Tuesday, September 13, 2022

Darna: Episode 22


22. Darna Vs Ghost
Hindi man nahuli ni Brian si Killer Ghost ay ibubunyag na rin ni Zaldy ang tunay na pagkatao nito bilang si Alex dela Torre upang pabanguhin pa lalo ang kanyang pangalan lalo pa’t ikinakabit niya pilit ito kay Robles at sa babaeng lumilipad. Magiging tampulan ng cyberbullying ang Extra gaya ng kanyang ama at lalong magngingitngit ito sa galit at magsisimula nang maghiganti kay Brian. Susundan nito ang binata at mabubuking naman siya agad ngunit sasakyan lamang ito ni Brian upang dalhin siya sa isang malayong tambakan at doon hulihin. Bago pa man magkakasagupa ang dalawa ay magpapadala na ng senyales si Brian kay Darna sa pamamagitan ng server ni Ding. Mahuhuli naman si Darna sa pagsaklolo dahil sa panliligaw ni Noah kaya naman maiinis ang dalaga dito pati na rin kay Andre. Matindi ang sagupaan ng dalawang binata. Mababaril ni Brian si Alex subalit masasaksakan siya nito ng lason. Ang aabutan na lamang ni Darna ay ang bangkay ng Extra at isang naghihingalong pulis#DarnaVsGhost


Tila ba nagpalit yata ng papel sila Darna at Brian dito. Baka naman dapat Brian Vs Ghost ang pamagat ng kabanata sa halip na Darna Vs Ghost. Kung tutuusin, hindi man lang nga nakalaban ni Darna si Killer Ghost sa kabanatang ito. Hindi rin naman natin siya masisisi dahil si Noah at Andre rin naman talaga ang may kasalanan. Ang tanong ko lang tungkol kay Killer Ghost ay ang kakayahan niyang tumagos sa mga dingding. Hindi lang naman talaga dingding ang kaya niyang tagusan, hindi ba? Marahil ay hindi lamang talaga niya ganoon kakilala ang kanyang kapangyarihan. Sa totoo lang, maari naman niyang tagusan lahat pati na si Brian at ang bala ng baril nito. Malamang ay hindi lamang niya alam kung paano gamitin. Wala na rin namang dahilan upang pag usapan pa ito dahil patay na ang Extra. Ang pagkakaiba nil ani Lindol Man ay talagang nais pumatay nitong si Killer Ghost. Gayunpaman, isang pagkakataon lamang sila nagkalaban ni Darna kaya hindi rin siya gaanong tumatak. Sino kaya ang susunod na Extra? #DarnaVsGhost


22. Darna Vs Ghost
Even though Brian fails to catch Killer Ghost, Zaldy goes on and reveals his real identity as Alex dela Torre to the public anyway in efforts to beautify his image now that he is constantly connecting his name to Robles and the flying woman. The Extra consequently becomes a target for cyberbullying like his father, which causes him to flare up even more and start his vengeance against Brian. He follows him around and Brian is made aware at once, but goes for the ride so he can lead him to a distant warehouse and apprehend him there. Even before their encounter ensues, Brian already sent Darna his distress signal via Ding’s server. Darna’s rescue is delayed by Noah’s courting drama which causes her to be annoyed with him as well as Andre. The two young lads end up in a heated fight. Brian gets to fatally shoot Alex, but the latter also manages to inject Brian with his poison. Darna arrives to find an Extra’s cadaver as well as a police on the verge of death. #DarnaVsGhost


It’s as though Darna and Brian switched roles here. Perhaps the title of the episode would have been more appropriate as Brian Vs Ghost in lieu of Darna Vs Ghost. To be honest, Darna and Killer Ghost don’t even get to fight in this episode. We can’t blame her, though, given how it’s really Noah and Andre’s fault. My only question now is regarding Killer Ghost and his ability to go through walls. Isn’t it the case that walls are not the only things he could go through? Maybe he just didn’t know his powers that well. Truth be told, he should also be able to phase through everything, even Brian and the bullet of his gun. Perhaps he just didn’t know how to use it well. Anyway, this argument is moot because the Extra is now dead. His difference from Lindol Man is that Killer Ghost really wanted to kill. Even then, he only got to fight Darna one time and because of that, he really did not leave that much of an impression. I wonder which Extra we’ll be getting next. #DarnaVsGhost

“Nakilala natin ang true identity ni Killer Ghost. Siya po ay si Alex dela Torre, isang pharmacist. Anak siya ni Doctor Marcus dela Torre.” –Zaldy

<<Episode 21                                   Episode 23>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Theater Review

Theater Review