Monday, November 26, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 21

Kabanata 21
Patuloy pa rin ang pagtakas ni Carlotta tangay tangay ang isang batang lalaking nagngangalan na Ivan (Bugoy Cariño) mula sa isang lalaking humahabol sa kanila. Hindi malinaw ang dahilan kung bakit sila naghahabulan, ngunit sa gitna nito ay susubukang tumawag ni Carlotta sa kanilang bahay, marahil upang humingi ng tulog, at si Ava dapat ang makakasagot ngunit hindi ito matutuloy. Nagpasya si Gen na makipagkita kay Leon upang tuldukan na ang kung anuman ang mayroon silang dalawa alang-alang kay Edward. Ililihim niya ito sa kasintahan ngunit malalaman din dahil sasabihin ni Leon. Malinaw ang pag-uusap ng dalawa na dapat na nilang kalimutan ang lahat. Bakas na bakas sa galaw at mukha ni Leon na hindi siya sang-ayon, ngunit gaya ng sabi ng kanyang ama, kailangang subukin ng kanyang puso na sundin ang utos ng kanyang utak. Sa kanyang paglisan sa kanilang tagpuan ay darating naman si Edward, na tatanungin si Gen kung bakit inilihim sa kanya ang pagkikita nila ni Leon.

Mabilis. Sa ibang palabas ay aabutin muna ng ilang araw ang pagmumuni-muni ng isang tauhan bago niya tuklasin kung may ginagawa ngang kalokohan ang isa pang tauhan. Dito, haharapin agad ni Edward si Gen at tatanungin, ngunit sa palagay ko ay hindi rin sasabihin ni Gen ang totoo, dahil kung oo, saan pa iikot ang mga pangyayari? At sa isa na namang pagkakataon ay pinahanga tayo ni John Lloyd Cruz sa kanyang galing sa pag-iyak, na talaga namang nakakadala at nakakaawa. Gayunpaman, pasya mo iyan, Leon. Panindigan mo iyan, at bigyan mo pa kami ng matinding dahilan kung bakit niyo kailangang magkabalikan ni Gen. Marami-rami naman ang pakita kay Carlotta sa kabanatang ito, na nakapagtataka rin. Mukhang malaki rin ang magiging kaugnayan niya sa mga bagay-bagay na magaganap.

“Minsan ko na siyang pinakawalan. Ngayon nahanap siya ng iba, kung kailan handa na ‘kong ipaglaban siya” –Leon

Episode 21
Carlotta is still on the run, with a little boy called Ivan (Bugoy Cariño) in tow, fleeing from a yet unidentified man. The reason for the pursuit is left unrevealed, but during the chase, Carlotta will try to phone home, maybe to ask for help, and would have been answered by Ava but the call does not push through. Gen decides that it is just proper to meet Leon and put an end on whatever is between the two of them for Edward’s sake. She will not tell him though, but he would still find out because Leon would inform him about it. Their conversation is clear and they agree that they must forget everything. Leon’s face and actions show nothing but traces of reluctance, but following his father’s advice, he would try to make his heart follow what his mind dictates. He has already gone when Edward arrives at the scene, and he will question Gen directly as to why he kept the meeting a secret.

Fast. In other soap operas, it would take more days of reflection and doubt before a character decides to find out if another character is doing something fishy. Here, Edward confronts Gen at once, but I think she would not spill the beans just yet, otherwise, where would the story revolve? And once again. John Lloyd Cruz impresses us with his awesome bawling skills, which is really affective and truly does make him pitiful. Still, it is your decision, Leon. Man up, and give us a good reason as to why you and Gen should end up together. On the other hand, Carlotta’s scenes multiply in this episode, which also raises some questions. It seems like she is bound to have a rather huge involvement in everything.

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Film Review

Film Review

Film Review

Film Review