Thursday, January 26, 2023

Darna: Episode 119

 
119. Strong As Ever
Makikipagbati si Brian sa ninong niyang si Antiporda at dadalhin siya nito sa pinagtataguan nila Narda. Magkikitang muli ang dalawa ngunit sa maikli lamang na panahon. Tutulungan ni Trisha si Ding sa pagtuturo sa mga taongbayan kung paano gayahin ang sandatang binuo ni Lolo Rolando na maaring gamitin panlaban kay Valentina. Malalaman niya na apo pala ni Diaz si Trisha. Matutuklasan naman ni Valentina na may kakayahan pala ang isa sa kanyang mga ahas na nagngangalang Cora na maggala at ipakita sa kanya ang mga nakikita nito kaya naman maiinggit ang iba pa niyang mga ahas dahil si Cora na ang kanyang tumatayong kanang kamay. Sa pag-uwi ni Ding ay masusundan siya ni Valentina at gagawing bihag upang dalhin siya nito kay Narda. Hindi naman na ito kailangan pang gawin dahil darating si Narda upang iligtas ang kapatid. Hindi na niya maiiwasan na magpalit ng anyo sa harap ni Regina. Biglang darating si Noah, Andre at Sigfried at ang pagpapasabog ni Andre ay magdudulot ng pagkakasaksak ni Regina. #DarnaStrongAsEver


Ay, pinatay nila si Regina. Magaling, magaling. Hindi ko man ito inaasahan, hindi rin ako ganun kabilib sa maaring puntahan nito dahil ang nangyayari lang naman madalas sa mga ganyan ay ginagawa nilang halimaw yung pinatay. Marahil ang mangyayari lang dito kay Regina ay kung ano ang nangyari kay Noah. Magaling naman ang pagkakagawa dahil nagulat din tayong lahat. Gaya ni Regina, hindi pa tayo tapos sa pagtanggap na si Narda pala si Darna, sa kanyang pananaw. Kaya nga siya bumalik sa katauhan ni Regina bigla dahil nagulat siya. Tapos bigla namang eepal itong tatlong tangang ito. Sabagay matagal ko na rin namang nais na makita silang maglaban laban. Sana man lang ay gumawa sila ng laban noong lima bago nasaksak si Regina nang nakakita man lang sana tayo ng sapakan kahit kaunti lang. Sa lagay na ito, malamang ay kakampi na nila si Regina paggising niyan. Baka naman ilalagay nila sa dulo ang pagkakampihan nila Darna at Regina. Abangan na lang natin. Ganyan dapat lagi ha, mabilis at kapana-panabik! #DarnaStrongAsEver


119. Strong As Ever
Brian makes amends with Antiporda and the latter takes him to where Narda is hiding. The two have a short reunion because they are both pressed for time. Trisha helps Ding in replicating the weapon old man Rolando developed which they can use against Valentina. He finds out that Trisha is Diaz’s granddaughter. Valentina discovers that one of her snakes named Cora has the ability to roam around and have her see what it is seeing real-time, which causes the other snakes to get envious as Cora becomes her girl friday. As Ding goes back home, Valentina manages to follow him and takes him hostage so he can take her to Narda, which is no longer necessary because Narda arrives just in time to save her brother. Without an opportunity to be discreet, she transforms right in front of Regina. Noah, Andre, and Sigfried suddenly arrive and Andre’s explosion causes Regina to be impaled. #DarnaStrongAsEver


Oh, they killed Regina. Well, well, well. While I wasn’t expecting this, to be honest, I am not that impressed with the direction to where this is all headed because the only thing that happens in subplots like this is to make a monster out of the character killed. Perhaps what will happen to Regina will just be the same as what happened to Noah. I have to commend the writing, though, because we were all caught by surprise. Like Regina, we are also still processing that Narda is Darna, from her point of view. That’s why she involuntarily transformed back to Regina, because she was caught off guard. Then suddenly you have these three idiots hogging the spotlight. Oh well, I’ve been waiting forever to see them all have a royal rumble. I just wish that the five of them could have had a free-for-all melee before Regina got impaled so we could have gotten a bit of action. At this point, Regina will already be their ally when she wakes up. Perhaps they are saving the Darna and Regina tandem for last? Let’s wait and see. It should always be like this huh! Fast-paced and exciting. #DarnaStrongAsEver

"Hindi ko gustong magpakilala sa yo sa ganitong paraan, Regina.” –Narda

<<Episode 118                                   Episode 120>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Theater Review

Theater Review

Theater Review