Monday, November 19, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 16

Kabanata 16
Hindi rin naman pala natuloy ang mangyayari dapat kay Gen at Edward dahil hindi pa raw handa ang dalaga. Sa halip ay mag-uusap ang dalawa buong gabi, magsasayaw, at magtatanong ng mga bagay-bagay sa kanilang mga buhay kung saan makikilala nila ng higit ang isa’t-isa. Sa mga sagot ni Edward, mapapansin na si Sophia ang kanyang pinatatamaan nang siya ay tanungin ni Gen ukol sa kanyang unang pag-ibig. Kinalaunan, sasamahan ni Edward si Gen humanap ng bagong bahay at tutulungan itong maglipat. Sa Agusan, sisimulan na ni Leon ang pag-ayos sa bahay ni Emy at siya ay tutulungan ng mga taong-bayan. Hindi maiiwasan na tuksuhin silang dalawa ni Emy, na sa labas ay tila umiiwas, ngunit sa loob-loob niya ay natutuwa rin naman ayon sa kanyang mga kiming tawa. Sa pagpapatuloy ng paglalahad ng sama ng loob ni Leon tungkol sa ina, dadamayan siya ni Emy at sasabihan na paminsan-minsan, kailangang gawin ang mga bagay-bagay upang mapabuti ang kalagayan ng isang tao, gaya na lamang ng ginawa sa kanya ng tunay na ina na tatlong pagkakataon siyang binalikan ngunit isinauli rin dahil hindi siya nito kayang buhayin. Naging maayos naman ang kanyang buhay kaya wala rin siyang pagsisisi.

Mukhang hindi rin naman pala masama ang balak ni Harry ngunit di pa rin maiaalis na mapilit siya ng ina na gumawa ng mga bagay-bagay na ikasasama ni Gen at ng Ropa. Abangan. Sa lagay ng mga bagay ngayon, hindi ba maaring manatili na lang na ganito ang lahat upang wala nang gulo? Masaya naman na si Gen kay Edward, at tila ba maayos din ang maaring kahantungan ni Emy at Leon. Marahil ay may matutuklasan si Leon na magpapabalik sa kanya sa Maynila upang hanapin ang ina. Bagama’t Amina ang tawag sa kanyang ina ng mga taong-bayan, may mga nagsasabi na si Carlotta na kapatid ni Edward talaga ang nanay niya. Nararapat ito upang palabasin na magkakarugtong talaga ang buhay ng bawat isa sa kanilang tatlo. Gayunpaman, tila ba pilit ang ganitong pangyayari, at gaya ng nasabi na dati, may pagkakatulad ito sa mga nangyaring kaganapan sa Maging Sino Ka Man, kung saan ang pagkatao rin ng tauhan na ginampanan ni John Lloyd Cruz ang naging tampulan ng lahat. Sana naman ay hindi.

“Mahal ba yung ganun? Iniwan niya ko. Walang mahal na iniiwan” –Leon

Episode 16
It turns out that what should have happened between Gen and Edward would not happen at all because she is not yet ready. Instead, the two have a chat all night, dance, and ask each other questions in order to know more about each other. Edward’s answers imply that it is Sophia that he is hinting on when asked by Gen as to who his first love is. Later on, Edward would accompany her in getting a new house and eventually moving in. In Agusan, Leon’s embarks on the renovation of Emy’s house, with the help of the townsfolk. Teasing the two could not be avoided, and while Emy seems reluctant on the outside, her shy giggles reveal that she wants it too. With Leon’s continuous whines about his mother leaving him, Emy empathizes and tells him that at times, it is necessary to do some things that would lead to the betterment of one’s life, citing as an example what her own biological mother did to her, taking her back but also giving her back thrice because she could not support her. She fared in life well anyway, and for that she has no regrets.

Well, it looks like Harry has no bad plans, although the thought that he could easily be influenced by her mother to do something to Ropa’s or Gen’s detriment could not just altogether be dismissed. We’ll see. Where things are at right now, could they just not leave everything as such to avoid conflict? Gen is happy with Edward, and it seems like Emy and Leon could actually have something to look forward to together. Perhaps, Leon would discover something that would prompt him to go back to Manila to find his mother. Even though many from the town refer to Leon’s mother as Amina, there have been rumors that Carlotta, Edward’s sister, is actually the real mother. This is apt to show the connection among the three of them. However, such a scenario is contrived, and as said before, coincides with what happened in Maging Sino Ka Man, where the there was also a shift of focus on John Lloyd’s role later on. Hopefully not.

0 creature/s gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Film Review

Film Review

Film Review

Film Review