Monday, January 16, 2023

Darna: Episode 111

 
111. Knight Fall
Sa wakas ay matutunton na rin ni Ishna si Hergis. Babatuhin niya ito ng panaksak habang lumilipad na naka-anyong ibon kaya naman madali niya itong makakaladkad at maihaharap kay Borgo dahil sugatan ito. Ikatutuwa ni Borgo ang pangyayari ngunit magmamatigas pa rin si Hergis at hindi aaminin sa kanila kung sino talaga ang tagapangalaga ng bato. Maghahanda si Ishna upang pahirapan pa lalo ang dating kakampi. Si Heneral Diaz naman ang magiging bagong banta kay Brian matapos itong magpasya na tanggalin ang lahat ng maaring humarang sa kanyang mga balak. Tatanggalin nito si Brian sa kanyang tungkulin kahit pa magmakaawa ang ninong nitong si Antiporda sa kanya na kinausap ng ate nito noong umagang iyon upang payuhan na huwag iwanan at bitiwan ang inaanak kahit na may malaki itong galit sa kanya. Magkikita naman sila Ding at Trisha subalit hindi pa muna aaminin ng huli ang kanyang pagiging Extra kahit pa hindi niya pa rin alam kung paano gamitin ang kapangyarihan. #DarnaKnightFall


Malakas talaga ang kutob ko na magkamag-anak talaga itong si Hergis at Ishna. Nasabi ba dati na magkasama talaga sila? Wala kasing ganap talaga si Ishna. Talagang dakilang alalay lang siya ni Borgo na walang sariling bait kaya maganda ang kalalabasan kung anak nga pala siya ni Hergis. Daig pa siya nung ibang Super Soldiers kasi lahat iyun nakilala talaga natin mula sa simula pa lang. Si Ishna wala e. Hindi na naman lumabas si Valentina. Hindi rin lumabas ang Super Soldiers. Kay Brian na naman naituon lahat. Gawin niyo na nga rin kasing Extra yan. Hindi ko rin lubos na maunawaan kung ano ang maitutulong ni Trisha at ginawa nila siyang Extra. Hindi rin naman ganoon kaganda ang kapangyarihan niya. Magiging pangtakas lang marahil siya ng mga kakampi. Wala naman siyang alam sa pakikipaglaban. Baka nga maging pabigat pa yan sa dulo at makagulo lang. Hindi kaya kamag-anak siya ni Diaz? May nabanggit kasi siya na Lolo daw niya nung nagmumuni-muni siya sa silid niya. #DarnaKnightFall


111. Knight Fall
Ishna finally gets to track Hergis. She throws a knife at him while he is flying in the form of a bird, which is why she finds it easy to drag him to Borgo because he is injured. Borgo is glad that they have finally captured him, but Hergis just wouldn’t budge about the real identity of the stone’s protector. Ishna prepares to make her former ally suffer. General Diaz becomes Brian’s new threat as he decides to do some spring cleaning and get rid of everyone who might get in his way. He relieves Brian of his duties despite his godfather Antiporda begging him otherwise, who is fresh from a pep talk with his older sister that morning encouraging him not to give up on his godson despite his grudges against him. Ding and Trisha meet up but the latter does not reveal her being an Extra yet despite having a hard time trying to control her powers. #DarnaKnightFall


My gut feel is really strong that Hergis and Ishna are related. Was it mentioned before whether they are really allies? It’s just that Ishna doesn’t really have a backstory to speak of. She truly is just Borgo’s loyal assistant who doesn’t have her own mind, which is why it’d be even better if she ends up being Hergis’ daughter. Even the Super Soldiers are way ahead of her in this regard because we witnessed their character development, at least. Ishna? Nada. Valentina is a no-show yet again. The Super Soldiers did not show up either. Instead, Brian hogged the spotlight once again. Why not turn him into an Extra? I also can’t really understand what Trisha’s contribution would be for them to turn her into an Extra. Her powers are not even that great. She will perhaps just be used as a quick escape for her allies. She doesn’t even know how to fight. She might even end up being a liability when push comes to shove. Is she a relative of Diaz’s? She mentioned a “grandfather” once while thinking out loud about her powers. #DarnaKnightFall

"Kating kati na ko na patayin ka Hergis pero bago ang lahat, kailangan muna namin malaman kung sino ang protektor.” –Ishna

<<Episode 110                                   Episode 112>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review