Thursday, December 6, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 29

Kabanata 29
Itatakbo si Gen sa pagamutan matapos mabunggo ng sasakyan at malalaman ni Edward kung saan pupunta dahil sa pakialamerong tambay na may masamang pag-uugali na pagdampot ng mga bagay bagay na hindi naman sa kanya. Nakatulong naman siya kahit paano kaya ayos lang. Matapos tawagan ni Edward ay susugod din si Leon upang alamin ang kalagayan ni Gen, na walang malay dahil sa malalang tama sa kanyang ulo. Samantala, ilalagay naman ni Carlotta ang singsing sa kagamitan ng isa sa mga kasambahay na magiging dahilan ng pagkakatanggal nito sa kanyang tungkulin. Marahil ay bahagi ito ng balak niya na palitan lahat ng kasambahay upang maisakatuparan ang nais gawin ng kanyang pangkat. Makikita ni Leon si Edward na umiiyak sa tabi ni Gen, bagay na nais din niyang gawin ngunit hindi maari dahil hindi naman siya ang kasintahan.

Kahit na mabagal ng kaunti ang daloy ng mga pangyayari, tuloy pa rin naman tayong ginugulat ng palabas na ito. Sana lamang ay hindi lang ito isang paraan ng panliligaw sa mga manonood dahil wala nang maisip ang mga tao sa likod ng palabas na ito kung ano ang susunod na dapat mangyari. Nawa’y ang pagkakabundol na ito ni Gen ang maging dahilan upang bumilis lalo ang mga kaganapan. Alam naman nating hindi pa siya mamamatay dahil hindi naman maaring si Edward at si Leon ang magkatuluyan. Kung tutuusin, maari rin, mahilig naman silang manggulat. Pangatlong araw na rin ata na pinapakitang nakaluhod si Emy at nagdadasal ng walang kapaguran. Sana ay umusad na rin ang buhay niya, mahirap din ang laging nakaluhod kahit pa parusa ito sa kanya.

“Di ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka. Lumaban ka, Gen. Lumaban ka. Para sa atin.” –Edward

Episode 29
Gen is rushed to the hospital after getting hit by a vehicle and Edward would know where to go thanks to a bystander who has a bad habit of picking up stuff that is not his. In any case, he is able to help somehow, so perhaps that is a good thing. Leon also rushes to the hospital after Edward gives him a call informing him about the situation. Gen remains unconscious because of the bad head injury caused by the accident. Meanwhile, Carlotta places her ring in the bag of one of their household helpers, leading to him being fired. Perhaps, this is all part of her plan to replace everyone in the household, so she and her cult could finally carry out their plans. Leon sees Edward crying by Gen’s bedside, one thing he also wants to do but cannot because he is not the boyfriend.

Even though the flow of the story is kind of slow, the show does continue to surprise us. I just hope that this is not just a tactic from the people behind the show because they could no longer think of anything else that could make the story interesting. May this accident of Gen be a reason to speed everything up. Besides, we all know that she would not die anyway because it is highly unlikely for Edward and Leon to be the ones ending up together. Well, it could be possible. They love surprising us anyway. It is also Emy’s third straight day kneeling down and tirelessly reciting some litany without fail. Hopefully, her drama in life would also end soon so she could also move on. Besides, maintaining a kneeling position is not that easy, even if it is meant to be some form of punishment.

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Theater Review

Theater Review

Theater Review

Film Review