Friday, January 13, 2023

Darna: Episode 110

 
110. We Can Stop
Tuloy pa rin ang pagsasanay ni Borgo at ng kanyang hukbo ngunit wala siyang alam na nagbabalak na si Zaldy na pagtaksilan siya. Imumungkahi nito kay Maisha na kaya naman nilang pagtulungan si Borgo upang sila ang maghari sa kalawakan lalo pa ngayon na mayroon na silang kapangyarihan. Sa tingin naman ni Maisha ay mahirap ito dahil hindi nila alam ang tunay na kakayahan ni Borgo at mahihirapan din silang mapasunod sila Pineda at Noah na may galit kay Zaldy. Hahanapin ni Ishna si Hergis at mangangako na pahihirapan ito kapag nahanap niya. Kasalukuyang nagtatago si Hergis sa isa sa mga bahay ni Rex at nagpapanggap bilang isang katulong doon. Dadalawin siya nila Narda at Brian at magkakasundo na lalo pang tulungan ang isa’t-isa upang hanapin at talunin si Borgo. Magbabalik tanaw naman si Trisha sa isang gabi kung saan siya ay natamaan ng isang tipak ng bumabagsak na Krisalis na siyang dahilan kung bakit siya naging Extra. #DarnaWeCanStop


Mukhang nalalapit na ang pagtatapos ng palabas subalit wala pa rin tayong alam kung sino ba talaga si Ishna at bakit ganoon na lang niya paglingkuran si Borgo. Naisip ko tuloy, hindi kay si Ishna ang anak ni Hergis na sinasabi ni Borgo na pinatay niya noon? Maari kasing hindi naman talaga niya pinatay at si Ishna pala yun. Akalain mo nga naman, matindi ang tama ng katotohanan na yan dahil mukhang mahahanap at pahihirapan na ni Ishna si Hergis. Mabuti naman at naitanong na rin ni Zaldy ang nais ko rin talagang tanungin. Maari naman kasi talaga nilang pagtulungan si Borgo sa totoo lang kung nanaisin nila. Gayunpaman, matino naman ang dahilan ni Maisha na mahihirapan nga sila kila Pineda at Noah. Akala ko ba ay dalawang linggo na lang ang itatagal nito? Bakit tila ang bagal pa rin ng takbo ng mga pangyayari? Nais ko sana ay matapos na ito ng maaga bago pa man matapos ang buwan dahil hindi na masaya manood sa totoo lang. #DarnaWeCanStop


110. We Can Stop
The training of Borgo and his army continues and he is not aware that Zaldy is already plotting to betray him. He floats the idea to Maisha, that of ganging up against Borgo so that it will be them who rules the universe in the end, even more so now that they have powers. On the contrary, Maisha believes that it will be difficult because they have no idea what Borgo is capable of. On top of that, they will also find it hard to make Pineda and Noah obey them because they hate Zaldy. Ishna continues her search for Hergis and promises to make him suffer if she finds him. Hergis is currently hiding at one of Rex’s homes disguised as a maid. Narda and Brian visit him and agree to help each other out in tracking and defeating Borgo. On the other hand, Trisha reminisces about that time when she was hit by a falling piece of Krisalis crystal which is the reason why she became an Extra. #DarnaWeCanStop


As the show is seemingly heading towards its end, we still have no idea who Ishna really is and why she is so loyal to Borgo. This got me thinking, what if Ishna is really Hergis’ kid whom Borgo said he killed before? It’s just that it can be the case that he really did not kill Hergis’ child and it turns out to be Ishna all along. Come to think of it, this would be a strong revelation when the time comes for Ishna to finally find Hergis and make him suffer. Anyway, it’s a good thing that Zaldy just asked the questions I was thinking of myself. In theory, they really can just gang up on Borgo if they really wanted to. Even then, Maisha’s reasoning is logical regarding Pineda and Noah. Moving on, I thought we were down to the last two weeks? Why does it appear as though everything was still running so slowly? I was hoping that this show would end before the end of the month because, to be totally honest, the show has already become a snoozefest. #DarnaWeCanStop

"Bakit naman tayo makukontentong maging sundalo lang ngayong may kapangyarihan na tayo. Bakit naman tayo papayag na siya ang maghari sa mundo e pwede namang tayo ang maghari ng mundo at ng kalawakan.” –Zaldy

<<Episode 109                                   Episode 111>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review