Monday, November 12, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 11

Kabanata 11
Makalipas ang tatlong buwan ay nakauwi na rin si Leon at Fred sa bansa. Saksi sa muling pagsama-sama ng kaibigan at mga mahal sa buhay, ramdam ni Leon na kailangan na rin niyang ayusin ang sariling buhay, kung kaya’t siya ay magpapasyang magtungo sa Agusan upang malaman ang mga lihim ng kanyang nakaraan. Hindi naman maitago ang tuwa at pagkasabik ng kanyang amang si Emong (John Arcilla) sa kanyang muling pagbabalik. Sa tatlong buwan bago makabalik sa bansa ay hindi nakapag-usap sina Leon at Gen, na matapos dumaan sa matinding kalungkutan at pag-iisa ay handa nang lumaban at ipaglaban ang huling pangako sa ama. Sa tulong at gabay ni Edward ay hindi na niya ipagbibili ang Ropa, isang bagay na lubhang ikagagalit ng kanyang Tiya Sabrina, na kasama ng anak na si Harry ay tila ba may tinatagong kabalastugan na sa sa kanilang pakiwari ay hindi na dapat matuklasan ng kung sino man.

Mukhang simula na ng gulo lalo pa ngayon na handa nang lumaban si Gen. Nakakatuwang makakita ng isang babaeng tauhan na hindi tatanga tanga at sunud-sunuran at talagang handang suwagin ang sinumang haharang sa kanyang daan, kahit pa ito ay kamag-anak o kung sinong malaking tao. Sana ay magpatuloy ang paguugali niyang ito sapagkat nakakasawa na ring manood ng mga babaeng walang ibang layunin sa buhay kundi magpa-api. Tapos na ang mga kinunang tagpo sa Austria, ngunit nagpapasalamat pa rin ako na tumagal ng sampung kabanata ang mga nasabing tagpo at nabigyan ng pagkakataon ang mga manonood na masaksihan hindi lamang ang ganda ng nasabing bansa, kundi ang mga tagpo rin na kinunan doon na sadyang mahirap kalimutan dahil binigyan nito ng kakaibang kahulugan ang mga nasabing pook. Ngayong nasa Pilipinas na ang mga tauhan ay inaasahang magiging mabilis ang daloy ng mga pangyayari at sana ay hindi ito magaya sa ibang palabas na maganda ang simula ngunit tila naligaw ng landas at sa huli ay tuluyan nang nasira.

Nay, gusto ko lang na malaman niyo na kahit anong malaman ko, kahit anong sagot ang makuha ko, hindi niyo kailangang mag-alala dahil walang magbabago. Kayo pa rin ang nag-iisang nanay ko. --Leon

Episode 11
Leon ang Fred returns to the country after three months. Witnessing the reunion of his friend and his loved ones, Leon feels that it is about time for him to fix his own life, which leads him to the decision to travel to Agusan to find the truth regarding his past. His father Emong (John Arcilla), on the other hand, could not hide his euphoria in finally seeing his son come home. In those three months prior to coming back, Leon and Gen have lost touch of each other. After going through extreme depression and the feeling of being abandoned, she is now ready to face the word and fight to fulfil her last promise to her father. With Edward’s aid and guidance, she resists selling Ropa, a decision that her Aunt Sabrina does not welcome with open arms. Together with her son Harry, they seem to be hiding some anomaly that they are keen to keep under wraps no matter what.

It looks like a war is brewing especially now that Gen is up and ready to fight. It is amusing to see a heroine that is not bound by either stupidity or blind obedience and is ready to go heads-on with anyone who dares block her way, even if that someone happens to be part of the family or some influential individual. Hopefully, this demeanor gets to continue because it is becoming tiresome to watch women with no other purpose than being the aggrieved party. The scenes shot in Austria come to an end, but I am still thankful that they lasted for ten episodes and the viewers have been given a chance to witness not just the beauty of the said country, but also the scenes shot there that would be hard to forget because of how they were able to lend a different meaning to the mentioned places. Now that the characters are in the Philippines, it is expected that the flow of the story would speed up, and here is to hoping that this would not go through what other soaps before it had to by starting good, losing track, and eventually falling apart.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review