Tuesday, December 25, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 42

Kabanata 42
Si Leon nga ang nawawalang anak ni Carlotta. Ito ang aaminin niya kay Henry (Allan Paule), ang kanyang nagbabalik na dating kasintahan.  Naudlot ang kanilang pag-iibigan dahil sa pakikialam ng kanyang ama. Sinabi ni Arturo kay Carlotta na ipinagpalit siya ng kasintahan sa isang malaking halaga, habang isang sulat naman ang natanggap ni Henry na pinalabas na galing kay Carlotta. Ito ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Nang malaman ni Carlotta na siya ay nagdadalang-tao, minabuti nitong umalis na at magpakalayu-layo sa Agusan kung saan siya ay kilala bilang Amina. Ito rin ang pangalan ng ina ni Leon na nabanggit ni Emy sa kanya. Malalaman ni Arturo ang kinalalagyan ng anak at pupuntahan ito sa Agusan, kung saan pilit niyang ilalayo si Carlotta sa anak nito. Dahil si Edward lamang ang nakaaalam kung saan siya nagpunta, siya ang sisisihin ni Carlotta sa pagkakahiwalay niya sa kanyang anak.

Ngayon ay alam na nating lahat ang dahilan kung bakit ganito kung umasal si Carlotta. Sinisisi niya ang mga tao sa paligid niya sa mga nangyaring masama sa kanyang buhay at ngayon ay ang paghihiganti lang ang tangi niyang nais. Ang tanong ngayon, bakit iba ang gumanap kay Amina noong ito ay inilalahad ni Emy kay Leon? Ang maaring paliwanag dito ay kung bulag na si Emy magmula ng siya ay bata pa. Dahil hindi naman niya nakita si Amina, maaring ang babaeng ipinakita sa pagbabalik-tanaw ay ang paniniwala ni Emy na itsura ni Carlotta noong mga panahon na iyon. Gayunpaman, mukhang hindi naman bulag ang dalawang taong gulang na Emy na ipinakita sa pagbabalik-tanaw. Ano ba talaga?

“Alam mo bang singkwenta mil lang ang kapalit ng pagmamahal na yan?” –Arturo

Episode 42
Leon turns out to be Carlotta’s missing son after all. This is what she would confess to Henry (Allan Paule), her returning ex-boyfriend. Their love affair was cut short because of her father’s interference. Arturo told Carlotta that her Henry left her in exchange for a large sum of money, while Henry receives a fake letter made to appear as if it was from Carlotta. This would mark the beginning of their separation. When Carlotta finds out that she is pregnant, she decides to flee and live far away at Agusan where she was known by the name Amina. This is also the name mentioned by Emy to Leon, telling him that it was his mother’s name. Arturo discovers his daughter’s whereabouts and comes to drag her back home, thus, separating her from her child. Since Edward is the only one who knows where she actually went, she deems her brother responsible for her separation from her infant son.

Now we know why Carlotta acts the way she does. She blames everyone around her for the misfortunes that have happened in her life and now all she could think about is revenge. The question now is, why get different actress to play the role of Amina during the flashback narrated by Emy to Leon? The possible explanation is that Emy has been blind since childhood, and because she did not see what Amina really looked like, the woman shown in her flashback could very well just be her own imagination of what Carlotta looked like during that time. Even so, it seems that the two year old Emy shown in the flashback was not blind at all. What gives?

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Film Review

Film Review

Film Review

Film Review