Tuesday, November 20, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 17

Kabanata 17
Lubos lubos ang pasasalamat ng mga taong-bayan dahil ginawa rin ni Leon ang isang bahagi ng bayan kung saan gaganapin ang isang pagdiriwang, kung saan hihikayatin niya si Emy na sumayaw. Sa kanilang pagsasaya ay aalamin niya ang mga bagay-bagay uko sa dalaga tulad na lamang ng mga nais nitong gawin sa buhay at kung nais ba niyang magpatingin sa manggagamot upang malaman kung makakakita pa siyang muli. Sa pagtatapos ng gabi ay tutuparin ni Leon ang pangarap ni Emy na humiga sa ilalim ng kalangitan at panoorin ang mga bituin. Sasabihin ni Leon na nais niyang manatili doon, ngunit hihikayatin siya ni Emy na bumalik sa Maynila upang harapin ang kanyang mga suliranin. Pinangaralan si Edward ng isang pangkat ng mga alagad ng sining. Sa kanyang talumpati, malalaman na nais din pala niyang maging alagad ng sining gaya ng mananayaw na ina, na maagang binawian ng buhay. Sa tanghalan ng mga natatanging sining na nakaguhit, makikita ni Gen ang iginuhit ni Leon na larawan ng isang ilog at maaalala niya bigla ang binata. Sa galit naman ni Edward dahil sa isang hindi pagkakaunawaan sa may-ari ng lupa na nais niyang bilhin, dadamayan siya ni Sophia sa paraang alam nito na lagi nilang ginagawa. Mahuhuli sila ni Gen.

Iba talaga ang mayaman. Sino nga ba ang may kailangan ng tugtog kung ang mang-aawit ay kaibigan mo naman pala. Iba manligaw si Edward, ngunit isa sa mga kahinaan niya ay ipinakita rin sa kabanatang ito, at ngayon ako ay unti-unti nang nang naniniwala na mayroon pa rin ngang mga dahilan upang hindi maging sila ni Gen. Marahil ito ay isa sa mga hindi magandang kinalalabasan ng isang pagsasamang hindi naman tiyak kung ano talaga. Sa kabilang banda, naiinis ako kay Leon. Pangalawang pagkakataon na niya itong tumakas sa buhay niya sa Maynila, at uulitin na naman niya ang pagkakamali na talikuran ang isang tao na maaring magpaligaya sa kanya dahil sa walang kasaysay-saysay at nakakapagod nang paulit ulit na suliranin niya sa sarili. Marahil ay may mga tao talagang mahilig lamang gawing magulo ang mga bagay na sa katotohanan ay payak at hindi naman talaga ganoon kagulo. Sabagay, ganoon din naman akong tao, kaya alam ko na nakakainis talaga ang ganyang kaisipan, isang dugtong-dugtong na pagtuon ng pansin sa mga bagay na maari namang isantabi ngunit hindi magawa-gawa at sa huli ay paulit-ulit na lang. Sana ay makakalas na si Leon at matutong habulin ang makakapagpasaya sa kanya.

“Negosyo ang tinatayuan ng ekonomiya; salapi ang nagpapaikot ng mundo; pero ang sining ang bumubuhay sa kaluluwa ng mga tao” –Edward

Episode 17
The townspeople could not thank Leon enough for repairing their plaza where a feast is to take place, and where Leon invites Emy to dance. In their merrymaking, he digs deeper into her personal life, asking her about her aspirations and dreams, as well as her view on seeing a doctor to find out if she could ever regain her vision. As the night comes to a close, Leon would fulfill one of her wishes, which is stargazing. He would tell her that he wants to stay, but she would suggest that he goes back to Manila and face his dilemmas. Edward is awarded by an art group and in his speech it is revealed that he wanted to be an artist, just like his ballerina mother, who passed away too soon. At the art gallery, Gen will see a painting done by Leon which will suddenly remind her of him. Meanwhile, because of Edward’s rage regarding a deal gone awry with the owner of a land he wanted to buy, Sophia would try to compensate by doing what they always to relieve them of stress. Gen will catch them in the act.

What deep pockets could do! Why the need for canned music when you know the singer himself. Edward knows how to woo a girl, but one of his weaknesses is demonstrated in this episode, and I am gradually convinced that there could be some things that might serve as obstacles for him and Gen to be an item. Perhaps, this is one of caveats of a relationship that has no clear definition and boundaries. On the contrary, I am beginning to dislike Leon. This is the second time that he is bailing out of his miserable life in Manila, and he is committing the same mistake by turning his back on someone who could make him happy because of his exhausting and never ending self-centered drama. Maybe there are just people as such who exist to make a complicated mess out of something that would otherwise be defined as simple. Oh well, I am one of those people, and so I know how annoying it could all get when this kind of mentality enslaves you, an endless chain of instances wherein you focus on inutile stuff that could just be put aside if you wanted to, but turns out to be a vicious cycle. Hopefully, Leon could break free and learn to chase what could make him happy.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review