Sunday, January 6, 2013

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 50

Kabanata 50
Ngayong mag-asawa na si Gen at Edward, magkakaroon ng hindi inaasahang suliranin sina Sabrina at Carlotta. Dahil sa pag-iisang dibdib na ito ay naging pag-aari na ng mag-asawa ang ari-arian ng isa’t isa, na nangangahulugan lamang na ang mga bahagi ng puhunan na pagmamay-ari ni Edward sa Ropa ay kay Gen na rin. Dahil mag-asawa na sila, nabili na rin ni Edward kay Gen ang Lucia na siyang pagtatayuan niya ng Meraviglie, habang nakuha naman ni Gen ang salapi upang mapigilan ang paggiba sa mga bahay ng kanyang mga tauhan sa Ropa. Sa kaarawan ni Leon ay ibabahagi sa kanya ni Mang Bert ang mga pangyayaring ito at ang mga kaganapan na rin sa PGC. May isang Hapon na mamumuhunan at kailangan ni Edward ng isang magandang pagpapaliwanag gamit ang mga iginuhit ni Leon. Ito na nga ba ang paraan upang makabalik si Leon sa PGC at mapalapit muli kay Gen?

Mabuti naman at naibalik din si Leon sa daloy ng mga kaganapan. Sa mga nakaraang kabanata ay tila ba hindi na siya pangunahing tauhan. Lagi na lang si Edward at Gen ang ipinapakita na tila ba nakalimutan ng lahat na nandiyan pa si Leon. Halata naman na mahal pa rin ni Leon si Gen, at mukhang ito ang magiging simula ng bagong pagkakataon upang magkabalikan sila. Yun nga lang, asawa na ni Edward si Gen, at kahit pa alam nilang tatlo na hindi naman talaga mahal ni Gen si Edward, mukhang sa tingin ni Edward ay pag-aari pa rin niya si Gen, kahit malinaw naman sa kanilang dalawa na hindi dapat ganoon ang usapan. Sa kabilang panig, nakakainis na si Henry at si Carlotta na rin. Mahirap unawain ang galit ni Henry dahil bigla na lamang siyang sumulpot. Wala naman siya sa simula kaya mahihirapan siyang makuha ang loob ng mga manonood. Ano nga ba naman ang pakialam natin sa kanya, hindi ba?

“Mag-ingat ka sa binibintang mo sa akin, tita. Baka bumalik sa yo yan” –Gen

Episode 50
Now that Edward and Gen are husband and wife, this will cause Sabrina and Carlotta would suddenly have unexpected setbacks. Because of this marriage, the couple now owns each other’s properties, which only means that Edward’s shares in Ropa are now also Gen’s. Because they are now married, Edward has finally purchased Lucia, where he will have Meraviglie built, while Gen gets the money sje needs to stop the demolition of her workers’ homes. During Leon’s birthday, Mang Bert will tell them all about this and other news about PGC. A Japanese national is willing to invest and Edward needs to come up with a presentation, using Leon’s blueprints. Would this serve as a way for Leon to be able to get back in PGC and be closer to Gen once again?

It is good that Leon is once again a crucial part of the plot. In the previous episodes, it seems as though he was no longer a lead character. It has always been Edward and Gen hogging the spotlight, as though everyone has forgotten that Leon is still there. It is obvious that he still loves Gen, and it looks like this would be the start of a new chance for them to get back together. The thing is, Gen is now Edward’s wife, and though the three of them know that Gen does not really love Edward, it looks as though Edward thinks Gen is still hers even though it is clear to both of them that it should not be the case. On the other hand, Henry, and even Carlotta, is starting to irk me. Henry’s rage is hard to understand because he just suddenly popped up from nowhere. He was not there when this show started and because of that the viewers would find it hard to sympathize with him. Besides, the heck do we care about him, right?

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Film Review

Film Review

Film Review

Film Review