Friday, November 11, 2022

Darna: Episode 65


65. TKO
Kakalabitin ni Hergis ang ugat sa batok ni Ishna na may kakayahang burahin ang mga ala-ala ng sinuman sa kanilang lahi. Ang naaalala lamang niya ay ang kanyang pasya na sundan si Narda subalit wala na siyang maalala pagkatapos nito. Babalik siya kay Borgo at susundan siya ng palihim ni Darna. Patuloy naman ang walang saysay na pagpatay ni Valentina at bubuyuin pa lalo siya ng ama upang lalong magalit. Aabutan nito si Darna bago niya kalabanin si Borgo at isang tadyak lamang niya ay tulog na si Valentina. Sa pagkikita nila Borgo at Darna ay ipagmamalaki nito ang bago niyang sandata. Ihahagis niya ang Agrix sa isang eroplano ngunit mabilis na mahaharang ito ni Darna at ibabato pabalik kay Borgo at Ishna. Ang dalawa ang masasabugan ng Agrix at mawawala sila ng walang bakas. Masaya na magdidiwang sila Narda, Ding at Lola Roberta dahil tapos na ang kanyang tungkulin sa pag-aakalang patay na si Borgo. Isang bulalakaw naman ang kanilang matatanaw na isa palang sasakyang panghimpapawid. Isang babaeng Martean ang bababa galing dito.  #DarnaTKO


Tila itong bagong dating na tauhan na ito na ang tinutukoy ni Borgo noon sa kanyang salaysay tungkol sa sinasanay na mandirigma ni Zora sa Marte bago siya lumisan. Matagal din nating hinintay ang tauhan na ito at sa ngayon ay mukhang pagtatagalin na naman nila ang pagbubunyag kung sino ang gaganap sa kanya. Mainam na rin naman ito upang makakuha pa sila ng bigating pangalan na maaring gumanap. Tamang-tama ang dating niya sapagkat nakukulangan na rin tayo kay Valentina. Paano tayo maniniwala na kaya niyang talunin si Darna e sa bawat pagkakataon na magkikita sila isang sapak o tadyak lang sa kanya ni Darna e tulog na siya. Sa pagdating nitong bagong Martean, harinawa ay mapaunlad pa nila lalo ang mga paglalaban. Hindi lang puro talsik o tilapon. Ang nais namin makita ay yung uri ng bakbakan na ipinamalas ni Zora noong mga unang kabanata. Palpak na nga ang Special Effects niyo e, dito na kayo maaaring bumawi kung paninindigan niyo lang talaga. #DarnaTKO


65. TKO
Hergis snaps the vein in Ishna’s nape which has the ability to erase the memories of anyone from their race. For now, she only recalls deciding to follow Nards but she has no recollection of what happens after it. She goes back to Borgo as expected and is secretly trailed by Darna. Meanwhile, Valentina’s senseless killing spree continues and her father pushes her even further to madness. She finds Darna before the latter seeks out Borgo, but one kick from her and Valentina is knocked out cold. Upon meeting, Borgo brags about his new weapon to Darna. He tosses the Agrix to a plane flying overhead but Darna manages to quickly intercept it before throwing it back to Borgo and Ishna. The Agrix explodes on their faces and they disappear without a trace. Narda, Ding, and grandma Roberta happily celebrate because she believes Borgo is dead and her mission has been accomplished. A shooting star is seen in the sky and it turns out to be a spaceship. A female Martean steps out from the craft. #DarnaTKO


It seems like this newly arrived character is the one Borgo was referring to in his story about the fighter that Zora was training in Marte before she left. We have waited for quite some time for this character and it looks like, at least for now, they will keep the revelation as to who will be playing her under wraps. This is a good decision because at least they will be able to search for a prominent name to play the role. Her arrival is timely now that we are starting to wonder whether Valentina can really match Darna. How are we to believe that she can defeat Darna when just one punch or kick from Darna is already enough to knock her out? With the arrival of this new Martean, we can only hope that they can improve the fight scenes. We’re done with people getting thrown around like ragdolls. What we want to see now is the same type of fight scenes Zora had on display back in the first episodes. Your special effects are just atrocious, so this is actually one way that you can make up for it if you really just focus on the execution. #DarnaTKO

“Sa wakas gumana na ang Agrix. Natuloy na ang plano ng heneral. Nakuha ko ang Stosium ng wala kang kaalam-alam, Protektor. Simula pa lang yan. Darating ang panahon, yung bato naman ang hihigupin ng Agrix mula sa yo.” –Ishna

<<Episode 64                                   Episode 66>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review