Wednesday, December 5, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 28

Kabanata 28
Sa pagpunta ni Leon sa bahay ni Gen ay pipigain niya itong sumagot sa kanyang tanong kung bakit niya tinanggihan si Edward. Siya ba ang dahilan? Mahal pa rin ba siya ng dalaga kaya nito tinanggihan sa Edward? Makukuha ni Leon ang sagot na ninanais dahil mahal pa rin naman siya ni Gen, ngunit susumbatan din siya nito sa kanyang pagkawala sa kanyang buhay noong mga panahong kailangang kailangan siya nito. Itatapon ni Gen ang matagal na niyang itinago na barya na dapat ay sa Vienna pa niya ginawa. Pupunitin naman ni Leon ang larawan nilang dalawa. Tapos na nga ba ang lahat? Muntik nang malaglag si Leon mula sa ginagawang gusali kung saan siya tumakbo upang maglabas ng sama ng loob, ngunit makakaligtas ito at si Gen ang mapapahamak dahil mabubundol ito ng sasakyan.

Maikli ngunit mahusay ang pagkakagawa sa kabanata, marahil dala na rin ng pag-amin sa wakas ng dalawang pangunahing tauhan ukol sa kanilang tunay na nararamdaman. Maganda ang mga binitawang salita ni Gen ngunit hindi rin maiwasan na magtaka ang manonood sa kanyang tunay na nararamdaman, dahil ang kanyang mga panunumbat ay puno ng salitang “kailangan”. Kung tutuusin, ito naman talaga ang kanyang ipinakita simula at sapul, madaling mahulog ang loob niya sa taong naroon habang nangangailangan siya. Ngunit ang pangangailangan ba ay pagmamahal din? Kung ganun, bakit hindi niya magawang mahalin si Edward na siyang dumamay sa kanya noong nangangailangan din siya? Bakit ang taong umiwan pa rin sa kanya ang pilit niyang hinahabol? Sa kabila ng lahat, sang-ayon naman din ako sa sinabi niya kay Leon na maari naman sanang nagkadamayan sila sa mga panahong kinailangan talaga nila ang isa’t isa, kung hindi lamang naduwag ang binata.

“Hindi ko tinapon yung coin. Lumingon ako. Hindi ko tinupad yung usapan. Kasi baka pwede. Baka tama. Sumugal ako. Sumugal ako para sa ‘yo.” –Gen

Episode 28
Leon arrives at Gen’s house and presses her for answers regarding her refusal to marry Edward. Is he the reason? Does she still love him and is that also part of the reason? He eventually gets the answer he is hoping for because Gen does love him, but she will also specify make him realize how crucial his absence was when she needed him the most. She finally gets rid of the coin she had been keeping all along, which she should have done back in Vienna. As for Leon, he would rip apart a photo of the two of them together. And so, does everything end here? Leon almost falls off a building in construction whither he runs to unleash his frustrations, but he will survive, and it is Gen who meets an accident when she gets hit by a car.

This is a short but rather meaningful episode, maybe in part because of the main characters finally admitting what they really feel. Gen scores with the awesome lines that she recites but it does not help in making the audience wonder as to what she truly feels, because her litany is just so full of the word “need”. In fact, this is the trait that she has been displaying all along, how she easily falls for someone who happens to be present when she is in dire need. But does necessity equate to love? If so, why could she not feel for Edward what she feels for Leon, when it is he who was there when she needed someone the most? Why does she keep on pursuing that person who actually abandoned her? On the other hand, I so agree when she tells Leon how they could have been there for each other when they really needed one another the most, if only his cowardice did not get the best of him.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review