Monday, October 31, 2022

Darna: Episode 56


56. Rescue Me
Sa tulong ni Ding ay matutunton ni Narda kung nasaan ang kinalalagyan ni Brian. Lilipad ito doon bilang Darna ngunit magbabalik sa katauhan ni Narda pagbukas niya ng pinto upang palayain si Brian. Agad na magtutungo ang dalawa sa bahay ng huli upang maghanap ng mga kasagutan at doon nila mapapansin ang kakaibang salamin kung saan hindi matanaw ni Brian ang sarili. Agad-agad bibitbitin ng dalawa ang salamin at magtutungo sa bahay na binili ng kambal ni Brian kung saan niya itinatago si Regina. Gigil na gigil naman ang mga ahas ni Regina dahil sa pag-amin ng Brian na kasama nila na si Narda ang mahal ni Brian at ginamit lamang nila si Regina upang makakuha ng salapi sa kanyang ama. Nais man ni Regina na tapusin ang buhay ng Brian na ito bilang Valentina ay hindi niya magawa dahil ayaw pa nito sabihin sa kanya kung nasaan ang isang Brian. Magkakaharap harap ang dalawang Brian kasama si Narda pagdating ng mga ito sa bahay habang ang bagong layang Brian ay hinahabol ng mga pulis. #DarnaRescueMe

Sunday, October 30, 2022

[RIYADH] Budget and Itinerary


SATURDAY: October 29, 2022
FlyNAS (Sarajevo - Riyadh) - 1,094.82
Visa on Arrival (Airport) - 480.00
Uber (Airport - Kingdom Center) - 93.55
IBIS (1 Night) - 370.00
Skybridge (Kingdom Centre) - 69.00
Samurai (Seafood Fried Rice + Pepsi) - 25.30
SAR2,132.67

[RIYADH] Want to Go to the Edge of the World?


Saudi Arabia never really figured that much in any of my itineraries because of the visa issue. When news came out that they were starting to allow US, UK, and Schengen visa holders to come in via a new Visa on Arrival scheme, the pandemic suddenly struck. Years later, the setup resumed. And so, I thought, why not give it a shot? Well, I’m here to tell you that it is indeed legit as long as that multiple-entry visa of yours is valid and has been used at least once. How did the experience go and what are the requirements? Read on.

Saturday, October 29, 2022

[SARAJEVO] Budget and Itinerary


THURSDAY: October 27, 2022
Autoprevoz Bus (Mostar - Sarajevo) - 27.05
Nortel Boutique Hotel (2 Nights) - 157.00
McDonalds (Double Cheeseburger w/ Fries & Coke + Sundae) - 11.50
Amerikanac (Chicken Wok & Coke) - 17.50
BAM213.05

[SARAJEVO] Of Diversity and Genocide


Coming from Mostar regardless if by train or bus, make sure you sit on the left side by the window so you can enjoy the views. Hills. Mountains. Rivers. Lakes. That scenery for this particular trip is just so pretty. The trip is advertised as two hours and a half long but ours took almost 3 hours for some reason. The bus stops at the bus station near that spiral Avaz Tower. Walking all the way to the Old Town takes around half an hour, which I have no choice but to do because I didn’t have cash.

Friday, October 28, 2022

Darna: Episode 55

   

55. Track Down
Matutunton na ni Ishna si Borgo habang sasagutin na dapat nito ang tawag galing kay Narda. Sasakalin na naman ni Borgo ang alalay. Darating naman bigla si Darna subalit matatakasan ito ng dalawa dahil pipiliin pa ring iligtas ni Ishna si Borgo kahit pinagmamalupitan siya nito. Makakatakas ang dalawa sakay ng sasakyang pangkalawakan ni Borgo. Matapos makuhanan ang pagtanggap ni Brian ng lagay at ang pambubugbog nito kay Noah, ipahuhuli na ito ni Zaldy upang ikulong. Tatakas ito at hihikayatin si Regina na sumama sa kanya. Pagdating nilang dalawa sa bahay na binili ni Brian ay bubusalan niya ito at mawawalan ng ulirat. Si Narda at Ding naman ay papasok sa bahay ni Brian upang maghanap ng mga kasagutan. Makikita ni Narda ang laptop na may camera at sa wakas ay makikita niya si Brian na nakakulong subalit hindi nila alam kung nasaan ang pook na iyun. Tatawagan ni Brian si Rex upang ipatubos ang anak sa halagang 50 milyon. #DarnaTrackDown

Thursday, October 27, 2022

Darna: Episode 54



54. Versus
Ang tanggapan naman nila Regina ang bagong sasalakayin ng XTriad. Habang sila ay nagkakalat ng lagim, halos sabay na darating sila Narda at Regina ngunit hindi magkikita ang dalawa. Tutulungan muna ni Narda ang isang kasamahan na natamaan ng iniluwang lason ni Dragon Mouth samantalang si Regina naman ay agad na magtatago upang magpalit ng anyo. Halos sabay din darating sila Darna at Valentina upang harapin ang XTriad. Magtutulungan ang dalawa at mahuhuli ang mga Extra ngunit liliwanagin nila sa huli bago maghiwalay na sila ay magkaaway pa ring talaga. Ipapaalam na ni Zaldy sa madla ang tungkol sa bagong piitan ng mga Extra na sasabihin niyang naisakatuparan dahil sa balak ng anak na si Noah. Makakatakas si Dragon Mouth ngunit mahuhuli ito sa tulong nila Oleg at Pancho na sasabihing kahit wala silang kapangyarihan ay nais pa rin nilang tumulong at inspirado sila kay Darna. Mabubuo na ni Ding ang telepono ni Ishna at susuriin na nilang mag-ate ang mga taong tinawagan nito. #DarnaVersus

Wednesday, October 26, 2022

[HERZEGOVINA-NERETVA] Budget and Itinerary


TUESDAY: October 25, 2022
Glob Tours (Podgorica - Mostar) - 38.00
BAM38.00

Darna: Episode 53



53. Darna Vs Valentina
Damay ang pangalan ni Regina sa gulong kasalakuyang kinasasangkutan ni Brian kaya naman ang tanging paraan na naiisip niya ay ang patayin ang nagdadala ng mga suliranin sa kanyang sinisinta. Magpapasya ito na patayin ang XTriad. Nagbabalak ang tatlo na magnakaw muli kahit na nais nang kumalas ni Miguel dahil nag-aalala ito sa kalagayan ng kanyang lola. Hindi naman niya ito magawa dahil babantaan ng dalawa niyang kasama ang buhay ng lola niya. Sa kanilang pagtatangkang magnakaw ay magkasunod na darating sila Darna at Valentina. Sa matagal nang hinihintay na paghaharap ng dalawa ay magagawang makatakas ng tatlo at silang dalawa ang maiiwan upang magtuos. Tabla naman ang kahihinatnan ng kanilang laban at tatakas sa Valentina. Lalong manggigigil si Regina pagkakita ng galos sa kanyang mukha subalit mapapansin din niyang wala na ito kinabukasan at mapapalitan lamang ng balat ng ahas na madali niyang tatanggalin. Dahil sa makukuhang video ng pagtutuos ng dalawa, mahahati ang social media sa kanilang pinapanigan. #DarnaVsValentina

Tuesday, October 25, 2022

Darna: Episode 52



52. XTriad
Tuloy lang ang pagsira ng kambal ni Brian sa pangalan nilang dalawa at dumarami na ang nagagalit kasama na si Zaldy dahil napupulaan din ang kanilang pangkat sa ginawang pagtakas ni Brian sa tungkulin. Itatanong ni Ding kay Lolo Rolando kung maari bang Extra na nanggagaya ng anyo ang Brian na nakakaharap nila ngayon subalit sa tingin ng matanda ay baka nagbago lang talaga si Brian. Isa naman si Regina sa mga magtatanggol sa binata lalo pa ngayon na masaya siyang aaminin kay Narda na sila na ni Brian, bagay na lubhang kinaiinisan ni Ali dahil sa inggit at dahilan upang mambugbog siya ng mga tao sa galit. Isang duguang Ishna ang tatawag kay Borgo upang itanong kung nasaan ito ngunit nais niya na patunayan muna ang sarili dahil sa kapalpakan niya sa laban nila kay Darna. Sa galit ay wawasakin nito ang telepono at iiwan sa kagubatan na siya namang mahahanap nila Darna at Hergis. Balak ni Darna na gamitin ang telepono upang mahanap ang mga kalaban. #DarnaXTriad

Monday, October 24, 2022

Darna: Episode 51



51. Darna Vs Borgo
Sa labanang Darna at Borgo/Ishna ay mabilis na mawawala sa laban ang alalay matapos itong tumilapon sa pagsalag ng sapak ni Darna. Dahil dito ay mabibigyan ng pagkakataon na magkatunggali sila Darna at Borgo na isa laban sa isa. Magaling man ang dalawa ay walang malinaw na mananalo. Ganun pa man ay tatakas si Borgo gamit ang sasakyang pangkalawakan. Mapipigilan na sana ito ni Darna kung hindi lang maligalig si Ishna sa pag-baril sa kanya. Makakatakas si Borgo habang magkakatawang-ibon naman ang sugatang si Ishna upang makatakas. Kakain sa labas sila Brian at Regina at maninibago ang dalaga sa mga asal ng binata. Magkakataon na sasalakay sa pook na iyon ang XTriad upang magnakaw muli. Sa pagdating ng pangkat nila Antiporda ay makikita nito ang inaanak at hihingi ng tulong dito subalit mabilis na tatakas si Brian at isasakay si Regina sa sasakyan. Darating si Darna upang tumulong at labanan ang tatlong Extra ngunit makakatakas ang mga ito. #DarnaVsBorgo

[PODGORICA] Budget and Itinerary


SUNDAY: October 23, 2022
Drita Travel (Tirana - Podgorica) - 15.00
Hotel Terminus (3 Nights) - 138.90
Store (Water .5 L) - .75
EUR154.65

[PODGORICA] Just Go Straight to Kotor or Budva


Nah, this is not me dissing Podgorica but rather just suggesting more worthwhile touristy options. This is just me crossing out countries off my list, because when I do that, I always go straight to the capital and check the place out. So far, there isn’t much to see or do in Montenegro’s capital. A short transit here should be enough for you to mark it as DONE on your to-do list, after which you can then just head over to the Adriatic coast to Budva for some beach and sun. What are the few attractions to see in Podgorica, then?

Sunday, October 23, 2022

[TIRANA] Budget and Itinerary


THURSDAY: October 20, 2022
Air Serbia (Belgrade - Tirana) - 8,013.50
Hotel Theatro (3 Nights) - 21,030.00
Bus (Airport - City Center) - 400.00
L'Osteria (Grilled Beef Steak w/ Potatoes & Coke) - 1,150.00
ALL30,593.50

[TIRANA] Mother Teresa Was Here


On this episode of Skip the Capital and Just Go Somewhere Else, our newest victim is Tirana! Clap Clap. Slow Clap. To be honest, Albania’s capital is not too shabby but truth be told, you can count the tourist attractions with your fingers. Or maybe I just didn’t know where to look? Suffice it to say that you are better of exploring the beaches of Vlorë if you want something more exciting. But if you insist, then let me tell you what I saw in Tirana. Who knows, maybe you also want to check them out, right?

Saturday, October 22, 2022

Black Adam

♣♣♣♣/♣♣♣♣♣

In ancient times, the kingdom of Kahndaq suffered from the tyrannical rule of King Ahk-Ton (Marwan Kenzari). His reign of terror ends when a young kid is chosen by a council of gods and bestowed the superpowers of Shazam. Teth-Adam (Dwayne Johnson) disappears quickly after he ends the monarchy. Centuries later, the people of the modern nation of Kahndaq are still suffering, this time from a group called Intergang. Resistance fighter Adrianna Tomaz (Sarah Shahi) searches for the Crown of Sabbac and finds it. She unwittingly summons Teth-Adam from his centuries worth of hiatus as she reads the inscription on the crown aloud. Her son Amon (Bodhi Sabongui) immediately befriends him and treats him as a hero, despite the guy believing otherwise. Meanwhile, the emergence of a superpowered being alerts Amanda Waller (Viola Davis), who sends the Justice Society of America composed of Hawkman (Aldis Hodge), Atom Smasher (Noah Centineo), Cyclone (Quintessa Swindell), and sorcerer Doctor Fate (Pierce Brosnan) to take him down.

Friday, October 21, 2022

Darna: Episode 50



50. Close Combat
Tatlong bagong Extra ang magsasama-sama at tatawaging ang kanilang pangkat na XTriad: si Klara (Jef Gaitan) na may kapangyarihang magpasunod sa mga kalalakihan; si Ino (Karl Gabriel) na dumudura ng lason na nakalulusaw ng kahit anong tamaan nito; at ang nawawalang apo ni Lola Trining (Lui Manansala) na si Miguel (Henz Villaraiz) na isa rin palang Extra na may kakayahang kalasin ang dalawang kamay. Malalaman ito nila Narda sa kabila ng patuloy na paghahanap sa binata na pinamumunuan ni Noah. Magsisimula namang magtaka ang mga tao sa mga kakaibang kilos ni Brian lalo na ang kanyang ninong na si Antiporda at si Narda na rin na mabibigla sa kawalan ng interes nito na tumulong sa kanya sa paghahanap kay Miguel. Patuloy naman ang pagsasanay ni Regina kasama si Ali sa Brazilian Jiu Jitsu upang paghandaan ang napipintong paghaharap nil ani Darna. Mahahanap na ni Darna sila Borgo at Ishna sa tulong ng matalas na paningin ni Ding at magsasalpukan ang tatlo. #DarnaCloseCombat

Thursday, October 20, 2022

Darna: Episode 49



49. Master Plan
Tuloy pa rin ang paghahasik ng lagim ng kambal ni Brian. Matatanggal ito panandalian dahil sa ginawang pambubugbog kay Pineda subalit agad agad din itong maibabalik sa tungkulin matapos ang isang tawag lamang kay Zaldy. Nakakulong pa rin naman ang tunay na Brian ngunit makakausap niya ang kakambal na ipaaalam sa kanya na hindi pa siya nito maaaring patayin dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag ginawa niya ito. Isasalaysay naman ni Rex kay Ishna kung paano niya napaikot sa kanyang mga kamay hindi lamang si Zaldy kundi ang buong Nueva Esperanza magmula ng dumating siya sa daigdig. Patuloy ang paghahanap ni Darna sa sasakyang pangkalawakan ni Borgo sa kagubatan at may mamamataan siyang isang pook doon kung saan tila ba nadadaplisan ng mga dahon kahit wala namang nakikitang nandoon. Sa kanyang pagbabalik upang magmatyag muli ay makikita niya si Ishna na papalapit sa hindi nakikitang sasakyang pangkalawakan. #DarnaMasterPlan

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Theater Review

Book Review

Book Review

Book Review