina Mo, na cute-an ako sa Aussie accent, lol. Wala lang, di ko maintindihan, bakit parang mas madali para sa atin na gayahin ang iba’t ibang accents ng English kesa Brazilian accent ng Portuguese in my case? Dahil ba lumaki tayo learning Engligh with Filipino? Develop Aussie Accent <-- idagdag sa TO-DO LIST, hehehe.

Academics: Tapos na ang term papers pero believe it or not may humabol pa na isa! Dahil sa term paper na ito ay naranasan kong magliwaliw sa Tandang Sora ng alas tres ng madaling araw, with matching ecouragement ng guard regarding paglabas ng village nila: MARAMING LOKO LOKO DIYAN, TAKBO NA LANG KAYO PABALIK KAPAG MAY NANG ANO SA INYO. Wahahaha! Last term paper na kasi for Stat. Worth it naman, naka bonding ko ang mga ka groupmates ko na di ko nakakausap madalas sa classroom. Masaya, nakatulog yung iba pero ako go lang, callboy po it, sanay sa puyatan. Nag typist din ako for the term paper, lol. Anyway tapos na ang lahat ng evil papers. Oras na para magdasal. Naka 2.5 ako sa isang subject! Yahoo, lol. Dinadasal ko lang sa iba kahit 2.75 o kaya sige 3 na! This is the worst sem of my life in terms of academic performance, lol.

Work: Lumipat na ko sa hapon na schedule. Ok yung schedule ko kasi for the first two hours nananahimik pa ang mga Brazilians dahil tulog pa sila (5AM - 7AM) pero may mga masisipag na tumatawag na rin. Sumasagot na ulit ako ng phones, hindi na siya scary ulit. Sanayan lang talaga siguro. Ang hirap talagang magkaroon ng authentic Brazilian Portuguese accent. Holy week, tiba tiba sa OT!

Starbucks: Bago manood ng Ang Cute ng Ina Mo, nag Starbucks ako (first time). Meron naman palang mga hindi kape, nag order ako ng Grande Chocolate Cream something something. “Ano pong name niyo sir?” – DE JESUS na lang ilagay mo.—“O sige po sir HESUS, tatawagin na lang po kayo.” Pagkatapos gawin, “Chocolate Cream something something for sir JEE-SUS.” Natawa na lang ako...

Mahal na Araw: Hindi ko alam kung kinokonsensya ako nung gumawa nung chocolate Chip something something ko sa Starbucks nung tawagin niya akong Sir JEE-SUS. Dahil siguro ni anino ko di tumungtong sa simbahan for the holy week. Pasensya na po, agnostic ang lolo niyo e. Hindi naman atheist pero cool off muna kami ni Lord, better off that way for today...

Future: I’ve decided to really have that second degree. Iniisip ko kasi, kapag nagkabulilyaso at di ako maka graduate ng April 2008, kakailanganin ko rin kumuha ng subjects for Summer 2008 para matapos. Boring naman kung magla language scholarship ako agad pagkatapos, wala pa akong ipon nun to fulfill the Europe tour na plano ko, lol. Hello Economics, bwahahaha. Bahala na si Batman.

Dancing: Naisip ko lang, puro language lessons kasi ang plano ko. What if I take dance lessons? Yung tipong breakdance (bwahahaha, imagine!!! Bwahahaha) o kaya social dance? Parang masaya kasing pang unwind, ang boring boring ko talagang tao ano? O pwede ring taekwondo para makakapanipa ako ng tao, ayos! LS&DS talaga ako sa Kembot Dance at Sexyback! I wish I knew how to dance...

Wednesday, April 4, 2007

Ang Bilis Tumakbo ng Panahon, Hindi Ko Mahabol


Março 25– 31

Ang Bilis Tumakbo ng Panahon, Hindi Ko Mahabol

Soundtrack of the Week
  1. The Sweet Escape [STEFANI]
  2. Imprescindible [BEYONCé]
  3. Move [JHUD/BEYONCé/ANIKA]
  4. Helena [MCR]
  5. Love You, I Do [JHUD]
Movie of the Week: Happily N’Ever After
  • Wizard in charge of Fairy Tale land goes on vacation, leaving the fate of Fairy Tale Land to two irritating talking creatures who were no match for Cinderella’s evil stepmother Frida, who in turn took over and wreaked havoc in the land.
  • From the creators of Shrek. No match sa Shrek ang film, excited lang talaga ako for Shrek 3 kaya ko pinagtiyagaan. Tolerable naman.
  • Swak yung boses ni Sigourney Weaver dun sa stepmother, hindi halatang siya. Hindi kagaya ni Ella at Rick na halatang halata na si Sarah Michelle Gellar at Freddie Prinze Jr. ang nagboses.
  • Hindi nakakatawa masyado, meron lang mga parts na matatawa ka pero di ka naman mamamatay sa kakatawa. Ella’s (CindELLA) fairy godmother was ok. Ang kulit nung “I have come to grant tour wih of being a real boy!” tiyaka “You look beautiful SALMONELLA...”
  • Nakakaaliw yung seven dwarves, ang kenkoy tiyaka ang bibilis kumilos. Sana nilubos lubos na ng movie na paglaruan lahat ng fairytale characters kaso masyadong focused kay Cinderella, corny. At ang gown ni Cinderella kinareer ng nag drawing, feeling debut.
On Being Mentally Retarded: Mentally retarded ako. Siguro nagtataka ang mga kakilala ko rito lalo na yung mga kasama ko sa UP kung anong pinagsasasabi ko. Si Dan mentally retarded?! Oh well, if you would like to know what I mean, come to my place with an Animal Planet crew for you to witness the peak of mental retardation. Ang problema sa akin napaka immature ko. Sa totoo lang mas mature pa ang kapatid ko na six years bata sa akin. Siya nga dapat ang kuya e. Hindi ko naman masisi ang age gap namin. Siguro kaya ako ganito kasi nagpilit akong bumaba sa maturity level niya tapos nagpilit siyang umakyat sa maturity level ko para magkasundo kami. Ayun nagkasalisi bumaliktad, di na kami nagkita, hehehe. Pero hindi siguro yun ang dahilan e. Wala lang. When I turned 18 and started writing a daily journal nag set na ako ng deadlines to grow up. 2003 pa yun. Nung una, sige grow up by Christmas. Reset, sa debut na lang ng pinsan mo. Reset, pag nag 19 ka na lang. Reset, pag 20 na lang. Reset, sige 21. Hanggang ngayon ito, retarded pa rin. Final reset: September 26, 2007 upon reaching double dos, I should grow up or else I would stay a retard forever. O baka naman nilalabanan ko lang, maybe I am destined to be a retard forever? Ewan naguguluhan na rin ako e. Siguro yun ang kulang sa akin na hinahanap ko pilit sa academics at sa trabaho pero di ko makita (Maturity). Oh grow up!

Academics: Kamusta naman ang hell week. Madalas sumasapit kapag malapit na ang tapos ng sem. Ang hell week ko for this sem ay tatlong araw lang. I survived! I am so happy!!! Isang paper na lang ang due next week pero no biggie. I am free! I am free from this hell semester na ginawa kong hell para sa sarili ko. I don’t want anything but OUT and I am almpst out! The hell, I am out, I am free!

Reminiscing: Ang bilis talaga ng panahon. I had a visit to my hometown on Friday for a cousin’s birthday, another cousin’s engagement party. Siyempre kapag bumalik ka sa isang lugar na matagal mo nang hindi binabalikan e babahain ka talaga ng memories, in this case not just memories but events happening in real time which will leave you reflecting on the state of your own life. A cousin already has a child. A cousin is getting married. A cousin is graduating from college. Yet another cousin is graduating from college next year (kasabay ako hopefully) and yet another one the year after that. The second youngest cousin is going to Ateneo this coming sem! It hit me all in an instant. Dun ko na realize, shet hindi na kami mga bata. Siyempre youngest generation kami pero ngayon may downline na ang family tree. May apo na sa tuhod si lola. Next year more or less magkaroon siya ng isa pa, then isa pa the year after that. Ang saya! Ang hindi lang masaya dito is that I can’t accept the fact that we are not kids anymore. Shet matanda na kami! The problem is ayaw kong tumanda. Physically I am 21 pero mentally 15 lang ata ako. I told you I’m retarded, just reaffirming. Naalala ko tuloy parang kailan lang, hindi kumpleto ang linggo kapag di kami nagkikita kitang magpipinsan kapag weekend. Ang weekend dapat sama sama. Lunch time may mahabang mesa na nakalatag sa garahe ng isa sa dalawang bahay sa isang banda ng subdivision namin na tinatawag naming KABILA. Magla lunch kami ng sabay sabay at pagkatapos hihiwalay na ang mga babae. Kaming mga lalaki naman ay direcho sa kwarto para mag video games, yun ang bonding namin. Nagsimula sa Family Computer, naging NES, naging SNES, PS, N64, PS2, X-BOX (pasensya na hindi kami SEGA fans). Pero ngayon nga hindi na ganun. Nakakawindang isipin kasi nga parang kailan lang. Dumating na ang una sa susunod na henerasyon, marami pang susunod. I think I need to grow up. Drama mode. Wala lang nakaka miss kasi mga pinsan ko. The one who got engaged is already leaving for the US... Naghiwa hiwalay man kami (technically kaming magkapatid lang naman ang nahiwalay), di mabubura ang pagiging magpipinsan namin. Cousins forever! Huhuhu. A toast to the future!

Current Events: May nang hostage ng bus na naglalaman ng mga pre schoolers na pinag aaral ng mismong nang hostage. Pinalabas ng media na hero si hostage taker at mukhang sumasang ayon naman ang mga magulang ng mga batang na hostage. Welcome to the Philippines! Sikat na naman tayo sa CNN at BBC, yahoo! Kailangan pa ba talaga mang hostage para maglabas ng opinyon... Bahala kayo.

Walang Tulugan Certificate: I, Kuya Germs, would like to confer this Walang Tulugan certificate level 1 to Mr. Dan Alfred de Jesus for being awake from 7 AM Friday (March 30, 2007) to 7 AM Saturday (March 31, 2007) straight. Awarding of level 2 certificate will be done upon completion of 48 hours without sleep. Congratulations! Mabuhay ang mga tropang gising! Mabuhay ang mga zombie!
  
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review