Saturday, January 19, 2013

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 60

Kabanata 60
Naghasik na nga ng lagim si Henry. Sa araw ng pagdalaw sa kanya ni Leon ay magpapanggap ito na naininikip ang dibdib at dadalhin sa pagamutan ng mga kasabwat niyang nakaibang-bihis upang hindi mapansin. Sa salu-salo ng mga Pierro at Saavedra ang kanyang tuloy. Natunugan naman ito agad ni Leon kaya dali-dali siyang nakahingi ng tulong. Putol ang bahagi na ito ng mga kaganapan at ipapakita na lamang makalipas ng anim na buwan na nakaligtas silang lahat at si Henry ang namatay sa pagkakahulog at pagsabog matapos siya pagtulungan nila Edward at Leon. Sa huli ay si Leon at Gen din ang nagkatuluyan. Ganoon din naman sina Ava at Harry. Si Edward naman ay ipapakita na lulan ng kanyang sasakyan at papunta sa kung saanmang lugar na may kalayuan. Siya mag-isa.

Hindi naman maitatanggi na kapanapanabik ang naging pagtatapos ng lahat. Gayunpaman, hindi  maiwasang maisip na minadali ang lahat at sadyang ganoon lamang ang pagpapakita ng mga pangyayari upang bigyan pa ng dahilan ang manonood na manood kahit sa huling sandali. Sa huli ay nagkaayos-ayos din naman ang lahat at nanagot ang mga dapat managot. Naaliw lang ako ng kaunti kay Sabrina, na talagang dinunggol pa si Henry habang nagkakagulo. Isa siya sa mga nakakatawang tauhan sa palabas na ito at nakakatuwa rin na nagbago rin naman pala siya. At si Natalia naman ay nabigyan pa ng sasabihin bago magtapos ang palabas: “Wag kayong magpapaputok, may bomba siya sa katawan!” HAHAHA. Ang magkapatid na Sabrina at Natalia talaga ang  tiyak na maaalala ko sa palabas na ito. Sa wakas ay tapos na rin. Nawa’y sa susunod ay mapanindigan naman ng mga nasa likod ng palabas kung ano talaga dapat ang maging daloy ng mga kaganapan upang hindi naman kawawa ang manonood.

“Wag kayong magpapaputok, may bomba siya sa katawan!” –Natalia

Episode 60
And so Henry unleashes his final round of terror. On the same day that Leon visits him in prison, he would pretend that he is having a heart attack and is thus “brought to the hospital” by his gang in disguise. They head straight to a party held for the Pierro’s and Saavedra’s. Leon, however, finds out about the plan and is able to immediately call for help. This part of the episode is cut short and they only show the events six months later where we discover that everyone survived except Henry, who dies falling and his bombs exploding on him after Edward and Leon gang up on him. Leon and Gen end up together after all; and so do Ava and Harry. As for Edward, he is shown driving his car to some unknown faraway destination. On his own.

It cannot be denied that the ending is exciting. Even so, one could not help but think that everything was only made to be that way in order to give the viewers another reason to tune in, if only for the last time. Everything falls into place in the end and poetic justice is served to those who needed it. It was just amusing seeing Sabrina who even tackled Henry while the commotion is taking place. She really is one of the funny characters here and it is also cool to see that even she has changed. As for Natalia, she gets to utter one more line before the show ends: “Don’t shoot! He wrapped himself with explosives!” HAHAHA. For sure, it would be those two siblings, Sabrina and Natalia, whom I would surely miss from this show. At last, it has ended! Hopefully, those people behind the show would be able to man up next time and execute the plot as it is really supposed to be so that the viewers would not have to suffer.

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Film Review

Film Review

Film Review

Film Review