Monday, December 10, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 31

Kabanata 31
Mahuhuli ni Edward si Leon na hinahalikan ang noo ni Gen. Pipilitin niya itong ipaliwanag sa kanya kung ano ang nakita, ngunit ang napipintong gulo ay mauudlot dahil sa pagdating ng manggagamot na titignan ang kalagayan ni Gen, na siya namang magigising na sa mahimbing na pagtulog. Napanaginipan niya si Leon at isang buhay kasama niya at may anak sila. Sa kanyang paggising, pangalan ni Leon ang kanyang sasambitin kahit na si Edward ang nasa kanyang tabi. Ipapatawag pa rin ni Edward si Leon sa ibang lugar at dito ay aaminin na nito sa kanya ang lahat. Bilang ganti ay sasapakin niya si Leon ng ilang ulit upang ilabas ang galit. Mangangako naman si Leon na lalayo na siya, ngunit ang kanyang sulat na naglalaman ng kanyang pagbibitiw ay ibabalik ni Edward, bilang pagtanggi nito. Sa pagbalik ng kamalayan ni Gen ay ipapaliwanag niya kay Edward ang lahat, subalit hindi ang pag-amin na ito ang ikabibigla ni Edward, kundi ang pahayag ni Gen na si Leon pa rin ang nasa puso niya. Sa ibang mga pangyayari, matatandaan na ipinadala si Emy sa isang liblib na pook upang pagsisihan ang kanyang kasalanan na pag-ibig kay Leon. Aaminin ng nagbabantay sa kanya na maraming tiwaling gawain ang pangkat na kanyang kinabibilangan, at kamatayan ang naghihintay sa kanya kung hindi pa siya aalis. Tutulungan siya nitong tumakas.

Mukhang sa Maynila ang tungo ni Emy. Mabuti na rin ito upang magkaroon naman ng ibang pagkakalibangan si Leon maliban sa pagngawa at paulit ulit na pagsisi sa sarili. Sa wakas ay alam na ni Edward ang lahat. Wala naman talagang mali sa mga nagawa nila Gen at Leon. Sila naman talaga ang nauna. Gayunpaman, mukhang hindi mahilig manood ng mga ganitong uri ng palabas ang dalawa, at tila hindi nila alam na laging nauuwi sa bugbugan at masigabong ngalngalan ang mga ganitong pangyayari kapag hindi inamin agad ang mga naganap sa nakalipas. Marahil ay mauunawaan naman ni Edward yun gawang mahilig din naman sila maglaro ni Sofia ng bahay-bahayan. Huli na ang lahat. Nasapak na si Leon. Maari ka nang ngumalngal ulit, Leon. Masakit masapak ng paulit-ulit sa mukha kaya mauunawaan namin kung ngayon ka ngangawa. Nagkita ulit sila Ava at Harry. Kung maari lang sanang humiling na magtungo muna sa ibang bansa ang tatlong pangunahing tauhan upang kay Ava at Harry muna umikot ang lahat. Baka matuwa pa ako.

“Bibigyan kita ng limang segundo para ipaliwanag sa akin ang nakita ko.” –Edward

Episode 31
Edward will see Leon kissing Gen on the forehead. He will force him to explain what he has just seen, except that the doctor suddenly interrupts them, and Gen finally wakes up from her coma. She dreamed of Leon again and of a life with him, and they also have a baby. As she wakes up, it is Leon’s name that she would call, despite Edward being the one on her side. Edward would summon Leon in another venue and there he would confess everything. Edward would reciprocate with a couple of punches to the face as a means of unleashing his frustration. Leon would then promise to leave them be, but his letter of resignation would be returned to his desk, meaning Edward is not letting him go. Going back to her senses, Gen would explain everything to Edward, but it is not this confession that would rattle him, but rather her admission that Leon is the one that she loves. In other news, one would recall how Emy was brought to some far-flung village to repent for her sins, which includes loving Leon. Her caretaker would admit that the cult to which Emy belongs has many shady dealings, and that death is what truly awaits here there if he does not flee at once. The woman will help her escape.

It looks like Emy is headed to Manila, which is a good thing. At least, Leon would have other activities other than bawling and sulking in self-pity. At last, Edward finally knows everything! There is actually nothing wrong with what happened between Gen and Leon. Besides, they found each other first. However, it seems as though these two are not big fans of shows like this, and they do not seem to be aware that keeping secrets from the past almost always leads to endless tearjerkers and impromptu wrestling matches. Edward would understand them anyway. Besides, he also plays around with Sofia once in a while. Too late. Leon already took a beating. You can cry again now, Leon. It hurts to receive repeated jabs on the face like that, and so we would understand if you decide to abuse your lacrimal glands right now.  Ava and Harry meet again! If only I could wish for the three main characters to go away for a while and for the story to just focus on Harry and Ava. I should be amused.

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Film Review

Film Review

Film Review

Film Review