Friday, November 18, 2022

Darna: Episode 70


70. Preda Torn
Susubukang hanapin nila Darna at Hergis si Borgo at Ishna kung saan nasabugan ang mga ito ng Agrix at makakakita ang dalawa ng mga bakas ng dugo. Kaya naman mangangako si Darna na hahanapin ito at magiging handa sa kanilang muling pagtutuos. Ipagpapatuloy niya ang pagsasanay na sinimulan ng ina sa tulong ni Luna. Tuloy naman ang paghahanap ni Regina sa totoong pagkatao ni Darna pati na rin sa pagpatay at paghigop niya ng lakas ng kung sinu-sino. Dahil tinatago agad ni Ali ang mga bangkay pagkatapos ng bawat pagpatay ni Valentina ay lalo pang kinakabahan ang mga tao sa Nueva Esperanza dahil hindi nila lubusang alam kung patay na ang mga ito o nawawala lamang. Sa kanyang paghahanap ay mapapadpad siya sa baranggay nila Narda. Makikita niya si Noah na lumalabas matapos palayasin ni Narda dahil sa kakulitan nito sa panliligaw. Siya ang isusunod ni Valentina subalit mabilis siyang sasalakayin nila Narda at Luna kaya naman mamarapatin na lamang niyang tumakas. #DarnaPredaTorn


Mabuti naman at gumagamit na ng utak si Regina ngayon kahit pa tuluy-tuloy pa rin ang pagpatay niya. Kung iisipin, maaring tama rin lang na isang sapak lang sa kanya ni Darna dati ay tulog na siya. Makikita mo kasi lalo ngayon ang pagkahayok niya sa kapangyarihan kaya kung titignan, unti-unti na siyang nagiging katakot-takot talaga. Marahil ay tama rin lang na dumating si Luna at nagkaroon ng kakampi bigla si Darna. Sa lagay na ito ay mukhang kakailanganin niya kasi talaga. Ang hindi lang maganda rito ay mukhang mamamatay si Luna sa huli. Kailangan kasi nila yan upang bigyan ng dahilan si Darna na magalit. Maaari rin naman nilang patayin si Lola o si Ding. Abangan na lang natin. Ipinakita na rin na mukhang makakatakas na ang mga Extra at sabay na sabay silang sasalakay kay Darna. Magdasal na lang tayo na kaya nilang panindigan ang Special Effects ng ganoon karaming Extra kundi ay magmumukha na naman itong Wansapanataym. #DarnaPredaTorn


70. Preda Torn
Darna and Hergis try to find Borgo and Ishna at the site where the Agrix exploded on them. They do find traces of blood, which is why Darna promises to find her enemy and be prepared to fight him once again when she does. She continues her training which she started with her mother with Luna’s help. Regina, on the other hand, keeps going with her search for Darna’s true identity as well as her killing spree and draining the life force of just about anyone. Since Ali hides the bodies right after they are murdered by Valentina, the people of Nueva Esperanza grow even more weary as they are left in the dark whether those people are dead or just missing. In her search, she ends up at Narda’s village where she sees a depressed Noah leaving Narda’s house after he is asked to leave for his persistent courting. He becomes Valentina’s next target, but Narda and Luna jump into action at once leading to her eventual escape. #DarnaPredaTorn


It’s good that Regina is finally using her brains now even though she is still killing non-stop. In hindsight, it was probably a good idea for her to get knocked out with just one punch from Darna. Because of that, you can really see her thirst for power now so when you think about it, she’s actually getting more and more frightening. It was also probably a good idea for Luna to arrive when she did so Darna can get an ally. At this point, it’s starting to look like she really needs one. What I don’t like about this is that it seems Luna will have to die in the end. After all, Darna needs a reason to go on beast mode. They can also kill Ding or the grandma. Oh well, let’s just wait and see, huh? They are already showing previews of the Extras escaping and attacking Darna at the same time. Let’s just pray that they could render the special effect with that too many Extras. Otherwise, this will probably look like it came straight from Wansapanataym again. #DarnaPredaTorn

“Mas mabilis nga siya pero nakakakilos at nakakakita ako sa dilim ng walang kahirap-hirap. Yun ang lamang ko sa kanya.” –Regina

<<Episode 69                                   Episode 71>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review