Wednesday, September 28, 2022

Darna: Episode 33


33. Darna Shoot to Kill
Magpapahayag si Zaldy ng panukalang shoot-to-kill sa bawat Extra na makakasagupa ng kanyang pangkat. Ikatutuwa ito ng taongbayan dahil makakadagdag ito sa kanilang pakiramdam na sila ay ligtas subalit lalabanan ito ng mga pahayag nila Regina, Narda at pati na rin ni Brian. Ayaw naman talaga ni Zaldy sa panukala niyang ito dahil nais niyang hulihin ang mga Extra at pag-aralan upang maisalin sa kanya ang kapangyarihan subalit alam niyang ito ang nais marinig ng madla. Aabutan si Regina ng barilan habang naghahandang makapanayam ng mamamahayag na si Sigfried Cruz (Joshua Colet). Susubukang iligtas ni Regina ang isang batang maiipit sa gitna ng barilan ng sindikatong El Diablo subalit biglang darating si Darna upang iligtas ang bata at itigil ang gulo kaya naman labis labis na muli ang paghanga sa kanya ng mga tao. Nailigtas man sa kapahamakan ay maiinis na naman si Regina dahil pakiwari niya ay naagawan na naman siya ni Darna ng pagkakataon upang maging bayani. #DarnaShootToKill


Magaling, magaling! Marunong naman tayo pumuri kapag maganda ang kabanata, hindi ba? Una sa lahat, iba ang itsura ng salpukan ngayong gabi. Una, ang ganda ng mga kuha, ang linaw, pati na ang mga ilaw ay iba ang tama sa paningin. Pangalawa, iba rin ang dating ni Jane de Leon ngayong gabi bilang Darna. May angas, malakas ang dating. Hindi na siya mukhang lalamya-lamya. Kung kaya naman palang maghain ng ganitong uri ng kabanata na puno ng aksyon at kung gabi gabi sana ganito, e di hindi sana tayo gaanong mangungutya, hindi ba? Fight choreography na lang sana ang kulang ayos na ayos na. Kaya naman sana ay magpasok pa sila ng mga Extra na kayang makipagsapakan kay Darna upang hindi naman puro putukan at batuhan ng kapangyarihan ang nakikita natin. Gayunpaman, huwag na rin tayo gaanong umasa dahil hindi naman nila kayang araw-arawin na ganyan. Masaya pa rin naman tayo na may biglang sumulpot na ganitong kabanata na nakakamangha rin naman kahit paano. #DarnaShootToKill


33. Darna Shoot to Kill
Zaldy declares a shoot-to-kill order for ever Extra his task force will encounter. The townsfolk rejoice because this adds to their feeling of being safe but Regina, Narda, and even Brian all counter the declaration. In reality, Zaldy does not really want this either because he wants to instead capture the Extras and examine them so he can transfer their powers to him, but he knows this is just what the masses want to hear. Regina gets caught in a crossfire while preparing for an interview with journalist Sigfried Cruz (Joshua Colet). She makes an attempt to rescue a kid that gets caught in the middle of a shoot out between El Diablo syndicate members but Darna suddenly shows up to rescue the child and put an end to the conflict, which gives people a reason to admire her once more. Although she was saved from danger, Regina’s anger gets the better of her once again because she feels as though Darna robbed her once again of another chance to be the hero. #DarnaShootToKill


Bravo, bravo! We also know when to give credit when it is due, right? First of all, the fight scenes tonight looked different. First, the shots are gorgeous, very clear, even the lighting hits your line of sight differently. Secondly, Jane de Leon’s aura is also different tonight as Darna. Angsty and full of impact. She doesn’t look weak anymore. They have proven that they are capable of serving an episode like this that is full of action. If only they could do it on a nightly basis, then we probably wouldn’t be criticizing the show that much, right? Fight choreography is the only thing lacking and it would’ve been awesome. This is why I hope they would introduce more Extras who can engage Darna in hand-to-hand combat so that we are not left to watch just gun shots and superpowered projectiles. Even then, let’s not keep our hopes up because it seems they really can’t do this ever day. We are still glad, though, that an episode like this suddenly came our way which is admirable in its own right. #DarnaShootToKill

“Gusto ko lang naman iparinig sa kanila yung gusto nilang marinig mula sa akin.” –Zaldy

<<Episode 32                                   Episode 34>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review