Wednesday, September 21, 2022

Darna: Episode 28


28. Darna Clone Man
Babalik na sugatan si Xandra kay Borgo at sasakalin siya nito upang bigyan ng babala laban sa pagsalungat sa kanyang mga utos. Tuloy ang paghanap nila Brian sa bagong Extra na kaibigan pala ng tambay ng bayan na si Gardo (Marvin Yap). Si Clone Man na ang totoong pangalan ay Vince (Neil Coleta) ay kasapi ng isang sindikato at ang isa sa mga maaring makapagturo sana sa kanya ay mahuhuli nila Brian ngunit mapapatay din ng Extra upang pangalagaan ang kanyang totoong pagkatao. Ang sabayang pagdalaw ni Regina at Noah kay Narda ay halos ikakabunyag ng kanyang lihim sapagkat kakailanganin niyang umalis agad upang saklolohan sila Brian bilang Darna. Magkakakilala sila Regina at Noah dahil dito subalit hindi naman magaaway ang dalawa dahil lumalabas na silang dalawa ay kaibigan ni Narda. Matatalo si Regina sa kanyang kaso at maiinis ang dalaga dahil siya ay naniniwala na walang kasalanan ang kanyang kliyente. Magpapakita siya sa hukom sa gabing iyon bilang Valentina. #DarnaCloneMan


Malungkot man isipin ngunit ako ay unti-unti nang naiinip dahil tila ba paulit-ulit lamang ang takbo ng mga pangyayari. May Extra na maghahasik ng lagim. Hahabulin siya nila Brian. Hindi uubra sila Brian kaya darating si Darna upang iligtas sila. Kung ganitong paulit-ulit lamang ang mga nangyayari, marami talagang maiinis dahil wala nang bago. Sana ay ibahin naman nila ang paraan ng pagpapayabong ng mga kakayahan ni Darna sa susunod na mga kabanata. Bakit kaya hindi magpasok ng dalawa o tatlong Extra upang pagtulungan si Darna? Habang pinag-iisipan nila iyan, mukhang magbabalik na rin si Valentina matapos mamahinga. Kung paulit-ulit lang din naman ang ganap ni Darna, mainam na rin na ipasok si Valentina at  paunlarin din ang kanyang kwento. Ang nakikita ko lang na maaring suliranin dito ay mukhang hirap na hirap sila kay Valentina dahil sa special effects na kailangan dito. Marahil isa ito sa mga dahilan kung bakit bihira lamang siya ipakita. #DarnaCloneMan


28. Darna Clone Man
An injured Xandra goes back to Borgo and is strangled as a reminder against insubordination. Brian and company are still looking for the Extra who turns out to be a friend of Gardo (Marvin Yap), one of the neighborhood bums. Clone Man, whose real name is Vince (Neil Coleta), is part of a syndicate and one of the those who can identify him is caught by Brian and friends, but is immediately killed by the Extra to prevent them from finding out his real identity. Regina and Noah’s tandem visit at Narda’s desk almost leads to the revelation of her secret because she suddenly has to leave to go to Brian’s rescue as Darna. Regina and Noah end up getting to know each other because of this but stop short of fighting because they realize that they are both Narda’s friends. Regina loses a case and gets annoyed because she believes that her client is innocent. She shows up at the judge’s house that evening as Valentina. #DarnaCloneMan


Sad as it may seem but I am slowly getting bored because it seems the flow of events basically just repeats itself. An Extra is found causing mayhem. Brian and friends go in pursuit. Brian and friends are found to be no match for the enemy and Darna comes to rescue them. If this is how repetitive things get, then a lot of people will get irked simply because there’s nothing new. I hope they reconsider the ways in developing Darna’s abilities in the next episodes. Why not introduce two or three Extras at once to take on Darna? While they are thinking about that, it seems Valentina is back after her long rest. If Darna’s MO will stay the same over and over again, then might as well bring Valentina back and just expound on her storyline too. The problem I see that they might encounter here is how it looks so difficult for them to have Valentina around because of the CGI rendering involved. Perhaps this is one of the reasons why she only appears once in a blue moon. #DarnaCloneMan

“Hello, Judge.” –Valentina

<<Episode 27                                   Episode 29>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Theater Review

Theater Review