Wednesday, January 11, 2023

Darna: Episode 108

 
108. Super Powers
Magsisimula nang magsanay ang mga Super Soldiers ni Borgo at kanya-kanya silang magpapakita ng gilas upang ipamalas ang kanilang mga kapangyarihan. Hindi naman maiiwasan na magkainitan ang mag-amang Zaldy at Noah dahil hindi pa rin naaayos ang kanilang iringan kaya naman pumapagitna si Borgo at ipapaalala sa dalawa na ang tanging layunin nila ay ang paglingkuran siya. Tuloy pa rin ang pag-aabang ni Narda kay Regina sa tanggapan nito gabi-gabi. Pumupunta naman si Valentina subalit sinasadya nitong hindi magpakita sa kaibigan. Maiinis na ito kinalaunan dahil sa kakulitan ni Narda at magpapasyang salakayin muli ang Nueva Esperanza. Ito na ang pangalawang pagkakataon na sasalakayin niya ang baranggay nila Narda. Dalawang tambay ang masasaktan bago lumabas si Narda upang pigilan at labanan ang kaibigan. Dahil ayaw huminto nito sa pagsalakay ay papagitna si Lola Roberta at tila ba matatauhan si Valentina at bigla na lamang aalis. #DarnaSuperPowers


E si Lola Roberta lang naman pala ang magpapatahan sa nagwawalang si Valentina e. E kung ibigay na lang kaya ni Narda kay Lola ang bato? Lunukin mo na, Lola, utang na loob. Marahil ito na lang ang natitirang paraan upang manumbalik si Regina at ang makapal iyang make-up. Sabagay makapal pa rin naman ang make-up niya ngayon bilang babaeng ahas. Alam na rin naman nating lahat ang kahahantungan nito. Hindi naman na maaaring mailigtas si Regina dahil marami na siyang napatay bilang Valentina. Sa huli, ang natitira na lang na paraan upang malinis niya ang pangalan niya ay ibigay ang kanyang buhay upang saklolohan si Darna. Itataya ko ang buhay ng aming kapitbahay na ganito nga ang mangyayari dahil iyan naman na talaga ang sinasatsat ni Narda sa simula pa lang. Kaya asahan niyo na na bago matapos ang lahat ng ito ay babaliktad si Valentina upang ibuwis ang buhay alang-alang sa kaibigan. Kapag patay na siya hindi na siya mahahabol ng batas at kahit paano ay magiging kahanga-hanga ang huli niyang ganap. #DarnaSuperPowers


108. Super Powers
Borgo’s super soldiers commence their training and each one of them tries to impress by showcasing their powers. Meanwhile, the friction between father-and-son Zaldy and Noah is ever palpable because the strain on their relationship has not been straightened out yet, causing Borgo to remind them both that their only objective is to serve him. Narda continues to wait for Regina at her office every night. Valentina does drop by but intentionally hides from her friend. In the end, she gets annoyed by Narda’s persistence and decides to attack Nueva Esperanza anew. This is the second time that she is attacking Narda’s village. Two bystanders get hurt before Narda comes out to try to restrain her friend. Because she won’t relent in attacking, Grandma Roberta steps in, causing Valentina to come to her senses and decide to just leave. #DarnaSuperPowers


Well, well, well, it looks like Grandma Roberta is all that we needed to tame wild Valentina. What if Narda just handed the stone to grandma instead? Swallow it, grandma, we beg you. Perhaps this is the only way left for Regina to come back along with her heavy make-up. Come to think of it, her make-up is actually still heavy now as a snake woman. Anyway, we know where all of this is headed to. Regina can no longer be redeemed because she already killed so many as Valentina. In the end, the only redemption waiting for her as far as cleaning her name is concerned is for her to give her life rescuing Darna. I bet you my neighbor’s life that this is what’s going to happen because this is what Darna has been rambling about from the get-go. And so let’s not be surprised if Valentina ends up defecting before this show ends to risk her life for her friend. When she’s dead, she will no longer be punishable by law and somehow it will still be seen as a selfless act. #DarnaSuperPowers

"Tama ka, apo, Nandiyan pa si Regina.” –Lola Roberta

<<Episode 107                                   Episode 109>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review