Thursday, November 22, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 19

Kabanata 19
Sa napipintong pag-alis ni Leon ay hindi maitago ang lumbay ni Emy, ngunit hindi rin naman niya ito pipigilan sapagkat sang-ayon naman siya na ito ang nararapat gawin. Sa kanyang pagdating sa Maynila ay pupuntahan agad ni Leon si Edward, na siya namang tatanggap sa kanya  ng buong galak at sasabihan siya na magsimula na agad upang maitayo na ang isang gusali na talagang inilaan upang pamunuan niya. Sa pagkakataong ito ay darating si Gen dahil may nakalimutan siya sa tanggapan ni Edward. Sa wakas ay magkakaharap na rin ang dalawa matapos ang mga kaganapan sa Vienna. Sabik si Leon at handang magpaliwanag. Sabik din si Gen ngunit bakas ang kaba na may halong panunumbat sa kanyang mga titig. Paglabas ni Edward ng silid ay magkakaharap harap silang tatlo, kung saan ipakikilala ni Edward si Gen kay Leon bilang isa sa mga mahahalagang tao sa kanyang buhay. May aasahan pa kaya si Leon ngayong handa na siya ngunit ang kanyang babalikan ay mayroon nang iba?

Ayan na nga. Dito na magsisimula ang mga kaguluhan. Tila ganun naman talaga ang patutunguhan ng mga pangyayari. Tila kailan lang noong nasa Vienna silang dalawa at aliw na aliw ako sa kanilang mga masasayang tagpo na magkasama. Subalit sa pag uwi nila sa Pilipinas, lampas dalawang linggo na rin nagpatuloy ang kanilang mga buhay, at iyon naman talaga ang nangyayari rito sa daigdig. Kung wala kang lakas ng loob na habulin ang mga nais mong makuha sa buhay, wala kang karapatang magmukmok kung isang araw ay may dumating na ano o sino na magpapaalala sa iyo ng nakaraan na maari mo sanang nakuha kung sinubukan mo lang. Hindi naman titigil ang ikot ng daigdig dahil lamang hindi mo pa kayang harapin ang mga dapat mong harapin, at sa panahon na handa ka nang magpatuloy, hindi na rin tiyak na walang nagbago. Laging may magbabago, at kung paano mo haharapin ito, marahil yun ang mahalaga. Yun nga lang, may kapalit lagi ang bawat pasya at bawat kilos, at mukhang ito ang matututunan ni Leon sa mga susunod na kabanata.

“Gen, hindi ko alam kung paano magsisimula, pero hahanapin talaga kita...” –Leon

Episode 19
Leon’s impending departure gives Emy an obviously gloomy vibe, but she would not try to stop him because she also agrees that it is what needs to be done. Upon his arrival in Manila, Leon would head to Edward’s office at once, and he will be welcomed with open arms and asked to start immediately so he could manage the construction of a skyscraper project meant to be headed by him. It is during this time when Gen decides to go back to Edward’s office to pick up something that she has forgotten. At last, the two get to meet again after what happened in Vienna. Leon is excited and ready to explain. Gen is also excited, but her stares insinuate both nervousness and guilt. As Edward exits his office, the three of them meet, and he introduces Gen to Leon as one of the most important individuals in his life. Now that he is ready, should Leon still hope to revive whatever it was that they had before even when Gen is already with someone else?

There you go. Here starts all the complications, but it seems as though this is whither the plot was really headed. It was not so long ago when the two were in Vienna and I was amused with all the good times they had together. However, more than two weeks have passed since they came back to the Philippines to resume their respective lives, which is what really happens in the world, right? If you do not have the guts to chase what you want in life, then you have no right to whine and sulk in defeat if one day you encounter something or someone that reminds you of what could have and should have if only you fought for it. The world does not stop its rotation just because someone is getting too much flak and could not keep up with it, and when the time comes when you are finally ready to go on, it would not be a guarantee that nothing has changed. Change will always be present, and how you cope with that change, perhaps that is the important thing. It is just that, every decision and action merits something in return, and it seems like this is what Leon is bound to learn in the next episodes.

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Theater Review

Theater Review

Film Review

Film Review