Monday, January 30, 2023

Darna: Episode 121

 
121
Pag-iigtingin pa lalo ni Diaz ang panghuhuli niya sa mga Extra na siya namang ikatatakot ng kanyang apo na si Trisha na hindi pa niya alam na Extra pala at walang alam sa paggamit ng kapangyarihan niya. Ipababatid ng magkapatid na Ishna at Vorian sa isa’t isa ang mga huling nangyari sa kanila bago ang pagkikita nilang ito at isasalaysay ng huli sa una kung paanong bumagsak ang kanilang sasakyang pangkalawakan at kung paano niya pinabagsak ang sasakyang pangkalawakan ni Luna na papaalis pa lamang noon sa daigdig. Sasabihan din nito si Ishna na siya ang karapat dapat na kanang kamay ni Borgo at malamang ay mangyari nga ito kapag nalaman niya kung sino ang bihag niya. Sabay-sabay na sasalakay sila Noah, Andre at Ali at susubukan silang pigilan ni Darna. Biglang darating si Brian na may dalang kumikinang na pana ngunit si Darna ang papanain nito at sisisihin sa mga nangyayari sa Nueva Esperanza. Kay Noah naman tatama ang pasabog ni Andre na siyang magiging dahilan ng biglaang pagkamatay nito.


Ganoon na lang talaga ang pagkamatay ni Noah at kailangan namin tanggapin na walang pag-aalinlangan? Alam naman natin na hindi rin natin masasabi kung ano ang mangyayari sa ating pang araw araw na pamumuhay. Isa ang kamatayan diyan sa mga walang katiyakan na iyan. Gayunpaman, malaki na rin kasi ang pinuhunan nila sa tauhan na ito. Malamang ang nangyari ay maraming ginagawang iba si Gumabao kaya pinatay na lang si Noah. Hindi man lang nga sila nagkaayos ng tatay niya o ni Narda. Talagang nawala na lang siya sa pamamaraang napaka walang saysay. At ano naman ang bagong pakulong ito ni Brian? Saan na naman siya nakakuha ng sandatang may pailaw ilaw pang nalalaman? Bakit laging lihis ang mga nangyayari sa kanya kung ihahambing sa ibang mga Extra? Ano ba talaga siya? Sino ba talaga siya? Lihim na taga Marte ba siya na nagbabantay lang kay Darna nang hindi niya alam? Ang gulo gulo gulo ng kabanatang ito sa totoo lang.


121
Diaz intensifies his hunt for Extras and this frightens his granddaughter Trisha, who he doesn’t know yet to be an Extra and who does not have a handle on her powers just yet. Ishna and Vorian catch up on each other’s recent histories and he tells her how their space ship crashed and how he shot Luna’s spacecraft down while it was just about to leave Earth. He also tells Ishna that he is the rightful second-in-command of Borgo and that this is probably what will happen once he finds out who his hostage is. Noah, Andre, and Ali attack in unison and Darna attempts to restrain them. Brian suddenly arrives with a glowing bow and arrow but it is Darna that he shoots with it and then goes on blaming her for all the discord in Nueva Esperanza. On the other hand, one of Andre’s explosives accidentally hits Noah instead, which results in his untimely death.


So Noah really just died like that and we are supposed to accept it without asking questions? We all know that we really cannot say what will happen in our everyday lives. Death is one of those unpredictable things. Even then, the investment on this character has already been too big. Perhaps what really happened is that Gumabao has other commitments which is probably why Noah was just killed off. He didn’t even get to resolve his issues with either his father or Narda. He really just disappeared in a way that doesn’t make much sense. And what is this new gimmick of Brian’s? Where the heck did he get his weapon with matching glowing lights? Why is his subplot always out of the box compared to what is happening to all other Extras? What is he really? Who is he really? Is he secretly from Marte and just guarding Darna without her knowing? This episode has been chaotic AF.

"Just like the old days, magbabahay bahay kami. Dadalhan namin kayo ng ayuda.” –Zaldy

<<Episode 120                                   Episode 122>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review