Saturday, November 3, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 5

Kabanata 5
Matapos ang away kinagabihan ay magkahiwalay na nagpasyang umalis sina Leon at Gen ngunit mukhang itinadhana pa rin ang kanilang pagkikita bago lisanin ang Vienna papuntang Salzburg. Bago ito ay tinapos muna nila ang kanilang mga kaugnayan sa nakaraan: si Gen sa dating kasintahang si Jakey (Carlo Romero) na pinalaya na nito sa piling ng babaeng minamahal; at si Leon sa kaibigang si Fred na piniling lumayo sa mga gulong dala nito sa kanya. Sa pagdating nila sa Salzburg ay nakilala nila si Tala (Tetchie Agbayani), isang Pilipinang may asawang taga-roon na nagmamay-ari ng isang tanghalan ng sining. Sa paglalahad ni Tala ng pag-iibigan nila ng asawa ay naisalaysay niya ang halaga ng isang larawang iginuhit nito alay sa kanya na siyang nagbigay-daan sa kanilang pag-iibigan. Isang sunog ang tutupok sa nasabing larawan na susubukang iligtas ni Tala ngunit mabibigo. Sa paglalayon na tulungan ang mag-asawa at ituwid ang nakaraan sa pamamaraang ito, malalagay sa alanganin ang buhay ng binata, subalit siya ay ililigtas ni Gen. Sa pagtatapos ng gabi ay lalalim pa lalo ang pag-uunawaan ng dalawa na mauuwi sa pag-iisa di lamang ng kanilang mga katawan, kundi ng kanilang mga puso at damdamin.

Muli, isang napakagandang kabanata na puno ng mga nakatagong kahulugan na wari nagsusumamo sa iyong pag-tuklas. Ang maraming pagbabalik-tanaw ni Leon sa huling limang kabanata ay nagsasabi na hindi talaga niya makalimutan ang nakaraan. Sa pagkakataong ito, ang sunog na halos tumupok kay Tala ay makikita bilang pagsasabuhay ng nakaraan na lubhang kinamumuhian ni Leon, isang paalala mula na totoong totoo na gigising sa kanya upang maunawaan na hindi ang nakaraan ang ayaw magpalaya sa kanya. Siya ang ayaw magpalaya sa sarili sa nakaraan. Ang pagpapalaya naman ni Gen sa dating kasintahan ay nangangahulugan lamang na handa na siyang magpatuloy sa kanyang buhay. Sa pagligtas niya kay Leon sa sunog hindi lamang niya iniligtas ang buhay nito sa mga pagkakataong iyon, datapuwat binigyan din niya ng ibang kahulugan ang daigdig ng binata, isang pagkakataon na magpatuloy ng isang bagong buhay, sa pamamagitan niya.


“Warum is das Leben so kompliziert?” -- Leon

Episode 5
After quarreling the other night, Leon and Gen decide, each one on his own, to leave, although their chance meeting at Vienna en route to Salzburg seems to be somewhat destined. Prior to this, they both cut their ties to the past: Gen with her ex-boyfriend whom she sets free to be with the girl that he loves; and Leon with his friend Fred, leaving all the troubles that he is always dragged into. When they arrive at Salzburg, they meet Tala (Tetchie Agbayani), a Filipina married to a local who owns an art gallery. Sharing her love story to the two, she also tells them about the value of a painting that her husband drew her, which paved the way for their romance to bloom. A fire will destroy the painting, which Tala would attempt to save but in vain. In an effort to help the couple and seeing it as an opportunity to correct past mistakes, Leon’s life would be put in danger, but will be salvaged by Gen. As the evening grows older, their mutual understanding develops and opens the path for the union not just of the body, but also of the heart and soul.

Once again, an impressive episode replete with hidden symbolism begging to be unraveled. Leon’s many flashbacks in the last five episodes do tell that he could really not break away from his past. At this point, the fire that almost consumes Tala could be seen as the past that he so despises coming alive, a reminder that is all so true that would serve to wake him up and make him understand that it is not the past that would not let go of him, but rather it is he himself who would not allow such emancipation to happen. Meanwhile, Gen letting go of her ex-boyfriend signifies her eagerness to move on with her life. In saving Leon from the fire, she does not only save his life at that moment, but also gives his world a whole new meaning, a chance to carry on with a new life, through her.


0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Theater Review

Theater Review

Theater Review

Theater Review