Monday, September 5, 2022

Darna: Episode 16


16. Darna to the Rescue
Magagawang makatakas ni Narda mula sa pagkakakulong at isasama ang mga kasamang nadukot upang magtago. May mga makikita pa siyang ibang kababaihan na nadukot din at nakakulong sa kabilang dulo ng pagawaan. Gagawa ng ingay ang pagdating ni Bryan at magkakaputukan. Hindi magtatagal at darating na rin ang mga kasamahan niya na kinabibilangan ng kanyang ninong at pati na rin ng tiwaling si Pineda. Makikilala si Pineda ng isa sa mga masasamang loob ngunit papatayin niya ito upang hindi siya mabuko. Mahihirapan sila Bryan sa pakikipaglaban dahil kaunti lamang sila. Dito kukuha ng pagkakataon si Narda upang lunukin ang bato at iligtas ang lahat. Makikilala ng bulag na batang kanyang iniligtas ang kanyang tinig sa pagsigaw niya ng Darna subalit mangangako ito na ligtas ang kanyang lihim sa kanya. Malalaman kinalaunan na si Mayor Zaldy ang pinuno ng sindikato at uutusan nito ang mga alagad na itumba si Bryan. Samantala, patuloy naman ang pagmamanman ni Heneral Borgo at kanyang alagad sa mga kilos ni Darna. #DarnaToTheRescue


Naaalibadbaran ako sa bawat pagkakataon na magpapakita si Heneral Borgo hindi dahil siya ang kalaban kundi dahil naiinis ako sa itsura niya. Para lang akong nanonood ng Power Rangers. Isa na rin marahil ito sa mga hindi ko talaga mahangaan sa palabas na ito. Sa kabilang dako naman ay maari nating hangaan ang paraan ng pagkuha sa kabanatang ito mula sa mga galaw ng camera hanggang sa paggalaw ng mga tauhan doon sa sagupaan. Talaga namang binigyan pansin muna ni Roño ang bakbakan bago ipasok si Darna. Ang sablay lamang ng kaunti ay ang pagpapakita sa mga slow-mo na nagliliparang bala. Kahit ang The Matrix na ipinalabas dalawampung taon na ang nakalilipas ay nagawang ipakita iyon ng maayos. Dito, hindi gaano. Sa ibang balita naman, may bago na namang Extra at ipinakita sa dulo na siya yung Extra na may kakayahang tumagos sa mga dingding. Ano kaya ang dahilan niya upang pagtangkaang patayin ang manggagamot na kausap nila Narda at Regina? #DarnaToTheRescue


16. Darna to the Rescue
Narda gets to escape from being held hostage and takes her fellow abductees to hide. She finds even more captive women and kept on the other end of the factory. Bryan’s arrival creates some noise and shooting ensues. It doesn’t take long before his colleagues which include his godfather as well as corrupt Pineda also show up. Pineda is identified by one of the bad guys but he kills him so as not to reveal his ploy. Bryan and company find it hard to fight because they are outnumbered. This is when Narda seizes the opportunity to swallow the stone and save everybody. The blind girl she rescues recognizes her voice when she shouts Darna but promises that her secret is safe with her. It is revealed later on that Mayor Zaldy is the mastermind of the syndicate and he orders his men to take Bryan out. Meanwhile, General Borgo and his assistant carry on with their surveillance of Darna. #DarnaToTheRescue


I am just so annoyed every time General Borgo makes an appearance not because he is the enemy but rather due to his appearance. It feels like I’m watching Power Rangers. Perhaps this is one of those that I really can’t appreciate about this show. On the other hand, we can admire the way by which this episode was filmed, from the camera movements to how the characters moved about during the encounter. Roño really focused on the fight scenes before sending Darna in. What is a bit off is that scene with the slow-mo bullets. Even The Matrix which was released twenty years ago was able to showcase that well. Here, not so much. In other news, there is a new Extra and they reveal in the end that this is the one who can go through walls. I wonder what his motives are for attempting to kill the doctor Regina and Narda were talking to. #DarnaToTheRescue

“Kaya ikaw ang pinili ng bato. Alam mo ba kung bakit Narda ang ipinangalan sa 'yo ng nanay mo? Dahil yun ang sinasabi niya para maging Leonor mula sa pagiging Darna.” –Roberta

<<Episode 15                                   Episode 17>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review