Monday, November 14, 2022

Darna: Episode 66


66. New Warrior
Wala pa ring bakas kung saan napunta sila Borgo at Ishna kahit na wala rin namang katiyakan na namatay na silang dalawa. Gayunpaman ay tuloy lang ang buhay ni Narda. Tanggap na niya ngayon ng buo ang kanyang tungkulin bilang Darna at ibabaling niya ang tingin sa patuloy na pagkalat ng isang bagong bawal na gamot sa lungsod na binansagang Sparkler. Ito ay ipinamumudmod ng isang pangkat na tinatawag na Pintado Gang na siya ring dahilan ng pagkamatay ng ama ni Brian. Dahil dito ay magtutulungan pa lalo ang dalawa upang mapabagsak ang nasabing pangkat. Hindi naman sisiputin si Regina ng kanyang amang si Rex subalit hindi na magtataka ang dalaga dahil sa pakiramdam niya ay wala naman talaga siyang halaga rito. Sa halip na hanapin ang ama ay ipagpapatuloy na lang nito ang pagpatay sa kanyang mga kalaban na nakatakas sa batas bilang si Valentina. Samantala, unti-unti namang nagpaparamdam ang bagong saltang taga-Marte sa kanyang paghahanap kay Darna. #DarnaNewWarrior


Inubos nila ang kabanatang ito sa pagpapakita ng mga nangyari sa nakaraan. Sa totoo lang ay halos kalahati ng simula ng kabanatang ito ay siya ring huling yugto ng natapos na kabanata kung saan ipinakita ang hindi man lang kapanapanabik na pagtutuos nila Darna at Borgo. Parang nagsayang lang sila ng panahon dito dahil hindi naman ganoon kahaba ang mga araw na lumipas upang makalimutan natin ang mga nangyari sa huling kabanata. Halata naman na simula na ito ng panibagong yugto dahil talagang tanggap na ni Darna ngayon ang tungkulin niya. Malakas ang kutob ko na hindi pa naman talaga patay si Borgo. Mamamahinga lang siya at itong bagong taga-Marte muna ang maghahasik ng lagim habang ginagawa niya ito. Mahirap hulaan kung sino ang mukha sa likod ng gayak pandigma ng bagong tauhan. Ang naiisip ko lang dito ay magiging kakampi din siya ni Darna sa huli dahil si Borgo naman talaga ang kalaban nilang lahat, hindi ba? #DarnaNewWarrior


66. New Warrior
There are still no traces left as to where Borgo and Ishna ended up, while there is no confirmation either that they have died. Even then, Narda moves on with her life. She is now at peace with her obligations as Darna and she readjusts her focus on the continuous proliferation of a new illegal drug in the city which people refer to as Sparkler. The drug is being promulgated by a syndicate called Pintado Gang which is also responsible for the death of Brian’s father. Because of this, the two end up coordinating even more to bring down the syndicate. Regina is stood up by her dad Rex but she no longer wonders why because she has always felt unimportant to him anyway. Instead of looking for her dad, she, as Valentina, goes on with her killing spree of her enemies who manage to escape the law. Meanwile, the newly arrived Martean gradually makes her presence felt by tracking Darna down. #DarnaNewWarrior


They consumed the runtime of his episode in a mega flashback of sorts. Truth be told, almost the first half of this episode is totally a rerun of the previous episode’s last half where they show the rather anti-climactic battle between Darna and Borgo. It seems like they wasted time here when not a lot of time has passed for us to forget what happened in the last episode. It shows, though, that this is indeed the start of a new chapter given how Darna is now okay with her responsibilities. I have a strong gut feeling that Borgo is not really dead. He is probably just resting while this newly-arrived Martean takes over in wreaking havoc for the meantime. It is difficult to guess who is behind the battle armor of this new character. All I can think of is that she will also end up as Darna’s ally eventually. After all, isn’t Borgo everybody’s enemy anyway? #DarnaNewWarrior

“Ako si Darna at handa na ako sa bagong yugto ng tungkulin ko bilang protektor.” –Darna

<<Episode 65                                   Episode 67>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review