Monday, September 12, 2022

Darna: Episode 21


21. Darna Ghost Hunt
Tuloy lang ang pagmamanman nila Heneral Borgo at Xandra sa bagong tagapangalaga ng bato at ipaliliwanag ng una sa huli kung paanong may sinasanay si Zora noon na maaring pumalit sa kanya noong ito ay nasa Marte pa. Sa palagay niya ay si Darna ang batang iyon ngunit wala namang kasama si Zora noong siya ay dumating sa daigdig na ito. Gagawa ng paraan si Noah upang mapalapit kay Narda sa pamamagitan ng pagpakyaw sa mga inilalako nitong damit at pagpapatulong na rin sa dati niyang kaibigan na si Andre (Young JV) na kasama ni Narda sa tanggapan. Sa paulit ulit na panonood ni Brian ng footage ni Killer Ghost ay mapapansin nito na magkagaya ang kinagawian nitong pagtagilid ng ulo na siya ring napansin niyang ginagawa ni Alex. Dadalawin niya ito sa bahay at aanyayahan na sumama sa kanya upang sumagot ng ilang katanungan. Sasama man ito ng matiwasay sa simula ay gagamitin din nito agad ang kakayahan sa harap ni Brian upang makalabas ng sasakyan at makatakas. #DarnaGhostHunt


Habulan pa rin sila Brian at Killer Ghost. Ang pinakamagandang bagong nalaman natin sa kabanatang ito ay ang maikling sanaysay ni Heneral Borgo na mayroong sinasanay si Zora noon sa Marte na papalit dapat sa kanya. Maaring si Narda iyon ngunit sa palagay ko ay hindi dahil wala namang kasama si Zora noon sa kanyang pagdating at tila maliwanag naman na apo talaga ni Roberta si Narda. Sino kaya ang babaeng iyon? Siya kaya ang magiging itim na Darna kinalaunan? Hindi pa rin tayo nakakabalik sa Marte at nakita pa lamang natin ito sa komiks ni Ding. Hindi rin talaga natin alam kung ano at sinu-sino ba ang nandoon. Sana nga ay ang itim na Darna ang tinutukoy dito at ngayon pa lang ay nasasabik na kaming malaman kung sino ang gaganap sa kanya. Sa ibang balita naman, mukhang talagang pinagtitibay pa lalo nila ang pagkakaibigan ni Narda at Regina. Sa lagay na ito ay magiging lalo pang makakadurog ng puso ang kanilang pagtutuos kapag naibunyag na ang kanilang mga tunay na pagkatao. #DarnaGhostHunt


21. Darna Ghost Hunt
General Borgo and Xandra carry on with their surveillance of the new protector of the stone, the former explaining to the latter how Zora used to be training someone to take over her task when they were still in Marte. He believes that Darna might be that kid but Zora did not really have company when she arrived in this world. Noah makes a move to get closer to Narda by buying all of the clothes that she is hawking as well as through his old friend Andre (Young JV) who is currently Narda’s colleague. Through repeated viewings of Killer Ghost’s footage, Brian notices his habit of tilting his head to the side which he also observed to be similar to that of Alex’s. He pays him a visit at his house and invites him to answer some questions. Although he comes drama free at the very start, he immediately uses his ability in front of Brian to get out of the vehicle and escape. #DarnaGhostHunt


Brian and the Killer Ghost are still in cat and mouse mode. The best new piece of intel we are served in this episode is General Borgo’s short anecdote about Zora training someone in Marte who was being eyed to replace her. It can be the case that it was Narda but I believe Zora came unaccompanied when she arrived on Earth, and it also seems to be clear that Narda is indeed Roberta’s granddaughter. Who could that girl be? Perhaps we can assume that she would be Black Darna in the future? We have not returned to Marte yet and we’ve only seen it on Ding’s comics so far. We really don’t have a clue as to what and who can still be found there. I really do hope that the person being referred to here is indeed Black Darna, and we are already excited to know who will portray her. In other news, it seems as though they’re really strengthening the friendship between Narda and Regina. At this point, their impending face-off will truly be more heartbreaking once their real identities are revealed. #DarnaGhostHunt

“Sigurado ang protektor na pumalit kay Zora ay isang bihasang mandirigma. Hindi pipiliin ng bato ang isang ordinaryong tao na may panahon sa ganyan.” –Heneral Borgo

<<Episode 20                                   Episode 22>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Theater Review

Theater Review