Friday, September 9, 2022

Darna: Episode 20


20. Darna Cover Up
Tuloy na tuloy na ang pagiging pinuno ni Brian ng pangkat na lulupig sa mga Extra. Gamit na gamit naman siya ni Zaldy upang magpabango ng pangalan. Ikaiinis nila Regina at Noah ang balitang ito sapagkat galit ang una kay Zaldy samantalang inggit naman ang huli kay Brian. Isa ito sa mga dahilan kung bakit pagbubuntungan ni Regina si Narda ng galit na ikasisindak naman ng dalaga lalo pa’t isa siya sa mga natutuwa sa bagong tungkulin ni Brian. Natutuwa naman siya dahil nakakakuha siya ng kaalaman kay Brian pagdating sa mga Extra. Isang gabi ay may papasok na ulat sa server ni Ding ukol sa muling pagsalakay ng Extra na may kakayahang tumagos sa mga dingding na binansagang Killer Ghost ng mga mamamayan. Agad-agad na susugod si Darna at aabutan ang Extra sa gitna nga tangka nitong pagpatay sa isang baklang make-up influencer. Magtataka si Brian at Darna sa kung ano ang maaring dahilan ng pagtatangka habang malalaman naman nilang dalawa na talagang gumagamit ng panurok na may lason ang Extra. #DarnaCoverUp


Kahit ako man ay nagtataka kung ano naman kaya ang pakay ni Killer Ghost sa bading na influencer ngunit napag-isip isip ko rin na ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama ay cyberbullying. Marahil ay isa si bakla sa mga nakisali at naging ugat ng kamatayan ng ama ng Extra. Sa pagpapasilip din sa mga susunod na kabanata ay maririnig si Killer Ghost na nagsasabing ipinaghihiganti lamang niya ang kanyang ama. Magaling man ang pagganap ni Christian Bables ay hindi rin ako ganoon kabilib sa Extra na ito o baka dahil lamang ito sa aking pagkayamot sa kanyang kapangyarihan. Mahihirapan lang si Darna na habulin siya ngunit tila ba walang panama ang kakayahan niya sa lakas ni Darna. Sana ay magpakilala naman sila ng dalawa o tatlong Extra na sabay-sabay kakalabanin ni Darna upang kabahan naman tayo kahit paano. Sa mga pangyayari kasi ngayon ay tila ba naglalaro lang si Darna. Hindi pa ganoon katindi ang banta sa kanyang buhay at sa kanyang mga mahal sa buhay. #DarnaCoverUp


20. Darna Cover Up
Brian’s new stint as the leader of the task force in pursuit of Extras is now in full swing. Zaldy takes advantage of the situation to use him to beautify his image. Both Regina and Noah get irked by the news given how the former abhors Zaldy while the latter is envious of Brian. This is one of the reasons why the brunt of Regina’s ire falls on Narda who ends up intimidated, even more so considering how she is one of those who welcome Brian’s new task. She is also happy because she gets intel from Brian regarding the Extras. One night, a report is received on Ding’s server regarding the next attack of the Extra who can phase through walls and whom the people have named Killer Ghost. Darna charges immediately and catches the Extra in the midst of attempting to murder a gay make-up influencer. Brian and Darna both wonder as to what motive might be behind the attempt while also discovering that the Extra indeed uses a syringe with poison for all of his crimes. #DarnaCoverUp


Even I am wondering as to what Killer Ghost’s motives are against the gay influencer but I ruminated a bit and realized that his father committed suicide because of cyberbullying. Perhaps the gay guy is one of those who participated and ended up being the cause of the Extra’s father’s suicide. In the previews shown for the next episode, one can also hear Killer Ghost saying that he is only avenging his father’s death. Despite Christian Bables’ decent portrayal, I still don’t find this Extra to be that interesting or perhaps this just has something to do with my boredom when it comes to his powers. Darna will just find it hard to chase him around but in the end, his abilities are no match for her strength. I hope that they’d somehow introduce two or three Extras at the same time to square off with Darna. It’s just that as things stand right now, it seems as though Darna is just playing around. The threat to her life or to her loved ones is not really that serious just yet. #DarnaCoverUp

“Si Robles bata ko. Bata ni Robles yung babaeng lumilipad. Therefore, bata ko rin yung babaeng lumilipad.” –Zaldy

<<Episode 19                                   Episode 21>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Theater Review

Theater Review