Monday, January 2, 2023

Darna: Episode 101

 
101. Brave Heart
Magtatapos ang paglalaban nila Brian at Pineda sa pagkakatadtad ng bala ng dibdib ni Brian. Nakasuot naman ito ng bulletproof vest subalit mahuhulog pa rin ito ngunit sasaluhin naman ni Darna at ililipad palayo. Gayunpaman ay aabutan ni Valentina ang dalawa at susubukang patayin si Brian. Maglalaban na naman ang dalawa at mapapatumba ni Darna si Valentina sa pamamagitan ng isang malakas na sapak. Matatagpuan itong walang malay ni Ali sa ilalim ng isang puno at ilalayo ito bago itago. Makaliligtas naman si Brian at sasaklolohan ng ninong niya. Bigo ang paghahanap ni Darna kay Valentina habang hihikayatin naman ni Ali si Regina na magpahinga muna dahil atat na atat na itong labanan si Darna sa kabila ng pagkatalo niya sa kamay nito. Dadalawin naman ni Darna si Brian at mag-iisip ang dalawa kung bakit ang mga sindikato ang ginagamit ni Borgo. Sa huli ay maghihinuha ang dalawa na ginagamit ni Borgo ang mga sindikato upang sanayin ang mga isasama nitong tauhan sa kanyang binubuong hukbo. #DarnaBraveHeart


Sabagay mukhang mali nga ang kutob ko na si Brian ang magiging Extra. Maaari rin kasing si Pineda ang maging Extra dahil papatayin na yata siya. Hindi rin naman natin natiyak sa mga pakita kung si Brian nga iyon. Magkatulad lang naman sila ng suot na damit. Kasabik-sabik pa rin naman ang kabantang ito dahil nagbanatan na naman sila Darna at Valentina at may palipad-lipad pa silang dalawa. Iyon nga lang, sablay na naman ang special effects at mukha na naman akong nanonood ng Hiraya Manawari. Hindi na talaga nila naayos-ayos yan. Matatapos na lang at lahat nakakaasiwa pa rin. Sa ngayon ay malinaw naman ang balak nila Darna at Brian na sirain ang mga sindikato upang sirain si Borgo. Sana naman ay sumalakay na rin si Borgo ng matino at may hukbo na dahil ngayon parang nagpapalit-palitan lang sila ni Valentina sa pagsalakay kay Darna at lagi naman silang talo e ang dami dami na nga nila kung tutuusin. Tapusin na natin ang pag-uutuan nating ito. #DarnaBraveHeart


101. Brave Heart
Brian and Pineda’s duel ends up with Brian’s chest being showered with bullets. Despite wearing a bulletproof vest, Brian still ends up falling off the building but Darna quickly rescues him and whisks him away. Even then, Valentina still catches up and corners the two, attempting to kill Brian. The two end up fighting again and Darna manages to knock Valentina out with a mighty punch. Ali finds her unconscious under a tree and takes her away to hide her. Brian ends up surviving and being assisted by his godfather. Dana’s search for Valentina turns out to be fruitless while Ali convinces Regina to rest first in order to recover her strength in spite of her eagerness to fight Darna again after her defeat in her hands. Darna pays Brian a visit and the two try to decipher why Borgo has been working mostly with syndicates. In the end, the two suppose that Borgo is using the syndicates in order to train future henchmen that will comprise the army he is building. #DarnaBraveHeart


Perhaps I made a mistake with my guess and it’s not Brian after all who will become an Extra. It can also be the case that Pineda will be that Extra because it looks like they are killing him off. We really can’t tell for sure in the previews whether it is indeed Brian. After all, they are just wearing the same uniform. This episode is still exciting somehow because Darna and Valentina had a go at one another once again with matching flying scenes. But then again, the special effects are despicable and yet again I feel like I’m watching Hiraya Manawari. They really never got to fix this anymore. Even as the show is nearing its ending, everything is still tacky. For now, Darna and Brian’s plans are clear at least, which is todestroy Borgo by destroying the syndicates. I hope that Borgo will finally attack properly with his own crew this time around. What’s happening now is just an alternate attack on Darna between him and Valentina and they both lose every time they try despite their advantage in terms of numbers. Let’s end this child’s play once and for all, shall we? #DarnaBraveHeart

"Ang ahas kapag natatalo lalong nagngingitngit para gumanti. Lalong tatalas ang sandata ko sa pagkatalo niyang ito.” –Rex

<<Episode 100                                   Episode 102>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Film Review

Film Review