Thursday, November 24, 2022

Darna: Episode 74


74. All Out
Sasalakay na rin sana si Regina nang makita si Darna na nakikipaglaban kay Silent Shocker ngunit pipigilin ito ni Ali at ng sarili at sa halip ay manonood na lang ito. Mapapatumba ni Brian sila Miguel at Ino habang pagtutulungan naman ng mga kababaihang barkada ni Narda si Clara. Ang matitira na sabay-sabay sasalakay kay Darna ay sila Silent Shocker, Human Urchin at Levitator. Hindi naman mapipigilan ang pagpapalit anyo ni Luna sa harap ni Richard upang saklolohan si Darna. Matatalo ng dalawa ang kanilang mga kalaban at mabubunyag sa Nueva Esperanza ang pagdating ni Luna na babansagan nilang Armada. Pagagalitan ng matindi ni Lola Roberta si Ding dahil sa pagpuslit nito sa loob ng piitan ng mga Extra habang labis na pagagalitan din ni Zaldy ang anak na si Noah dahil sa pagtakas ng mga Extra. Mapapansin nila Narda at Ding na karamihan sa mga pinatay ni Valentina ay may kaugnayan kay Regina kaya naman ipapaalam niya ito sa kaibigan subalit sasabihan siya ni Regina na nagkataon lamang ang lahat. #DarnaAllOut


Nabitin naman ako sa laban nila Darna at Luna at ng mga Extra. Para kasing ang tagal din nila itong ipinakita tapos halos wala pa sa kalahati ng kabanatang ito ang nailaan sa laban. Maganda naman ang ginawa nila na pinaghiwa-hiwalay nila ang mga Extra at may mga natalo ang mga tauhan na wala namang kapangyarihan. Kaya lang nakulangan din talaga ako sa laban. Nandoon ang kaba subalit nung sila ay nagliparan na, sumagwa na naman ang lahat dahil sa Special Effects. Halata kasing Green Screen lang ang gamit nila. Naaalala ko dati nung kapanahunan ni Krystala, talagang sinasabit si Judy Ann at tila sa labas talaga nila kinukunan lahat. Ito halata na ngang Green Screen, hindi pa maayos ang pagkakagawa kaya nabawasan din ang dating. Gayunpaman naging kapana-panabik pa rin naman ang kabanata dahil palapit na ng palapit sila Narda at Regina sa pagtuklas ng totoong pagkatao ng bawat isa. Tila malapit na nga magkabukingan. Lumalabas ngayon, panggulo lang talaga yung mga Extra. Wala rin naman pala silang binatbat. #DarnaAllOut


74. All Out
Regina is about to join the battle royale as she sees Darna having a duel with Silent Shocker but she, along with Ali, restrains herself and ops to watch in the sidelines instead. Brian defeats Miguel and Ino while Narda’s female friends gang up on Clara. Silent Shocker, Human Urchin, and Levitator are left to fight with Darna. Luna does not restrain herself from transforming in front of Richard to assist Darna. The duo defeat their enemies and Luna’s arrival is now revealed to the inhabitants of Nueva Esperanza who refer to her as Armada. Grandma Roberta berates Ding for sneaking into the rehabilitation facility for Extras while Zaldy also gives his son Noah a dressing down because of the breakout. Narda and Ding notice a pattern connecting most of Valentina’s victims to Regina, which is why she lets it be known to her friend, but Regina brushes it off as a mere coincidence. #DarnaAllOut


The battle between Darna and Luna and the Extras could’ve been longer. It’s just that they kept on teasing this for so long and then not even half of this episode has been alloted to that fight. I do appreciate what they did by dividing the Extras and some were defeated by characters who didn’t have any powers. Even then, the fight scenes felt lacking. The tension is there but when all started flying, everything went downhill again because of the crappy special effects. It is so obvious that they are just using green screen. I remember back then during Krystala’s time, they really had Judy Ann suspended in wires and they really filmed everything outdoors. This, on the contrary, is obviously green screen and they can’t even do it properly which leads to a mediocre end product. In spite of this, the episode is still exciting because Narda and Regina are getting closer and closer to discovering one another’s identities. It looks like they are close to the revelation part. And now it can be seen that the Extras are just temporary nuisances who really have nothing to brag about. #DarnaAllOut

“Tinutulungan ko ang kapatid ko.” –Luna

<<Episode 73                                   Episode 75>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Theater Review

Theater Review

Theater Review