Tuesday, September 30, 2003

Game Show Na! Game Show Pa!

TUESDAY
September 30, 2003
Game Show Na! Game Show Pa!

Gumising ako ng 10 AM, natakot ako at baka ma late ako. Kumain na ko ng lunch. Nagluto si Mama. Naligo na ako at nagbihis. Nagbihis ng maigi. This is the first time I’ll leave home without a cap. Makikita ng mundo ang resulta ng pagka kalbo ko. Ayos na, I was ready to go. Sinong makakapagsabing makakauwi ako ng 10,000 pesos today?

Friday, September 26, 2003

Happy Birthday!

FRIDAY
September 26, 2003
Happy Birthday!

Masaya ang araw na ito. Maraming nangyari. Basta masaya!

First stop, birthday! I’m 18! The legal age for everything! Pwede na mag lotto, mag bingo, mag game show, atbp. Ang saya saya talaga. Para akong nakawala sa kural. Masaya na ako, I’m free!

Tuesday, September 9, 2003

Will I Hide Under This Cap Forever?

TUESDAY
September 9, 2003
Will I Hide Under This Cap Forever?

Ang unang araw matapos magpatabas ng ulo. Nagsisisi ba ko o natutuwa? Ewan ko ba parang mixed. Una sa lahat, ang sarap pala maligo pag kalbo ka. Ewan parang basta mas masarap ang pakiramdam. Nahihiyya pa langa ko simply because di ako sanay at ang mga tao sa paligid ko na ganito. Di ko pa rin matanggap na mukha akong convict. Bwahahhaa!

Monday, September 8, 2003

Fraternity Daw O!

MONDAY
September 8, 2003
Fraternity Daw O!

September 28, ahem 8 pala, a day which will leave in (shet mali!) LIVE in infamy. First of all let me remind that it’s Mama Mary’s birthday today at di ko man lang siya naalayan ng kahit isa man lang na rosary round. Siguro talamak na nga ang pagkamakasalanan ko. Oh well, bago ang big event, Day review muna. 

Tuesday, September 2, 2003

The Taxi Driver from Hell

TUESDAY
September 2, 2003
The Taxi Driver from Hell

Humahagulgol ang langit ng umalis ako. Hindi na nakapag sit ups at wala pa ring rosary at silent moment. Well, time will tell, sana maayos na. Nanood ng Gengis Khan for Kas 2 at nakita ko pa ang lalaking tamad, karapatan niyang bigyan ako ng obligasyon na I pre enlist siya, ano siya hilo? Hindi naman ako mukhang messenger. Ang lakas talaga ng ulan. Nakita ko pa si Guiller Lamug at bumati naman siya. Ayos yung taong yun, napaka humble, hindi gaya ng ibang kulang na lang magtago para di makabati (teka… ako yata yun e…) And to add to that, nakasalubong ko rin si Nerisse at pareho kaming naka batch jacket! Saya! Nakasabay ko naman yung koreana sa jeep, ok naman siya. Traditional oriental beauty. Pangiti ngiti. Pagbaba sa college of music e tinanong niya ang name ko. Di niya masyado na gets kaya spell ko pa. Jenny daw ang pangalan niya. Kung ako ay mababaw na tao, aakalain ko na may crush siya sa akin. Shet! Ang lakas ng bilib sa sarili. Wake up Alfie, you’re not that cute… Well, siyempre no show si enjoyable English prof. Ayaw niya sumipot pag umuulan. After 30 minutes, we left the room and went home.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review