Monday, November 21, 2022

Darna: Episode 71


71. Fighter
Marahil ay hindi naman talaga tutuluyang patayin ni Valentina si Noah dahil ginawa lamang niya ito upang palabasin si Darna. Isusugod sa pagamutan ang binata at makakaligtas naman ito. Matutuklasan ng mga manggagamot na walang kamandag na natagpuan sa kanyang katawan. Tila aayon naman sa ibang mga balak ni Regina ang mga pangyayari. Totoo nga na sisisihin ni Narda ang sarili kaya mapipilitan itong alagaan si Noah. Sasamantalahin naman nila Noah at Regina ang pagkakataon. Isasama ni Regina si Brian sa pagamutan upang simulan ang pagsisiyasat sa mga pangyayari. Dito nila ibbalandra ang pagiging malapit nila Noah at Narda kahit na napipilitan lamang ang huli. Mapapasok naman ni Ding ang CCTV ng piitan ng mga Extra at mapapatunayan nila ni Tricia na may ginagawa ngang kababalaghan si Ibarra. Sa pagkahuli ni Brian sa Pintado Gang at sa kanyang pagka-abala kay Valentina ay maitutuloy ni Zaldy ang iba pa niyang mga gawaing di ayon sa batas. Makakatanggap ng tawag si Regina mula sa amang si Rex. #DarnaFighter


Naaaliw pa naman ako sa mga pangyayari mula ng magsimula ang panibagong yugto na ito. Nahihirapan na kasi si Darna. Sa lagay na ito ay makikitang naging maganda ang pagkakabuo sa pagkatao ni Valentina. Kitang-kita naman na unti-unti na siyang nakalalamang at kahit ang mga balak niya ay maganda ang pagkakagawa. Kumbaga, siya na ang nakalalamang ngayon at alam naman natin na kailangang laging may banta sa buhay ng pangunahing tauhan upang maging lalong kapana-panabik ang mga pangyayari lalo pa ngayon na babalik na si Borgo. Alam na rin naman natin na hindi talaga siya namatay. Ngayon ay aabangan naman natin ang kanyang salaysay kung paano siya nakaligtas. At nakita na rin natin na sasalakay ng sabay-sabay ang mga Extra kaya naman aabangan din natin kung paano ito malalampasan ni Darna. Ang ayaw ko lang sa takbo ng mga pangyayari ngayon ay parang wala gaanong pakikipaglaban si Luna na nauunawaan pa rin naman natin dahil tinatago nga siya sa mga taongbayan. #DarnaFighter


71. Fighter
It looks like Valentina never really meant to kill Noah after all and she only attacked him to lure Darna out of her lair. Noah is rushed to the hospital and he survives. The doctors discover no traces of venom in his body. The circumstances are on Regina’s side, though. Narda indeed blames herself for what happened to Noah and is forced to take care of him, while Noah and Regina take advantage of the opportunity. Regina takes Brian to the hospital so he can start investigating. It is there where they flaunt the closeness between Noah and Narda even if the latter is just being forced into it. Meanwhile, Ding manages to breach the CCTV of the rehabilitation center for Extras and he, along with Tricia, proves that Ibarra is indeed engaged in some illegal experiments there. Brian catching the Pintado Gang along with his hands being full with Valentina allows Zaldy to continue his illicit businesses. Regina receives a phone call from her father Rex. #DarnaFighter


I am still amused with the turn of events since this new season began, perhaps because Darna is now finding it hard to cope. At this point, we can really see how good Valentina’s character evolution has been. You can just see how she is slowly getting the upper hand and even her plans are perfectly executed. Better yet, she now has the advantage and we all know that the main character’s life must always be under constant threat for the flow of events to be more exciting, even more so now that Borgo is back. I mean, we already know that he is not dead anyway. Now we wait for his narration on how he managed to survive. And of course we already saw the preview of the Extras attacking in unison so we also have to wait and see as to how Darna will be able to survive this. What I don’t like about the current plot is that it seems Luna is not given a chance to fight, although we understand that this is because she needs to be concealed from the townsfolk. #DarnaFighter

“I must admit, ginulat mo ako doon, Narda.” –Regina

<<Episode 70                                   Episode 72>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review