Friday, December 14, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 35

Kabanata 35
Sa kanyang muling pagbabalik sa Ropa ay isang maliit na salu-salo ang sasalubong kay Gen, kung saan siya ay mangangako na patuloy pang pagbubutihin ang kanyang tungkulin upang lalong umunlad ang kanilang kabuhayan. Walang tigil naman ang pagsunud-sunod ni Ava kay Harry upang tulungan siya nito na hikayatin si Gen na balikan si Edward, isang bagay na ayaw namang gawin ng binata. Sa kanyang pangungulit ay mapapaaway si Harry sa pagtatanggol sa kanya at tutulungan naman niya itong palitan ang gulong ng kanyang sasakyan na siya rin naman ang nagtanggal ng hangin. Ibabalita ni Carlotta habang naghahapunan ang pagsasalita ni Ivan, at sasamantalahin ni Arturo ang pagbaling ng usapan kay Leon upang talakan na naman si Edward. Magsisinungaling si Edward sa lahat at sasabihing si Leon ang kusang nagbitiw sa kanyang tungkulin kahit na siya ang nag-utos na umalis ito. Tatanggihan din niya ang ibinabalik ni Gen na puhunan niya at hahamunin itong palaguin muna ito bago ibalik sa kanya. Mangangako naman si Carlotta sa sarili na matapos makaganti sa WoL ay ang sarili namang ama ang isusunod niya.

Sa wakas ay nakalipat na rin sila Leon. Hindi pa alam kung ano ang kahihinatnan ng pasya nilang ito. Sana lamang ay makabuti ito sa kanya at mabawasan ang kanyang pagiging iyakin. Nawa’y pagbalik niya sa Maynila ay isa na siyang bagong Leon na handang harapin ang lahat nang hindi tumatangis. Makikita na ginagamit na talaga ni Edward ang kanyang kapangyarihan at yaman upang makalamang sa labanan nila ni Leon. Walang masama rito, sa totoo lang. Ginagamit lamang niya ang mga iyon upang maging pantay ang laban, dahil sa maniwala ka man o hindi, ang hindi maipaliwanag na pagkahumaling ni Gen kay Leon ay isa sa mga, at maaring ang nag-iisa lang talagang bagay na lamang ni Leon kay Edward. Kung ikaw ay isang uri ng tao na madalas magbigay ngunit hindi mo pa rin nakukuha ang sa tingin mo ay sa iyo, makabubuti na rin na maging madamot paminsan minsan, nang sa ganun ay sa huli hindi naman ikaw ang talunan. Ipinaglalaban mo rin lang naman ang iyong kaligayahan, na siya ring ginagawa ng lahat.

“Pag natapos ko na ang WoL, ikaw na ang isusunod ko, Arturo” –Carlotta

Episode 35
A small celebration welcomes Gen’s return to Ropa, where she would promise everyone that she would do her job better for everyone’s sake. Meanwhile, Ava would not stop following Harry around in an effort to persuade him to convince Gen to get back with Edward, something that Harry is not really keen on doing. He would eventually get into a fight defending Ava, while she will help him replace a flat tire that she herself deflated. Carlotta happily announces to everyone how Ivan finally uttered a word interacting with Leon, and Arturo would take advantage of the shift of topic to nag Edward again. Edward will lie to everyone saying that Leon voluntarily resigned, when in fact it was him who ordered him to do it. . He would also refuse Gen’s giving back of his investment, and instead challenges her to triple it before giving it back to him. Carlotta makes a pledge that after she finishes WoL, her father would next.

Leon’s family moves at last, and it is yet unknown what this decision would mean to all of them. Hopefully, it would lead to personal improvement for Leon. May a new Leon evolve from this, an improved version of him, who would face his dilemmas back in Manila without having to shed a tear. It is all evident now that Edward is using is wealth and power to gain the upper hand in this battle of his with Leon. There is nothing wrong with this. In fact, he is just using those to even the playing field, because whether you believe it or not, Gen’s inexplicable infatuation with Leon is one of, if not the only advantage that Leon has over Edward. If you are the kind of person who is used to giving and is yet to receive what you think is rightfully yours, then perhaps it would be better to be selfish for once, so that you would not end up as the loser in the end. Besides, you are just fighting for your right to happiness, just like everyone else.

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Theater Review

Theater Review

Film Review

Film Review