Wednesday, January 11, 2023

Darna: Episode 107

 
107. Dancing Queen
Darating si Darna upang kalabanin si Zaldy na naghahasik ng lagim sa labas ng pagamutan. Madali niya itong mapapatumba ngunit bigla na lamang magsasayawan ang mga to sa pagdating ni Maisha suot ang kanyang gayak pandigma. Tila ba ang kapangyarihan nito ay ang pagpapasunod sa mga tao sa pamamagitan ng pagsasayaw. Itatakas nito si Zaldy at dadalhin kay Borgo kung saan makikilala nito ang kanyang mga bagong kasamahan sa hukbo na mga nakadamit pandigma na rin. Wala naman siyang magagawa kundi sumapi dahil pagbabantaan ni Borgo ang kanyang buhay. Muli niyang makakasama ang anak na si Noah sa pangkat na ito subalit hindi pa rin sila nagkakaayos. Magpapakita na si Borgo kay Valentina ngunit pagtatawanan lamang siya nito at sasabihan na hindi niya kailangan ng tulong ninuman upang magapi si Darna. Tuloy naman ang pagsisiyasat ni Hergis at unti-unti na niyang napapagtagni-tagni ang mga bagay-bagay at papalapit na sa pagkakatuklas ng lihim ni Borgo bilang Rex. #DarnaDancingQueen


Sinabi naman natin na abangan na muna natin kung ano ba ang magiging itsura kapag suot na nila ang kanilang mga bagong kasuotan. Ang pinakamaganda ay yung kay Noah dahil tamang tama lamang ang hulma sa katawan niya at wala gaanong palamuti. Payak lamang ito at bagay din ang kulay abo sa kapangyarihan niya. Yung kay Ishna at Maisha ay maayos din naman subalit may mga bahagi na tila lumabis na para bang magdadalawang-isip kang isuot kung makikipaglaban ka. Yung kay Pineda ay maganda ang layunin. Maari rin nating sabihin na sining ito. Gayunpaman, tila hindi akma sa pakikipaglaban. Yung kay Andre at Sigfried ang palpak. Yung kay Sigfried parang maganda ang pagkakaisip ngunit pumalpak sa pagkakagawa. Yung kay Andre parang hindi pinag-isipan. Mukha siyang tanga. Abangan naman natin ngayon kung ano ang magiging itsura ng mga ito habang nakikipaglaban. At ano nga ba talaga ang kapangyarihan ni Maisha? Parang kay Klara ngunit sayaw? #DarnaDancingQueen


107. Dancing Queen
Darna arrives to fight Zaldy who is terrorizing everyone outside the hospital. She defeats him quite easily but everyone around them suddenly breaks into spontaneous dance as Maisha arrives in her battle garb. It seems like her power has something to do with manipulating people to follow her whims through dance. She takes Zaldy with her to Borgo where the latter finally gets to meet his new comrades in Borgo’s army, all in their full battle regalia. He is left without a choice but to join after Borgo threatens his life. He is reunited with his son Noah despite their relationship remaining estranged. Borgo finally reveals himself to Valentina but she shuns him and laughs at his face saying that she does not need anybody’s help because she can beat Darna on her own. On the other hand, Hergis goes on with his investigation and is inching closer and closer to finding out Borgo’s secret as Rex. #DarnaDancingQueen


Well, we did say that we should wait a bit until they don the costumes before we judge and now they finally do. The best one is Noah’s costume because it fits his body to a tee and there isn’t much going on. It’s simple and I like how it is colored like ash, which jives with his powers. Ishna’s and Maisha’s costumes are just okay but there are parts that seem too much, like you’d think twice if you’d want to wear that in battle. The idea behind Pineda’s costume is good. We can even argue that it’s art but, just the same, doesn’t seem suitable for battle. Andre’s and Sigfried’s are the worst. Sigfried’s costume looks good as an idea but balks in its execution. Andre’s costume looks like there wasn’t any thought put into it. He looks like an idiot. For now, let’s wait how these costumes will look like in actual battle. What is Maisha’s power anyway? Like Klara’s but through dance? #DarnaDancingQueen

"Nababaliw ka na ba> Bakit ko pagkakatiwalaan yan e alien yan. Ang pangit pa!” –Zaldy

<<Episode 106                                   Episode 108>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Film Review