Wednesday, November 16, 2022

Darna: Episode 68


68. Track and Fear
Nagsimula na ang paglikom nila Darna at Luna ng mga bahagi ng sumabog na Krisalis. Sila ay umaasa na matapos makuha ang lahat at maibalik sa Marte ay mawawala na ang mga Extra. Ipakikilala naman nila si Luna sa mga kapitbahay bilang malayong pinsan ni Narda. Matutuklasan naman ni Regina na kaya niyang higupin ang lakas ng bawat tao na pinapatay niya at sasabihin niya kay Ali na marahil ay ito na ang paraan upang matalo niya si Darna. Bakas na bakas naman sa kanyang mukha ang sigla sa mga pagpatay na mapapansin ni Narda. Kahit binalaan nang tumigil ay ipagpapatuloy pa rin ni Oleg ang pagmamatyag sa pangkat na nagpapakalat ng bawal na gamot. Dahil hindi niya matawagan si Brian na kalukuyang tumutugis sa isa sa mga nagtutulak ng Sparkler, si Narda na lang ang tatawagan nito. Magpapanggap ang dalawa at magtutungo sa isang bar kung saan sila mahuhuli ng sindikato. Magkikita-kita sila Brian, Oleg at Narda sa kuta ng mga naglalako ng bawal na gamot. #DarnaTrackAndFear


Naaliw naman ako sa kabanatang ito. Nakakaaliw pa si Luna kasi bagong salta pa lang siya kaya nagagatasan pa nila ang pagka-mangmang niya pagdating sa mga bagay-bagay dito sa daigdig. Maganda rin ang nabubuong kaugnayan niya kay Lola Roberta at Ding, parang nadagdagan na naman ang mga apo ng matanda. Bagay din kay Jane de Leon ang maikling buhok at totoo nga na naging magkamukha sila ni Kira Balinger. Papasang banyaga si ate kapag naayusan. Naawa naman ako kay Regina dahil mukhang tuloy na tuloy na nga ang pagkawala ng kanyang pagkatao kaya lalo pang nakakaawa kapag bumabalik panandalian ang pagkatao niya gaya na lang ng pag-iyak niya habang nagha-hapunan. Nakakaawa kasi nagamit lang naman din talaga siya ni Borgo. Marahil ay hindi naman ganoon ka-walanghiya ang tunay na ama niya hindi ba? Sana naman ay matapos na ng matiwasay itong pakikipaglaban ni Brian sa sindikato na pumatay sa tatay niya. Full Circle kumbaga kapag naayos niya ito dahil yan din naman lagi ang bukang-bibig niya kahit dati pa. #DarnaTrackAndFear


68. Track and Fear
Darna and Luna start off with their tracking of the pieces of Krisalis. They are hoping that once they are done retrieving all the bits and bringing them back to Marte, there will be no more Extras. They introduce Luna to their neighbors as Narda’s distant cousin. Regina discovers that with every human being she kills, she gets to absorb their energy and she gladly informs Ali that this could be her ticket to defeating Darna. Narda, indeed, notices the different glow on her face no thanks to her killing spree. Although Brian already advised him to sit this one out, Oleg still continues with his surveillance of the syndicate responsible for the proliferation of illegal drugs. Since he can’t get to contact Brian, who is busy pursuing a Sparkler pusher, Oleg calls Narda instead and the two of them enter a bar undercover where they are taken hostage by the syndicate’s goons. Brian, Oleg, and Narda end up stumbling into one another at the headquarters of the illegal drug syndicate. #DarnaTrackAndFear


I must admit I was amused by this episode. Luna is still amusing because she is new to the planet and they can still milk her fish-out-of-water subplot all they want. The dynamics being formed among her, grandma Roberta, and Ding is also fun to witness. It’s as if the grandma gained yet another grandchild. The short hair suits Jane de Leon well and it is true that she indeed ended up resembling Kira Balinger. She can pass as a foreigner given the right make-up and get-up. On the contrary, I feel bad for Regina because it seems the loss of her humanity is now in full swing, which further accentuates the sadness whenever her humanity comes back to say hi, like what happened to her while having dinner. It’s a pity because Borgo just used her after all. I suppose her real father wouldn’t have been that much of a jerk, now would he? Anyway, I hope this whole Brian subplot accomplishing what his father failed to do could finally be completed successfully. Come full circle, as it may. After all, this has always been his raison d’être, right? #DarnaTrackAndFear

“Every time I feed on someone, lumalakas ako. And maybe the more I feed, the more powerful I become!” –Regina

<<Episode 67                                   Episode 69>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Film Review