Tuesday, January 31, 2023

Darna: Episode 122

 
122. Super League
Dadalhin nila Sigfried, Andre at Ali si Brian kay Borgo at aanyayahan ito ng huli na sumapi sa kanilang pangkat ngayong siya ay isa na ring Extra. Sa tingin naman ni Ali ay may ibang binabalak ito at tama siya dahil ang lahat ng ito ay bahagi lamang ng balak nila Darna at Brian na pasukin ang kuta ni Borgo. Magbabalik-tanaw si Brian kung paano niya nakuha ang kapangyarihan sa pamamagitan ng tulong ni Lolo Rolando kung saan binasag ni Brian ang salamin kung saan nakakulong ang masama niyang sarili na nakatago sa piitan ng mga Extra. Sa pagkakabasag nito at sasanib sa kanya ang kahuli-hulihang tipak ng Krisalis na natitira sa Nueva Esperanza at magkakaroon siya ng kapangyarihan. Makakatakas naman si Hergis kasama ni Luna matapos dalhin ang huli sa kanyang kulungan. Mapapabagsak ng dalawa sila Vorian at Ishna at makakapuslit. Sa pagnanais na maghatid kay Darna ng sagisag ay matatamaan ng pana ni Brian ang kapangyarihan ni Sigfried na bumabalot sa kanilang kuta. Magtutuos ang dalawa. #DarnaSuperLeague


Naipaliwanag din naman maigi kung ano nga ba ang nangyari kay Brian at kung ano ba ang pumasok sa isip niya at bigla siyang umeepal ngayon. Sabagay, nabigyan din naman ng maiging katapusan ang kwento niyang ito tungkol sa kanyang masamang kambal. Maganda rin na kahit paano ay mukhang hindi lang ang Krisalis ang sumanib sa kanya kundi pati na rin ang ugaling pang-iiis nung Brian na masama. Wala rin naman kasi siyang ibang dahilan upang bigla-bigla na lang bumaliktad kay Darna kaya mainam na rin na ganyan na nga. Ang lagay ngayon, kaya ba nila tapusin ang lahat ng ito ng isang linggo? Hindi pa nga nabubuhay ulit si Valentina. O baka naman pinatay na nila ng tuluyan si Valentina? Mukhang ang balak ay sirain ang Super Soldiers mula sa loob. May lamat na nga agad ang samahan nila Zaldy at Andre dahil si Andre ang nakapatay kay Noah. Paano pa kaya niya pag-aaway awayin yung iba? Sa huli, hindi pala si Ding yung pinapakita na nakagayak pandigma na pula. Nailigaw naman nila tayo doon. #DarnaSuperLeague


122. Super League
Sigfried, Andre, and Ali take Brian to Borgo and the latter invites the former to be a part of their group now that he has become an Extra. Ali believes that Brian has ulterior motives and he is right because all of this is a ploy by Darna and Brian to infiltrate Borgo’s lair. Brian recalls via flashback how he gained his powers with old man Rolando’s help by breaking the mirror, where his evil self is contained, that is kept at the rehabilitation center for Extras. The glass breaking means the last remaining shard of Krisalis left in Nueva Esperanza penetrates him and gives him powers. Hergis manages to escape with Luna in tow as the latter is taken to his cell. The duo gets to knock both Vorian and Ishna out and flee. In an effort to send a signal to Darna, Brian’s arrow hits Sigfried’s force field which envelopes their headquarters. The two end up in a duel. #DarnaSuperLeague


They were able to explain well what happened to Brian anyway and whatever it is that motivated him to suddenly hog the spotlight now, of all times. Oh well, at least that subplot regarding his evil twin is also given the closure it needs. It’s good that somehow it’s not just the Krisalis that ended up bonding with him but also rather the annoying nature of evil Brian. Come to think of it, he really doesn’t have any other reason to suddenly defect and betray Darna, which is why it is okay that things turned out this way. At this point, can they still neatly wrap this all up in a week’s time? Valentina hasn’t even been revived yet. Or maybe they just decided to get rid of Valentina once and for all? The plan seems to be to destroy the Super Soldiers from the inside. Zaldy and Andre’s relationship is already strained because of his accidental killing of Noah. I wonder what beef will surface among the others? In the end, it is not Ding who turns out to be donning the red battle armor. In fairness to them, they got to mislead us with that red herring. #DarnaSuperLeague

"Wala na ang anak mo. Hindi ka na rin mayor. Hindi ka na ama. Lahat ng mahalaga sa yo ay wala na. Sino ka ngayon, Zaldy?” –Borgo

<<Episode 121                                   Episode 123>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Theater Review