Monday, January 23, 2023

Darna: Episode 116

 
116. Mind Games
Matapos ang mga pangyayari sa bangin ay agad-agad na mag-aalsa balutan ang mag-lolang Ding at Roberta sa utos na rin ni Narda dahil na rin nga sa pagbabanta ni Valentina sa kanilang mga buhay dahil sa munting palabas ni Borgo. Dahil hindi maasahan si Brian, kay Antiporda hihingi ng tulong si Narda at sa kapatid nito muna makikituloy sila Ding at Lola Roberta. Pag-aaralan naman nila Ishn at Borgo ang dugo ni Pineda upang malaman kung ano pa ang kanilang maaaring gawin upang mapalakas pa lalo ang kanyang mga Super Soldiers. Mag-iipon ng lakas si Valentina habang hirap na hirap siyang tanggapin ang pagkamatay ng ama. Matapat naman na magbabantay si Ali. Sasanayin ni Narda ang kanyang mga kapitbahay sa paggamit ni Arnis upang maging handa ang mga ito sa pagsalakay ni Valentina. Mag-iimbak din ang mga kasama ng mga kemikal na nakakapag paalis ng mga ahas. Matapos magpahinga ay sasalakayin ni Valentina ang isang Cosplay Fair kung saan may nanggagaya sa kanya at kay Darna. #DarnaMindGames


Sa totoo lang ayaw ko na talagang manood. Ayaw ko lang din talagang ugaliin na huwag tapusin ang nasimulan ko na at marami rin namang nagbabasa kaya patuloy lang tayo rito. Gayunpaman, pahirapan na talaga manood ng bawat kabanata. Pinanindigan na talaga nilang tadtarin ng pagbabalik-tanaw ang bawat kabanata. Marami pa ring mga kuha si Jane de Leon na naka Green Screen lang. E kung sila nga tila tinatamad na magpatuloy at kung anu-ano na lang ang pinaggagagawa, tayo pa kaya? Mukhang iyan ang kanilang pamamaraan sa ngayon. Balik tanaw na walang sawa at bigyan ng maraming gagawin ang mga pangalawang tauhan. Mukhang tinatamad na lang talaga tayong lahat dito. Pagsabungin niyo na silang lahat upang matapos na ito. Sana naman ang susunod na paghaharap nila Narda at Valentina ay maiba naman. Baka kasi mamaya isang suntok at sipa pa lang ni Valentina tatakas na naman siya. Pumatay kaya kayo ng isa dun sa mga pangalawang tauhan? Patayin niyo kaya silang lahat? #DarnaMindGames


116. Mind Games
After what happened at the cliff, grandma Roberta and Ding quickly pack up their clothes at Narda’s behest because of Valetina’s threats on their lives because of Borgo’s little show. Because Brian is nowhere to be found, Narda asks for Antiporda’s help instead, leading Ding and grandma Roberta to seek shelter at his sister’s place for the time being. Ishna and Borgo study Pineda’s blood to see what else they can do to further enhance his Super Soldiers. Valentina rests and recharges given how she is finding it hard to deal with her father’s death. Ali stands on guard, loyal as ever. Nards trains her neighbors on how to use the Arnis so they can all be ready when Valentina attacks. The others stock up on chemicals that repel snakes. After resting, Valentina attacks a cosplay fair which features two actors mimicking her and Darna. #DarnaMindGames


In all honesty, I no longer want to watch. It’s just that I don’t want to get used to not finishing something that I’ve already started and we actually have a lot of readers so let’s continue this. Even then, watching each episode has become much of a chore. They really made it a point to unapologetically pepper each episode with flashbacks. To add, Jane de Leon still has a handful of scenes using Green Screen. Well, if they themselves seem to have succumbed to laziness and just won’t give us a good show, what more, us viewers? This seems to be their modus operandi for now. Unlimited flashbacks and relegate the limelight to the secondary characters. It looks like all of us have just become lazy at this point. Please have them all feature in one royal rumble so we can get this over with. I hope that in their next face off, Narda and Valentina will give us something new. It might end up, yet again, with Valentina fleeing after a punch and a kick. Why not kill one of the secondary characters? Better yet, why not kill all of them? #DarnaMindGames

"Wala akong pakialam kung may pinagsamahan tayo, Narda.” –Valentina

<<Episode 115                                   Episode 117>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Theater Review