Tuesday, January 17, 2023

Darna: Episode 112

 
112. Catching Fire
Susundan ni Darna si Rex matapos itong paghinalaan ni Hergis upang malaman kung nasaan ang kanilang kakampi na ilang araw na ring nawawala. Sa kanyang pagsunod ay haharapin niya ito at aamin na nga si Rex na siya nga si Borgo. Maglalaban ang dalawa subalit matatakasan nila Borgo at Ishna si Darna. Ngayong alam na nila ang kanyang lihim ay magpapasya si Rex na bitawan na ang katauhang ito subalit siya ay may binabalak muna bago niya ito gawin. Patuloy ang pagpapahirap ni Ishna kay Hergis at pagbabantaan itong tatanggalan siya ng ala-ala na siya namang pagtatawanan ng huli dahil kapag nangyari ito ay hindi na nila malalaman kung sino nga ba ang tagapangalaga ng bato. Ikaiinis ito ni Ishna kaya bubugbugin na lang niya si Hergis. Susubuking gamitin ni Trisha ang kapangyarihan ngunit di pa rin talaga niya gamay ang paggamit dito. Susubukan namang biluging muli ni Zaldy ang ulo ni Maisha ngunit susumbatan siya nito sa panlalaglag na ginawa niya sa kanya noong nagkahulihan na. #DarnaCatchingFire


Apo nga ni Diaz si Trisha. Bagay naman sa kanya ang kapangyarihan niya dail mahilig siyang pumuslit kung saan-saan. Kung magagawa niyang malaman kung paano ito gamitin, malamang sa malamang ay gamit na gamit talaga niyan dahil sa pagiging gala niya. Bakit tila ang dami yatang pagbabalik-tanaw sa mga kabanata na nagdaan? Bawat pakita may pagbabalik-tanaw. Nauubusan na ba sila ng mga nagawang kabanata kaya pinapahaba na lang nila ang lahat? E paano tayo matatapos nito sa susunod na linggo kung pilit niyo pang pinapahaba? Bahala kayo diyan. Sa palagay ko, ang huling balak ni Borgo bago niya bitawan ang pagpapanggap bilang Rex ay ang paniwalain si Regina na papatayin ni Narda ang ama niya. Kapag ganito ang nangyari, hindi nga naman na malalaman ni Regina na patay na ang tatay niya at nagpapaggap lang si Borgo. Malamang ay magagalit pa nga lalo iyan kasi lalabas na pinatay ni Narda ang tatay niya. Mukhang mahaba pa ito. Akala ko pa naman matatapos na! #DarnaCatchingFire


112. Catching Fire
Darna tails Rex remembering Hergis’ suspicions in order to find out their friend’s whereabouts after disappearing for a few days now. After following him, they end up in a confrontation which leads to Rex admitting that he is indeed Borgo. The two have a battle but Borgo and Ishna manage to escape. Now that his secret is out in the open, Rex decides to finally drop the act, but not before he goes through with one of his final plans. Ishna makes Hergis suffer and threatens to have his memories erased, a proposition that Hergis only laughs at because should this happen, they would no longer find out the identity of the stone’s protector. Ishna gets pissed but is left without a choice, so she just beats Hergis up. Trisha tries to use her powers but she still doesn’t have any handle on how to do so. Meanwhile, Zaldy attempts, once again, to brainwash Maisha, but the latter just ends up blaming him for leaving her up in the air when they were caught. #DarnaCatchingFire


It turns out that Trisha is indeed Diaz’s granddaughter. Her power actually suits her, what with her being out and about all the time trying to sneak in everywhere. If she manages to control her power then this will really come in handy for her given her circumstances. Why are there so many flashbacks in the episode lately? Are they running out of finished episodes to show, leading them to make do with whatever dragging techniques they can think of? How will this show end next week if they are letting it drag on? Up to you. I believe that, in the end, Borgo’s last plan before letting go of Rex’s identity is to make Regina believe that Narda will be killing her dad. If this is how it ends up, then Regina wouldn’t even find out that her real father is dead and Borgo is just pretending. She would most likely even get even angrier because she’d then believe that Narda killed her dad. It looks like this will still take some time. There I thought we were almost done! #DarnaCatchingFire

"Tignan natin ang galing mo, Darna.” –Rex

<<Episode 111                                   Episode 113>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Theater Review